Kabanata 14

5.1K 54 2
                                    

I'll be glad to accept criticisms po, be it constructive or destructive.
-*-

Confront

Hinatid rin naman ako pauwi ni Janus nung gabing iyon. Hindi naman talaga naglalagi si Janus doon, binibisita lang niya ito paminsan-minsan.

Gumaan ang pakiramdam ko matapos ang tagpong iyon. Nasabi ko na sa kanya na gusto ko sya, hindi malinaw kong ano pa ang mangyayari pero kung ano man ang mangyayari ay malugod ko itong tatanggapin.

Bahala na. Yun talaga ang palaging nasa isip ko nitong mga nakaraang araw. Bahala na.

Hindi mabura-bura ang galak sa aking pagmumukha at dala-dala ko ito kinabukasan sa skwelahan. Pansin iyon ni Karen pagpasok ko sa room namin.

Dumating naman kaagad ang guro, buti nalang talaga sa likuran nila napiling umupo.

"Ba. Mukhang may magandang nangyari kagabi ahh. Share naman diyan!" Bulong ni Karen habang patuloy sa pagtuturo ang terror namin na guro sa harap. Hindi na talaga nakapagpigil sa pagtatanong ang bestfriend nya.

"Okay na kami ni Janus." Pag-amin ko habang ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa harapan.

Inamin ko na kasi ayaw ko nang dagdagan pa ang pagsisinungaling ko sa matalik na kaibigan.

"Mabuti naman, nitong mga nakaraang araw kasi'y para kang namatayan. Ano, may nangyari ba? Naisuko mo na ba ang perlas nang silanganan?" Ngiting-asong sabi nito.

"Oyy! Hin-"

"Ms. Lorreno and Ms. Esquivel, if you're not interested with this class, both of you may now leave.. Or feel free to drop this out." Kalmadong sabi nito pero nanglilisik ang mga mata.

Para kaming nabuhusan nang malamig na tubig galing Antartica.

Patay. Napalakas na pala namin ang aming boses. Major subject pa naman namin 'to, baka ibagsak kami! Mahirap na.

"We're sorry ma'am." Lakas-loob kong sabi at tiningnan sya sa mga Mata. Nang naglaon ay yumuko nalang ako.

Tumikhim lang ito at nagpatuloy naman sa pagtuturo na parang walang nangyari.

Nakahinga naman kaming dalawa ni Karen nang maluwag doon. Itinuon nalang talaga namin ang aming attensyon sa pakikinig. Ayaw naman naming bumagsak no.

Nang matapos ay sa Canteen agad ang tungo namin.

"Shuta, muntik na tayo doon Lexi! My God, kung kailan huling taon na natin saka tayo napagalitan. Kakahiya." Histerikal na sabi ni Karen habang sumsipsip nang Milktea.

"Ikaw kasi! Nabigla lang naman ako doon sa tanong mo." Irap ko sa kanya. Wala naman kasing sikreto na tinatago itong kaibigan nya sa kanya. Lahat sinasabi... as in lahat, pati ang active nitong sex life.

"Pero seryoso. Ano nga ang sagot dun sa tanong ko? Nasa tamang edad naman na tayo, kaya okay lang kahit SPG ang topic." Sumang-ayon naman siya.

"Totoo, wala talaga. Babaero 'yung si Janus noon Oo, pero nagbago na sya. Sabi niya, nirerespeto nya ako pagdating sa usaping ganito." Si Janus yung tipo nang lalake na chick magnet sa kanyang kabataan, sa katunayan hanggang sa ngayon.

Nakwento nito sa kanya na lahat nang babaeng nagbibigay nang motibo sa kanya ay pinapatulan niya. Malibog talaga, ika nga nila. At nung nakapasok na siya sa buhay nito'y masasabi niyang siya nalang ang babae nito... maliban sa asawa.

Tumango-tango naman ang bestfriend niya. "I see. Pero lalaki pa rin iyon, atsaka ikaw na rin ang may sabi na bago ka pa dumating sa buhay niya papalit-palit nang babae iyon kahit may asawa na. Paano kung magyaya sa iyo?"

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon