Meet
Nang maka-recover ng konti ay dali-dali kong nilisan ang condo niya. Nawala ang kagustuhan kong sabihan siya tungkol sa pagbubuntis ako. I don't know but there's something holding me back after I heard what he said earlier.
'I'm sorry baby.' ani ko habang hinahaplos haplos ang tiyan kong maliit pa.
I know it's not right but I have doubts on his love for me. Napaisip tuloy ako
tungkol sa huling sinabi niya, is he not in good terms with his father? Why? Bakit hindi niya nasabi sa akin?Bago umalis ay siniguro kong walang naiwang kahit na anong bakas. Dala-dala ko rito sa bag ko ang lahat nang PT's na ginamit ko kanina at inilagay ko ito sa may supot. Sa amin ko na ito itatapon at baka makita pa ni Rod dito.
Ayaw kong magpadalos-dalos ng desisyon kaya't hindi na muna ako aalis rito sa condo niya. Gusto kong malaman ang lahat-lahat, galing mismo sa bibig niya. Hindi ako yung tipong, lilisan agad sa kadahilanang may ibang babae sya. Wala pa akong sapat na ibidensya atsaka gusto kong sagad ako kung masaktan upang wala nang dahilan upang bumalik pa.
Parang ibang Rod ang nakita ko kanina. Puno ito ng galit at paghihiganti sa hindi ko malamang dahilan, pero ang mas ikinabahala ko uuwi na rin pala ang parents nya. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kung malaman nilang nasa sinapupunan ko ang magiging apo nila?
Sa ilang buwan naming pagsasama ni Rod ay hindi ko pa pala talaga sya lubusang kilala. Ni wala nga akong alam tungkol sa pamilya nya, kung anong mga pinagkakaabalahan ng mga ito. Wala. I only knew him by his name and lastname.
Hinintay ko lang namang sya mismo ang mag open up sa akin pero mukhang wala ata syang balak magsabi sa akin. Okay lang naman ako dun, pero ngayon mukhang hindi yata.
Wala pa si papa ng dumating ako sa inuupahan namin kaya pagkalapag ko ng bag ko sa may kama ay nagluto nalang muna ako ng hapunan namin. Hindi ako pwede magpalipas ng oras sa pagkain kasi dalawa na kaming makikinabang. May buhay na ang nasa loob ng aking tiyan.
Ito ang unang pagkakataong magkasama kami sa isang bubong matulog. Tinext ko pa rin si Rod na hindi ako makakauwi at tanging 'okay' lang ang naging sagot nito.
Ngumiti nalang ako ng mapait dahil nasaktan naman ako dun, tae.
Nag-uunahan na ring tumulo ang luha ko. Dahil na rin siguro ito sa mga narinig ko ang mga pinagsasabi niya kanina. Atsaka normal naman siguro ang pagiging emotional sa isang buntis.
Tinakpan ko ang aking mga labi at dun nagpakawala ng mga mahihinang hikbi. Iniisip ko palang ang posibleng pagtataksil ni Rod ay para ng pinagtutusok ang puso ko ng karayom. Na-realized ko na, I was so transparent and dependent on him. I wasn't prepared to this kind of situation kasi akala ko wala ng hahadlang sa amin. Napaka perfect na nang relasyon namin sa tingin ko.
I was shocked a bit when I felt a warm hand caressing my back. Saktong pagtingin ko'y si Papa pala iyon. I felt so comforted. Ganito pala ang pakiramdam.
Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at doon umiyak sa kanya. He didn't say anything but I know he's just waiting for me to open up.
"Pa. Buntis ako, sorry po." Pag-aamin ko. He deserves to know, of all people my dad has the right to know it first... well uh, aside from Rod.
"Shh. Ba't ka nagso-sorry? Ako dapat ang mag-sorry anak dahil sa mga nagawa ko sa'yo noon." Nakahinga ako maluwag sa sinabi nyang iyon.
"Magmula ngayon, kasama mo na akong harapin lahat ng hamon sa buhay. Hindi ka nag-iisa at ngayon nadagdagan na tayo, dapat nating ipagdiwang iyon. May apo na ako!" Dagdag pang sabi ni Papa na nagpangiti sa akin ng bahagya.
Medyo napanatag ang loob ko dahil doon. "Salamat at nandito ka na pa." Mahinang bulong ko at isang matamis na ngiti lang ang binigay ni papa sa akin.
Hindi na nagtanong pa si Papa, mabuti nalang kasi hindi pa ako handang i-kwento lahat sa kanya. Sa susunod nalang siguro at alam kong naiintindihan nya naman ito.
Bagong umaga ang dumating at may pasok ako ngayon. Pagka-gising ko'y bahagya na naman ako naduduwal kaya napabalikwas agad ko at sumuka sa may sink. Nasasanay na rin naman ako.
Amoy na amoy ko na ang nilulutong agahan ni papa mula rito kaya agad na rin akong naligo at naghanda na papuntang eskwela.
Tungkol sa pag-aaral ko'y napag-desisyonan kong hindi ko muna ito ititigil. Ilang buwan nalang kasi at matatapos na ang semester, hindi pa naman siguro masyadong halata ang tiyan ko nun.
Pareho kaming nakabihis. Ako naka uniform habang si papa naman ay naka-polo kaya nagtaka ako. "Nga pala anak, mag-aaply ako ng trabaho ngayon. Dun lang naman sa pinagtrabahuan ni pareng Winnie, sana matanggap ako at nang mapaghandaan na natin ang pagbubuntis mo. Gagampanan ko ang responsibilidad ko saiyo." Sabi ni papa habang kami'y kumakain. Na-touch naman ako doon.
"Salamat pa, magta-trabaho rin ako no upang makatulong dito. Atsaka grabe naman, sobrang aga pa para kay baby ahh. Halatang excited ka masyado." Natatawang sabi ko sa kanya.
Umiling siya. "Huwag na. Mag pukos ka nalang sa pag-aaral mo at sa magiging apo ko. May ipon pa naman ako galing sa pag-gawa ko ng mga souvenirs doon sa piitan, malaki-laki rin iyon kaya may pang gastos pa tayo sa pang araw araw natin habang wala pa ako g mahanap na trabaho." Dagdag niya. Niyakap ko si Papa.. I'm just so grateful to have him by my side right now.
Nakwento nga niya sa akin na sa paggawa ng mga souvenir items ang naging libangan at pinagkakitaan nila sa bilangguan. Wala naman daw siyang pagka-gastusan dun kaya inipon nya nalang, upang sana ibigay sa akin.. kaya lang hindi na ulit ako nakabisita sa kanya kaya itinabi nya nalang hanggang sa makalaya siya.
Tapos na kaming kumain kaya napag-desisyonan naming pumanhik na. Gusto daw ni papa magpa impress sa kanyang amo sa pamamagitan ng pagiging on-time.
Nasa may gate na kami ng sakto namang huminto ang sasakyan ni Rod sa tapat ko. Ibinaba niya ang kanyang salamin.
"Hey love. Hatid na kita." Sabay ngiti niya ng matamis, malayo sa pinapakita nya kahapon. Nagiging observant na yata ako sa mga actions niya.
Napalingon naman ako sa seryosong mukha ng aking ama. Pagkababa ni Rod ay nagulat siya ng makitang may kasama pala ako.
Nakaka-intimidate ang ibinigay na titig sa kanya ni Papa. Halata iyon kasi hindi makatingin si Rod ng maayos sa direksyon namin.
"A-hh. Rod ipakikilala ko lang sa'yo ang papa ko." Singit ko habang tiningnan si Rod at lumingon naman ako pabalik kay papa.
"Papa si Rod po, ahh.. b-boyfriend ko po." Sabi ko. Matagal kong nabigkas ang salitang boyfriend, nagdadalawang isip pa kasi ako pero technically boyfriend ko pa rin naman siya kaya sinambit ko na.
"Good morning po." Bati ni Rod habang inilahad ang kamay niya kay papa. Tinanggap naman ito ni Papa at tanging tango lang isinagot nito sa kanya.
Mabilis lamang ang interaksyon na yun, at nagpaalam na agad si papa. "Mag-iingat ka." Ani papa matapos halikan ang noo ko.
"Opo. Ikaw din po, goodluck."
Nang makaalis si Papa ay napalaking buntong-hinga ang pinakawalan ni Rod. "Wew, that was so intense."
___________________
The big reveal is near.
Stay safe! Salamat sa suporta.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.