Final
Lumipas na ang ilang araw nang mangyari ang tagpong iyon pero presko pa sa aking isipan ang mga pangyayari. Hindi ko lubos maisip na makakaya kong sabihin sa kanya iyon nang harap-harapan at magmula nga nun ay hindi na muling nagparamdam si Janus sa akin. Hindi na rin sya nagte-text o pumupunta sa bar na pinagta-trabahoan ko.
Kahit regular customer sya doon. Madalas nga syang hinahanap sa akin nang mga ka trabaho ngunit tanging kibit-balikat lang ang maisagot ko.
Ayos lang. Ayos lang talaga kahit masakit, ginusto ko naman ito ehh. Sa una lang naman siguro ito dahil kailangan kong matuto.
Kailangan kong matutong palayain ang mga taong hindi talaga para sa akin. Kasi MALI. Sapat na rason na ito upang putulin ang ugnayan naming dalawa.
Tanggap ko naman na eh, kailangan lang talaga nang oras at panahon upang tuluyan ko na syang makalimutan. Sa totoo lang, ang hirap maipit sa sitwasyong wala ka namang pagpipilian.
Nagising ako sa isa na namang panibagong araw at dapat nating ipagpasalamat iyon. Na kahit may unos na pilit tayong pinapatumba ay nabigyan pa rin tayo nang tsansya na baguhin ang kung ano mang mali. Tuloy lang ang buhay.
Hindi ko napansin ang oras at naubos na naman pala ito sa kakamuni kaya nang matantong may pasok pala ako ngayon ay madalian naman akong naghanda. Hindi nalang ako naligo dahil medyo masakit ang ulo ko. Hindi na rin ako nag-almusal kasi wala naman akong ganang kumain. Ewan.
Pababa na ako nang mapansin magkagulo ang ibang babaeng boarders sa baba. Yung iba naghahagikhikan pa at parang uod na binudburan nang isang baldeng asin.
Naroon rin yung landlady namin na abalang-abala sa pag-e-entertain nang isang animo'y napakabigating bisita.
Mukhang importanteng bisita tong narito ngayon ahhh.
Nasa huling baitang na ako nang hagdanan nang matanto ko na si Janus pala ang pinagkaguluhan rito sa baba. Putek! Bakit sya nandito!?
"Oh! Nandito na pala si Lexi sir!"
Sabi nang aming landlady sabay hila sa akin palapit sa kanya."Bakit ngayon ka lang, kanina pa nag aantay tong bisita mo rito sa baba. Kakatokin na sana kita ehh, kung hindi lang ako pinigilan nitong si sir. " Bulong nya at tanging ang mga babaeng malapit lang sa amin ang nakarinig.
Plastik akong ngumiti at kinunot ang noo ko nang magtagpo ang mga mata naming dalawa ni Janus. Upang sana maramdaman nya na hindi ko nagustuhan ang ginawa nya ngunit ang nakangiting si Janus ay ipinagsawalang bahala ang mga maririin kong titig. Inabot nya sa akin ang dala-dala nyang bulaklak na may mga mamahaling bilugang chocolate na nakapalibot dito.
May impit na tili naman akong narinig galing sa ibang mga boarder na nag-aagahan o di kaya'y nakiki chismis lang.
"For you." Sabay abot niya sa akin nun. Nagsinghapan naman ang mga nakasaksi si gilid.
Tinitigan ko muna ang bulaklak na dala nya at tinanggap lamang iyon nang kurutin ako ng mahina nang aming landlady sa tagiliran.
Ayaw ko namang mapahiya sya kaya tinanggap ko na lang ito at hinila sya paalis. Para naman syang aso na buntot nang buntot sa akin.
Kaya nang makalayo ay hinarap ko na sya.
"Akala ko ba nagka-intindihan na tayo Janus? Diba sabi ko sayo, lumayo muna tayo sa isa't-isa! Mahirap bang intindihin iyon?" Bulyaw ko at binigay sa kanya nang marahan ang bulaklak na dala nya.
"I understand okay! I. Fvcking. Understand! But I Can't. Hear that? Hindi ko kaya Lexi! Kahit anong pilit ko na kalimutan ka ay hindi ko talaga magawa! You see? Iniwasan kita pero saan ako dinala nang aking mga paa ngayon? Diba sayo pa rin? Sayo!" Sigaw nya pabalik.
Hingal na hingal sya matapos sabihin iyon subalit ayaw ko na talagang magpadala sa tukso. Kahit miss na miss ko na sya ay wala na talagang makapagbabago sa desisyon ko.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.