Drunk
Hindi na rin ako nakapasok kinahapunan. Tingin ko'y hindi naman ako makakapag concentrate kasi pilit pa ring bumabagabag sa akin ang mga nangyari kanina.
Tuwing pumipikit ako'y ang malambot nyang labi ang naalala ko.
Kainis! Bakit ba kasi biglang nanghahalik ang gagong iyon?'Hmm? Nag-enjoy ka naman ata eh?' Sabi sa kabila nang aking isipan na ikina-inis ko lalo.
Yun nga eh! Baka kung ano ang isipin nang lalaking iyon kapag nakita nyang nakapikit ako at sarap na sarap sa halik nya.
Marami na rin akong nakahalikan okay. Pero ewan kasi ang labi nya ang tumatak sa aking isipan.
Ang halik ni Janus kaya?
Hay! Ano ba 'tong pumapasok sa isipan ko?
Pagsapit nang hapon ay agad kong ginawa ang mga usual kong ginagawa.
"Uyy mukhang naka-jackpot ka nang lalaking mayaman ahh! Hula ko'y malayo ang agwat nyo sa edad pero keri na yun! Ang gwapo kasi at ahemm mayaman. Aangat ka na girl! Huwag mo kaming kalimutan ahh!" Ani nang isang boarder pagkababa ko upang maligo sana.
Sila yung nakakita kay Janus nung isang araw. Sabi ko na nga ba, kaya ayaw kong makita nila si Janus kasi baka kung ano ang iisipin nila ehh.
"Ahh. Kaibigan ko lang iyon atsaka hindi ko naman kailangan nang ibang tao upang umangat. Kung ganyan ang paraan na naiisip nyo upang maka-angat sa buhay, ibahin nyo ako." Kalma ngunit may diin kong sabi sa kanila. Hindi ko na rin sila hinayaang makapagsalita pa kasi agad ko silang tinalikuran.
Ang babaw naman nang pananaw nila sa buhay.
Sa totoo lang, hindi naman talaga kami close nang mga boarders dito. Dahil siguro busy ako sa pagtustos nang aking mga pangangailangan o di kaya'y di ko lang talaga bet na kausapin sila. Ewan ko na lang.
Pagkatapos maligo ay nag ayos na ako. Simpleng jeans at crop top lang ang suot ko papunta sa trabaho, maulan naman kasi. Atsaka iba naman ang susuotin ko mamaya pagkadating doon,kaya okay lang ito. Nagbaon nalang rin ako nang mini-skirt para pamalit ko mamaya.
Naka-ponytail ang buhok ko para maiba naman. Nag jacket na rin ako upang maibsan ang lamig.
Pagkadating ko sa bar, ko-konti palang ang mga tao. Nandito na rin ang mga girls na may kanya-kanyang ginagawa.
"Bakla! Akala ko ba papasok ka sa hapon ha?" Singhal ni Karen habang nakanguya nang gum.
Napaungol naman ako sa sakit nang making tenga dahil sa taas nang boses nya. "Trip ko lang, tinatamad ako ehh. Atsaka, kailangan ba talaga sumigaw? Ano ako bingi?" Sigaw ko pabalik sakanya sabay irap nang bongga. Syempre biro lang, ganyan lang talaga kami mag-usap dalawa. Hindi mawawala ang irap at sigawan.
Natawa naman siya.
"May utang kang kwento sa akin ha! Dapat detailed."
"Oo na! Mamaya."
"Nasarapan ka ba?"
"Whitey!" Natatawa syang tumalikod. May batok ka sakin mamaya 'Whitey' ka. Hindi ko naman sya matawag tawag sa kanyang totoong pangalan, mahirap na.
Mabilis lang rin natapos ang performance namin. Hindi naman kasi karamihan gaya nang nakasanayan ang nga customer ngayon kasi nga maulan.
Kadalasan mga bata ang nandito ngayon mga party animal kumbaga.
Matumal rin kami sa tip hindi naman maipag-kakaila na mas malaki talaga magbigay ang mga medyo may edad na.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
Roman d'amourWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.