Bistado
All went back to normal.
Ang taon lang ang nagbago ngunit tuloy pa rin ang hamon ng buhay. Dating gawi. Aral sa umaga at diskarte sa gabi, yun nga lang ngayon ay pinaglaanan ko rin ng oras si Rod.
We're officially in a relationship. Sinagot ko na agad, sa tingin ko'y kilala ko naman na sya ng lubusan at ramdam kong mahal nya rin naman ako.
He quitted as an instructor in our school. Palagi nya rin akong hinahatid papasok ng school ngunit hanggang sa kabilang kanto lang. Gusto nya nga sanang magpumilit na ihatid ako talaga sa harapan ng gate ngunit ako na ang tumanggi. Hindi naman sa kinakahiya ko sya, nag aalinlangan lang ako sa maaaring sabihin ng iba. Lalo na ng mga taong nakaka kilala sa amin.
Ayaw ko ng dagdag ka dramahan sa buhay.
Kasalukuyan kaming nag aayos ni Karen kasi may malaking event ngayon sa bar. Maraming bigating customer ang dadayo.
As usual, aligaga na naman ang aming handler na si Madam Starla. Minsan talaga nakakarindi ang tinis ng boses nya. Parang biik.
Ako nga pala ang center girl ngayon ulit. Hindi talaga maipakakailang mas marami kang makukuhang tip kapag ikaw ang starring.
Naalala ko tuloy ang sagutan namin ni Rod last week. Gusto na nya raw akong patigilin dito sa aking trabaho.
Kunot noo syang naghubad ng sapatos nya. Alam kong naiinis na ito.
"Bakit ka ba nagagalit dyan? Kaya ko naman okay, atsaka dito ko kinukuha lahat ng pangangailangan ko!" Inis kong sabi. Kanina pa kami nagbabangayan tungkol dito at nang pareho na kaming napuno ay humantong na ito sa sigawan.
Ang kulit nya kasi.
Kita kong na-f-frustrate na rin sya.
"Tell me whatever your wants and needs are! I can give it all to you. Just quit on that fucking job!" Hindi nya mapigilang sigaw rin. Namumula na ang kanyang leeg."Ayaw ko ngang umasa sa'yo okay!? Ayaw kong isipin ng iba na ginagamit kita. Naiintindihan mo ba iyon?"
Inis syang napasabunot sa kanyang buhok. "Just this time, don't mind about what other people say."
Hindi pa ako naka imik ng magsalita ulit sya.
"Besides, you can use me all you want. I don't care! I love to be used by you anyway." Aniya na nagpa awang sa bibig ko. Pvta nagawa pang bumanat.
But that won't change a thing.
"Pag-aawayan pa ba natin ito? I'm sorry pero hindi talaga ako papayag sa gusto mo." Pinal kong sabi.
He sighed in defeat.
"Just as I thought your answer would be."
Aniya at agad tumalikod na at padabog na sinara ang pintuan ng kwarto niya.
Nandito kasi kami ngayon sa condo niya.
Makaraan ang ilang minuto ay agad ko naman syang sinundan sa kwarto.
Nakapatay ang ilaw pero kita ko pa rin naman sya na nakahiga sa kanyang kama.Agad ko syang tinabihan at niyakap.
"I know you're awake, please hear me out. Listen. Just trust me on this, okay." Malumanay kong sabi at hinahagod hagod ang buhok niya. Gustong gusto ko talagang gawin ito sa kanya.
Alam ko naman kung ano ang pinupunto nya, ang sa akin lang ay hindi naman pwedeng aasa nalang ako sa kanya palagi.
Ayaw lang niya raw akong mapahamak o mabastos sa trabaho.. o baka nama'y kinakahiya ang trabaho ko kaya ganun. Sumakit bigla ang damdamin ko tungkol sa bagay na iyon kaya binalewala ko nalang.
He even offered me a generous amount of money o di kaya'y pauutangin niya nalang raw ako tapos walang interest at pwede na hindi bayaran. Imagine! Sinong loko ang nagpapautang nga ganyan, kulang nalang ibigay.
Tapos madami pang iba! All of my caprices para matigil na daw ako sa pagta trabaho ngunit ako na mismo ang tumanggi.
"I felt so useless. You don't have to deal all of these alone, especially now that I am here." Sabi nya makaraan ang ilang minutong walang kibo.
"No. Don't be.. dahil sa'yo naging normal na tao ulit ako. Nakakangiti ng hindi pilit. Naging mas masaya ang buhay ko. I understand your point okay, but please do understand mine as well."
He sighed deeply and nodded. Matagal ulit bago sya magsalita. Humarap sya sa akin at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Okay. I'm sorry, i love you." Mahinang sabi nya at hinalikan ako sa noo. Yakap yakap ko na rin sya ngayon pabalik ng mahigpit.
"I'm sorry din. Love you too." Pabulong ko ring sabi sa pang huli.
"I'm not really in favor of this pero suportahan kita. Looks like I will be at your workplace 6 days a week huh." Rinig ko pang sabi bago ako lamunin ng antok.
I just really felt safe and comfortable when he's around.
I'm not really expecting a lot na totohanin nya ang sinabi nya pero hindi nga niya ako binigo ng makita ko sya sa sulok ng stage ngayon.
I winked at him during my performance.
Umiling lang sya at mariing tiningnan ako pabalik. Nagbabaga ang mata.
Umiwas talaga ako sa mga wala na sa huwisyong mga customer, baka mapa away pa si Rod rito. Ayaw ko namang mapahamak sya dahil sa akin.
Nasa bandang gilid na ako ng bar habang nakikipag usap ng customer ng may biglang humila sa akin. Muntikan ng matanggal ang mask na suot ko buti nalang ay nahawakan ko ito agad.
Akala ko si Rod. Ngunit nagkakamali ako ng makitang si Dodong iyon.
Namutla ako.
Nakita kong umalma si Rod at lalapit na sana sa amin ng pinatigil ko sya at sinigurong okay lang ako. Sinenyasan ko syang babalik ako agad.
Ng madaanan ko si Karen ay agad kong ibinigay sa kanya ang bowl. At nang makita kung sino ang humihila sa akin ay nanlaki rin ang mata niya.
Yes bestfriend. We are dead.
Maski ako ay kinakabahan na ng todo.Nang makalabas ay dinala nya ako sa bandang walang masyadong tao.
"Kahit pa anong mask ang suotin mo, alam kong ikaw yan. Duda na ako kanina ehh, paglabas mo palang doon sa lintik na entabladong iyon pansin ko na. Akala ko nagkakamali lang ako pero tang ina nung narinig ko ang boses mo, nakompirma kong ikaw nga!"
Hindi na muna ako nagsalita. Hinayaan ko lang palabasin muna ang saloobin niya.
"P-aanong.. bakit ka humantong sa gantong klase trabaho Lexi. Mababastos ka rito! Ito na pala ang call center ngayon ah." Umiiling iling sya na tila'y di makapaniwala.
Tahimik lang ako habang si Dodong naman ay naka kuyom ang mga kamao.
"Alam ba ito nina Mang Winnie at Aling Ailyn 'to?" Biglaang sabi niya.
Nang hindi ako maka imik ay agad ulit syang nag mura."Syempre hindi. Hindi ka papayagan ng mga iyon. "Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Paniguradong hindi magugustuhan ni Mang Winnie ito, Lexi.""
Sa sinabi nyang iyon agad akong umiling. "Wag! Wag mong sabihin sa kanila Dodong. Ayaw kong malaman nila ito. Please." Nanginginig at maiyak iyak kong sabi.
_______________________
Thank you so much guys! Sorry for the long wait.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.