Kabanata 20

4.4K 57 3
                                    

New Chapter

Naging mabilis ang takbo nang oras magmula noong huling pag-uusap namin ni Janus. Dumaan na ang pasko't bagong taon ngunit sariwa pa rin sa akin ang mga katagang binitawan nya.

Hindi naging madali.

Araw-araw kong nililingat ang sarili ko sa pagta-trabaho at pag-aaral. Oo mahirap, pero kinaya ko naman at patuloy lang ang buhay. Wala na rin akong contact sa kanya o update man lang kung naging successful ba ang gamutan nang kanyang asawa.

Hinarap ko ang pasko at bagong taon nang may puno nang pag-asa.. syempre kasama ang aking matalik na kaibigan at ang natitira kong tinuturing na pamilya. Sina Mang Winnie at Aling Ailyn. Simpleng selebrasyon ngunit puno nang galak at saya ang aming mga puso.

"Oh Dodong! Pagbutihin mo sa pag-aaral at nang makatapos ka. Aba'y di dapat bulakbol ah at huwag mong sayangin ang pagkakataong binigay sayo ni Engr." Habilin ni Mang Winnie sa naka unipormeng si Dodong.

Todo kamot naman si Dodong sa kanyang ulo. Batid kong maka-ilang ulit na Kasi itong sinasabi ni Mang Winnie sa kanya.

"Syempre naman po! Mang Winnie talaga, di naman ako masyadong bulakbol. Sirang sira na imahe ko kay Lexi oh." Napangiti naman ako sa sinabi nyang iyon.

"Mabuti naman kung ganun. Atsaka mas maigi na rin kasi ikaw na din bahala kay Lexi dun, bantayan mo iyan. Bawal manliligaw dyan." Turo ni Mang Winnie sa akin.

"Opo, opo. Eh ako po? Pwede po ba?"

Binatukan naman sya ni Mang Winnie. Mukhang napalakas ata hahaha. Sinabi nga sa akin ni Dodong na gusto nya raw ako.. hindi ko naman sineryoso iyon kasi idinadaan nya kasi lage ito sa biro ehh. Atsaka hindi ko pa kasi alam kong willing na ba akong buksan ang puso ko ulit. O baka hindi lang ako interesado at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Natawa nalang kami ni Aling Ailyn sa dalawa. Nakakatuwa ang pagiging overprotective ni Mang Winnie sa akin. Hinangad ko noon sa ama ko na magiging ganito sya sa akin ngunit sa iba ko pala mahahanap 'to.

Para namang tatay naming dalawa ni Dodong si Mang Winnie sa lagay na to! Sabagay, sya rin naman ang tumatayong tatay ko matapos mamatay si Nanay.

Tumingala ako sa itaas.

Bantayan mo ako lage dyan 'Nay ahh. Miss na miss na kita.

Naputol ang pagmuni-muni ko nang lumapit sa akin si Dodong.

"Tara na Lexi, Baka ma late pa tayo pareho." Sabi ni Dodong. Mukhang nagkapaliwanagan na ata ang dalawa sa wakas.

Gaya nga nang gusto nang kanilang Engineer, nakabalik nga sa pag-aaral si Dodong. Pinagpatuloy nya ang kursong Civil Engineering na nasimulan na pala nya noon ngunit naudlot nung kinailangan nyang magtrabaho upang masuportahan ang kanilang pamilya. Mas pinili nya kasing tumigil upang makapag-patuloy sa pag-aaral ang dalawa nyang kapatid. Bilib rin ako sa kasipagan nitong si Dodong.

Tiningnan ko sya habang nakasakay kami nang tricycle papuntang eskwelahan. Makikita mo ang kanyang pagnanais na makapag aral ulit at makikita sa kanyang mga Mata ang labis na kasiyahan.

Imbes na apat na taon, naging dalawang taon at kalahati nalang ang haharapin ni Dodong. Mauuna nga lang ako sa kanya nang isang taon makatapos kung sakali pero okay lang iyon. Hindi naman importante kung sino ang nauna o nahuli. Basta ba magsumikap ka lang at mararating mo rin ang gusto mong paroroonan.

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon