Ride
Kaysa tumunganga at tadtarin nang saksak ang lalaking iyon sa aking isipan. Naligo nalang ako sa kanyang banyo.
Sosyalin ang mga gamit! May jacuzzi pa sa loob. Edi ikaw na mayaman. Hmm magkakaganito rin ako, soon! Hahaha
Pagkatapos ay sinuot ang damit na pinahiram nya sa akin. Isang skirt at puff sleeve top. Ewan ko kung kanino to ahh pero baka isa sa mga babae nya ang nang mamay-ari nito. Bahala na nga, wala akong choice kasi amoy suka naman ang suot ko kagabi.
Pagkababa ko'y nakaupo na sya sa hapag at may pagkain na rin dun. Naka simpleng tshirt na rin sya kaya di na ako nai-intimidate tumingin sa kanya.
"What are you waiting for? Upo na. Gutom na ako, mahigit kalahating oras ka dun sa banyo." Aniya at nagsimula na syang kumuha nang pagkain.
Agad na rin akong umupo at nag sandok na rin para sa akin. May klase pa pala ako mamaya. Hehe Buti nalang wash day namin ngayon!
Dead air. As in! Agad rin naman kaming natapos kumain. Hindi naman sya nagsasalita kaya hindi na rin ako sumubok. Nag prisinta akong maghugas nang mga pinagkainan namin, parang 'pa-thank you' man lang sa kabutihan nya.
Habang nasa kusina ako, may tumawag sa aking cellphone. Eh hindi ko naman masagot sagot kasi may bula pa ang mga kamay ko at madulas rin.
Baka si Karen lang iyon, kaya tinapos ko nalang ang paghuhugas nang pinggan. Nagpunas agad ako nang kamay. Kailangan ko na palang umalis, baka mali-late na naman ako nito.
"The call might be very important. Nakailang missed call din ehh. Who's Janus by the way? Your boyfriend?" Hawak hawak na niya ang cellphone ko ngayon habang nakakunot ang noo.
Kinabahan naman ako kahit hindi nya alam ang tunay na ako.
Ano naman kaya ang sadya ni Janus? Baka may oras na sya. Hayy, actually alam ko namang wala akong karapatang humingi nang oras. Wala naman kaming relasyon diba? At kahit meron man, hindi naman ako magiging priority nun kasi isa lang naman akong pampalipas oras nya.
Nakainom ako nang marami kagabi dahil sa kanya ehh, kaya break muna ako sa drama. Hindi naman ako ganito dati! Ang mabuhay lang ang iniisip ko noon.
Nakatitig pa rin sya sa akin habang nakataas ang kilay. Tila yata naghihintay nang aking isasagot ko.
"Ahh friend ko lang sa trabaho. Akin na pala phone ko haha ite-text ko nalang." Tila napaniwala ko naman sya dahil tumigil na sya sa kakatanong at binigay ang cellphone ko sa akin.
Wala pa naman 'tong password kaya baka kung ano nang kinalikot nang mokong na to sa aking cellphone.
"Rod? I have to go na kasi may klase pa ako mamayang 10 am ehh. Salamat nga pala kagabi ahh at sa pagpapatuloy mo sakin ngayon. Pasensya na rin dahil naabala pa kita.. e-rr nasukahan pa." Napangiwi naman ako sa hiya.
Tango lang ang naging sagot niya. Hmm. Kahit kailan talaga napaka gandang kausap nang lalaking 'to.
Mabuti nalang hindi sya tipid magsalita."Wait for me here. Pupunta na rin ako sa trabaho, sabay na tayo. Magbibihis lang ako."
"Ahh R-rod. Pwede bang mauna na ako? Uuwi pa kasi ako sa boardinghouse ko kasi magbibihis pa. Baka masira ko pa itong damit, wala akong pambayad pag nagkataon ehh."
"No. Sayo na iyan, wala naman susuot nyan dito. My cousin owns that, kaya lang sa dami nang binili nyang damit hindi na nya nasuot." Pinal nyang sabi. Ehh mabuti kung ganon, hindi ko na pala kailangang umuwi at magbihis. Pero nang-aalangan parin akong tanggapin ito.
Bahala na nga. Wala syang magagawa pag nalabhan ko na ito at naisoli sa kanya. Susuotin ko nalang ito sa ngayon at isasa-uli pagkatapos.
Mabilis rin naman syang nakapagbihis. Paglabas nya, makalaglag panty talaga samahan pa nang nakakahumaling nyang tingin. Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko ngayon baka namula na sa kilig. Kaso, may gusto akong iba eh
I know. Gwapo naman talaga siya kahit anong suotin niya but I don't know.. 'Cause right now he looks so freaking handsome. And his features seems quite familiar as well.
Hindi naman maayos ang pagkalagay nang kanyang neck tie kaya hindi ako nang atubiling ayusin ito.
"Ganto kasi ang pagkalagay upang malinis tingnan." Sabi ko. Hindi ko naman namalayang napakalapit na naman namin sa isa't-isa.
May kakaiba kasi sa pakiramdam ko tuwing kami'y naglalapit. Kinakahaban ako, na ewan. Basta. I also know one person who could make me feel this way.. Janus. Justifiable naman yun kasi nga may feelings ako dun sa tao. Samantalang dito sa impaktong to wala.
Di ko alam kong nakakaramdam rin ba sya nang ganung epekto sa akin.Nagkatitigan kami.
Una syang umiwas nang tingin at lumakad na palabas, parang nabad-mood bigla.
Anong nangyari dun?
Sumunod naman ako. Dahil sa ilang ay hindi ako masyadong dumikit sa kanya sa loob nang elevator. Sa may pinaka-gilid ako habang nasa gitna naman sya nakatayo na parang isang boss.
"Para kang butiki diyan sa gilid. Malaki naman ang space nitong elevator ahh." Bigla nyang turan.
"Ahh wala lang.. Hehe trip ko lang. Atsaka parang na-awkward ka bigla ehh." Mahina at nahihiya kong sabi.
"Me? You think so? Hmm well try again miss." Confident nyang sabi at hinila ako palapit sa kanya.
Para naman akong naging tuod kasi ngayon ang lapit lapit na naman namin sa isa't-isa. Nakahawak pa sya nang bahagya sa bewang ko kaya lalo akong naiilang sa posisyon naming dalawa ngayon.
Hindi na ako nakaiimik hanggang sa makalabas na kami nang elevator.
Agad naman akong lumayo sa kanya at naunang lumabas.
"Hatid na kita sa skwelahan mo."
"Ahh w-wag! I mean no need na. Magta-taxi nalang ako, baka ma late ka pa sa trabaho mo." Kahit ang totoo'y mas makakasave pa nga ako nun. Kaya lang, nakaka-suffocate masyado ang atmosphere pag kami lang dalawa. Lalo na sa isang closed na lugar.
Ngumiti sya nang nakakaloko. Ayaw ko sa mga ngiti nyang ganyan, mukhang laging may binabalak!
"No it's okay. May oras pa naman kaya maihahatid pa kita. Or else iisipin ko talagang iniiwasan mo ko. Are you afraid to fall in love with me?""Hello! Never naman iyang mangyayari, sabi ko nga dati 'di kita type.' Tara na nga hatid mo na ako." Nakabusangot kong sabi at ako pa mismo ang humila sa kanya papuntang larking lot na ikinatawa naman niya nang husto.
"Hop in!"
Hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto! Wala talaga tong pagka-maginoo sa katawan.
Ewan ko nalang talaga.
___________________________
1k reads na, akalain nyo iyon? Haha
Thanks for following me! RenmarTaluse
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.