Old Style
Halata sa mukha ko ang antok kinabukasan. Sya ang unang instructor ko kaya paminsan-minsa'y bumabaling ang tingin nya saakin, alam naman niya kung bakit ako antok ngayon kaya sigurong hinahayaan lamang nya akong nakayuko sa aking kina-uupuan ngayon.
Marami ang nangyari kagabi. Muntik pa akong mapahamak.
Hindi ko rin sukat-akalaing nakapunta ulit ako sa condo niya at pinagluto pa. Aaminin kong nagbago talaga ang tingin ko sa kanya, may kabaitan naman palang taglay itong taong 'to! Akala ko puro yabang lang.
Mahigit dalawang oras lang yata ang tulog ko. Hindi ko alam sa kanya kasi pagkatapos naming kumain ay pinaalis na nya ako sa kusina kaya nilibang ko nalang ang sarili ko sa kanyang sala hanggang sa nakatulog sa kanyang sofa. Gusto ko pa sanang mag volunteer sa paghuhugas ng plato pero iritado nya akong tiningnan kaya hindi na rin ako nagmatigas.
Laking gulat ko nalang pagka-gising na nasa isang silid na ako. May naramdaman akong mga bisig na bumubuhat sa akin kaya lang dahil sa antok at pagod ay baka nga hindi ko na ito napansin.
Kahit pilit kong iniwaglit sa aking isipan ang nangyari sa amin nung nakaraan ay hindi pa rin ako nagtagumpay. Mabuti nalang magaling akong umarte na parang wala lang.
Today is September 17, ibig sabihin kaarawan ko ngayon!
Yehey! Happy Birthday to me!
Mahirap mang tanggapin na si Rod ang una kong nakasama upang salubungin iyon kaninang madaling araw ay wala naman akong magagawa pa. Magpasalamat pa nga ko eh kasi nagawa nya akong iligtas sa mga gagong iyon. Baka sa birthday ko pa ako pinaglamayan. Ang saklap naman 'nun kapag nagkataon.
Pero hindi ko naman sini-celebrate iyon kaya parang wala lang din. Kung hindi ko nga tiningnan ang calendar ko kanina sa aking cellphone ay baka makalimutan ko na haha.
Konti lang ang nakakaalam at syempre isa na itong bespren ko sa mga piling taong iyon.
"Happy Birthday bestfriend! Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Mamaya na Tayo mag-dramahan hahaha. Ano ang magiging ganap natin?" Bati ni Karen. Nalate kasi ng pasok kanina kaya hindi kami nakapag-kwentuhan.
Agad kaming makahanap ng pwesto sa may cafeteria. Lunch time na kasi at iniintay pa naming dumating si Dodong.
"Hmm. Wala, simple lang as usual. Alam mo namang hindi ko trip mag celebrate ng birthday, bukod doon wala naman akong pang-gastos ng bonggang handaan no! Hahaha."
Umiling nalang din sya at tumawa ng maalalang sya lang ang nag-e-effort tuwing birthday ko.Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ayaw ko ng mga selebrasyon ay na trauma ako sa pagkawala ng Lola ko.. nag-kakasiyahan din kami nun, tapos biglang nangyari yung ganun.
"Atsaka, may duty tayo mamaya kaya magpapaluto na lang siguro ako kay Aling Ailyn ng pansit. Oh diba, basta sabay na tayo papunta sa trabaho mamaya." Pagpapatuloy ko.
"Sabagay. Oh sya, samahan mo na ako pagkatapos nating mananghalian. Surprise ko sana sa'yo to Mamaya ehh, kaya lang tinatamad akong mamili mag-isa hahaha. Timing namang wala tayong pasok mamayang hapon kasi may meeting daw ang mga instructors natin." Magiliw nyang sabi.
"Ha? Eh, saan naman tayo pupunta?" Kuryoso kong sabi.
Isang malaking ngisi lang ang naging sukli niya sa tanong. "Ahh basta.. malalaman mo mamaya."
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.