Kabanata 38

2.5K 57 7
                                    

Hide

"Ahh. Siguro may masama lang po akong nakain pa." Pagkukumbinsi kahit alam ko sa sarili kong may ideya na ako kung bakit napaka-emotional ko nitong mga nagdaang araw kahit sa maliit na bagay lang. Kung bakit ako nagsusuka ngayon. Hindi lang naman ito nangyari ng isang beses lang ehh, ipinagsawalang bahala ko lang noong mga nakaraang araw pero ngayon nakaka pangduda na ehh.

Hindi na normal kung tuwing umaga nalang o di kaya'y tuwing nakakaamoy ng kung ano sa pagkain.

Nagdududa na ako pero kailangan ko munang kompirmahin ito. Wala akong ideya sa kung ano ang gagawin ko kung sakaling tama nga ang hinala ko.

It make sense kasi hindi kami gumagamit ng kung anong proteksyon man lang tuwing kami'y nagtatalik. Napakatanga ko sa bagay na iyon.

"Siguro nga." Tanging sambit ni Papa pero alam kong marami na ang tumatakbo sa isip nyan.

"O sya, sige magpatuloy na tayo sa pagkain doon." Dagdag niya.

"A-hh busog na po kasi ako eh hehe." Pag-aalangang tugon ko.

Hindi ko na nga tinapos ang pagkain ko kasi feeling ko kasi anytime masusuka ulit ako.

Nagpaalam muna ako saglit pagkatapos kung maligo. Alibi kong may bibilhin akong mga materyales para sa project namin. Syempre hindi totoo yun. Balak kong dumaan sa isang pharmacy at ng malaman ko kung totoo nga ba talaga ang hinala ko.

Papanhik lang rin muna ako saglit sa condo ni Rod upang kunin ang bag kong naiwan roon. May pasok na kasi bukas at balak kong matulog sa boarding house ko mamayang gabi upang makasama itong si papa.

"Baka wala rin ako saglit anak kasi pupuntahan ko ang puntod nang Tatay at Nanay. Hindi pa ako nakabisita doon eh. Magpapasama nalang ako kay pareng Winnie."

"Sige pa. Ingat po kayo."

White v-neck shirt lang ang suot ko, kapares ng isang denim shorts at puti ring sneakers. Papanhik lang naman ako sa condo niya upang kunin ang bag kong naiwan doon.

Nang matapos kong bumili ng pregnancy test sa may mercury drug ay agad na rin akong sumakay ng taxi papuntang condo ni Rod. Napag desiyunan ko na ring doon na ito i-test. Kinakabahan ma'y alam ko namang hindi ako papabayaan ni Rod kahit anong mangyari. May tiwala ako sa kanya.

Nang makababa ng taxi at makapag bayad ay agad kong tinungo ang elavator papuntang unit niya. Alam ko naman ang password kaya walang problema.

Pagka bukas ko'y expected na walang tao. Mamayang gabi pa siguro iyon uuwi.. nakaka baliw pakinggan pero miss ko na agad sya. Nasanay na kasi ako sa presensya niya.

Nagpahinga muna ako saglit sa dining room niya, malapit lang nan ito sa cr kung saan ko susubukan itong mga pinamili ko.

Upang makasigurado ay apat na PT ang binili ko. Nakailang baso rin ako ng tubig bago nakaramdam ng pag-kaihi. Malakas ang pintig ng aking dibdib habang inaantay ang resulta ng mga iyon.

Nag uunahan sa pagpatak ang aking mga luha ng pare-parehong dalawang guhit ang lumabas na resulta sa apat na PT's na sinubukan ko. Totoo nga!

Buntis ako.

'Buntis ako.' 'Di makapaniwalang bulong ko habang sapo ang aking mukha. Naiiyak ako sa pag-aalala, sa galak syempre at sa kung ano ang magiging reaksyon ng mga taong nakapaligid sa akin lalo na si Rod.

Lalabas na sana akong ng makarinig ako ng pagsarado ng pinto. Hindi naman sinabi ni Rod sa akin na uuwi sya kaya bahagya akong nagtago. Baka may nakapasok na magnanakaw!

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon