Instructor
"To formally introduce myself to you guys, my name is Rod Vincent Lopez and I will be your instructor in this subject for the whole semester." Panimula nya sabay kagat-kagat sa lips nyang mapula. Nako, hanggang dito ba naman dala-dala pa rin nya ang kanyang kalandian? Tsk.
Patuloy pa rin sila sa kanilang 'meet and greet'. Ang awkward tuloy tawaging sir nitong si Rod.
"S-sir, ahh single ka pa po ba? Hehe." Sabi nang Isa naming kaklase sabay hawi nang kanyang buhok sa kanyang tenga. Pabebe masyado. Hindi na talaga napigilan ang bunganga ahh.
He laughed sexily at dahil dun madaming babae ang impit na nagtilian. "Yes, I'm single but I have this girl na gusto kong maging akin." Sabi nya sabay tingin sa direksyon namin.
Kinabahan naman ako bigla nang magtama ang mga mata namin. Umiwas ako kaagad at binalewala Ang kabang naramdaman. Anong ibig sabihin nya doon?
Kinalabit naman ni Karen ang tagiliran ko. "Ayaw kong mag-assume ka ahh pero parang iba ang kislap nang mata ni Janus, I mean ni Sir pagdating sayo. Para bang gusto kang kainin anytime, anywhere hahaha."
Tinampal ko ang kamay nya nang mahina. "Kung ano-anong pinagsasabi mo! Atsaka alam ko mga tipo nyan. Tigang ka lang siguro." Pabirong sabi ko. Syempre mag best-friends kami, alam namin ang lahat tungkol sa isa't-isa, lahat talaga including her active sex life. Palagi nyang isini-share sa akin ang experience nya kaya madalas talaga sya ang sinisisi ko kung bakit may lumot na ang utak ko.
"Aray, namemersonal ka naman. Virgin ka pa kasi kaya hindi mo alam kung ano ang feeling." Sabay irap nya.
"Ayy nako, change topic na nga tayo baka saan pa umabot tong usapan na to."
Hindi na kami nakisabay sa mga haliparot naming mga kaklase at piniling magkwentuhan nalang. Aaminin kong may naramdaman akong konting takot kasi alam nya kung ano ang totoong trabaho ko at naging customer ko pa sya kaya baka isumbong ako sa Dean namin at patatalsikin ako dito.
I sighed heavily. "Hmm. Alam ko na iniisip mo, hindi naman siguro nya magagawa iyon." Bulong ni Karen.
Nginitian ko nalang sya.
Sana nga. Ayaw kong maging hadlang pa ito sa pagkamit ko nang aking mga pangarap.
As usual, dahil nga first day halos lahat nang professor at hindi nagklase, binigyan lang kami nang papel tungkol sa grading system namin at yung iba nga hindi na talaga pumasok.
Mabilis kumalat ang balita. Trending rin number 1 sa department namin at pati na rin sa mga karatig na departemento ang tungkol sa bago naming instructor. Yung 'matipuno' at 'gwapo' kuno. Gwapo naman talaga sya, kung hindi ko lang talaga alam ang totoong budhi nya eh pasado na sya sa mga tipo ko.
We're heading to the school's cafeteria now, kung saan nag-aantay na samin si Dodong.
"Oh, kamusta! May mga kaibigan ka na ba Rob?" Tanong ni Karen kay Robert 'Dodong' pagkaupo namin sa table na hinanda nya para sa among tatlo.
"Oo naman pero kinikilala ko pa sila isa-isa eh. Madali lang namang humanap nang kaibigan, yung totoong kaibigan lang hindi.''
Napa-isip naman ako doon, sabagay tama naman siya. Mas mabuti na yung kaunti pero totoo.
In-enjoy nalang namin ang aming biniling pagkain at balik na naman sa masayang kwentuhan at sumasabay na si Dodong samin na parang natagal na nya kaming nakasama at nakilala.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.