Worth
Nakabuntot lamang siya sa mga ito. Nang makalabas sila sa eskwelahan niya'y tinungo nila ang malapit na Cafè.
Wala nang masyadong tao pagdating nila doon. Pumwesto sila sa may pinaka gilid nang gusali, malayo sa ibang customer na naroroon.
"Have a seat." Kunot-noong abi nito. Umupo naman sya kaagad at pilit na kinalma ang sarili.
"What's your order?" Anito matapos magtawag nang serbidora.
"Ahm. I'm done eating na po ma'am, thank you nalang po." Sabi ko.
Wala na rin itong inorder at pinaalis ang serbidora kaya naglakas-loob na akong magsalita. "Bakit nyo po ako dinala dito? Anong kailangan nyo?"
"Ahh. So impatient, are we?" Sarkastikong sabi nito.
Nagtaas muna ito nang kilay bago may kung anong kinalikot sa kanyang mamahaling bag. At nang makuha ito'y marahang itinapon sa harapan nya.
Isang envelope...
Agad naman niya itong binuksan at tiningnan kung ano ang laman.
Isang envelope na kung saan naglalaman nang iba't-ibang anggulo ng larawan nilang dalawa ni Janus.
Nanlamig naman sya sa kanyang inuupuan. Tingin nya'y nasa mahigit limampu ang mga iyon; mayroong sa iba't-ibang lugar pero kadalasan talaga ay sa bar na kanyang pinagta-trabahuan habang nakaakbay sa kanya si Janus.. Nanlaki ang mga Mata niya nang makita ang larawan nilang dalawa kagabi, sa parking lot hanggang papasok sa condo nang lalaki.
"I know you're not dumb. Nasisiguro kong kilala mo na kung sino ba talaga ako. Well, to make it clear.. My name is Elizabeth Vergara SMITH." Diing sabi nang apilyedo nito.
"Ako lang naman ang asawa nang nilalandi mo." Pinanlakihan sya nito nang mata.
Para syang naputulan nang dila nang malamang tama nga ang hinala nya.
Pinilit nyang magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig nya.Nang makitang wala syang imik ay nagpatuloy sa pagsalita ang ginang.
"Take this as a warning. Layuan mo na ang asawa ko habang nakakapag-timpi pa ako. Hindi mo alam ang kaya kong gawin kapag ako'y punong-puno na sa kakatihan mo." Pagbabantang sabi nito. Nagtimpi lamang sya at nagpasyang hindi na magsalita."Ahhh. Alam ko naman ang kailangan ng mga taong tulad mo. Danny! Give it to her." Tawag nya sa isang bodygurd niya at may iniabot itong makapal na envelope sa kanya.
Tiningnan niya naman ang laman nito at nang makita ito'y inilapag nya iyon pabalik sa lamesa.
"Hindi ko kailangan ng pera niyo." Mariing sabi ko.
"Oh! Are you sure iha? 100k in cash din ito, mainit-init pa! Oh baka naman kulang pa sa iyo ito? Hayyss buhay nga naman, name your price dear at nang tuluyan mo nang layuan ang asawa ko." Nanunudyong sabi nito. Nginitian pa sya nang matamis na para bang iniinis sya. Papatulan ko na talaga to, akong yung tipo nang tao na iyakin at madaling masaktan pero matuto akong lumaban kung sa tingin ko'y na-a-agrabyado na ang pagkatao ko.
"Paano ba iyan? Yung asawa mo ang lapit nang lapit sa akin? Sya nalang kaya ang bayaran mo?" Ganti nya at binigyan rin ito nang matamis na ngiti.
Kahit gaano ka pa kapasensyosong tao kapag talaga minsan kung ika'y mapupuno na, mapapatulan mo talaga ang mga hindi dapat patulan.
Agad naman sumama ang tingin nang ginang sa kanya at agad tumayo upang umalis na siguro..
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.