Challenge Accepted
I was still anxious the next, next day. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok na ba ako sa klase ni Rod ngayon o hindi na muna, makaraan ang dalawang araw matapos ang mga pangyayaring iyon.
But as what as I've said, ayaw kong gawing big deal lahat nang nangyari. Yes, I know mali iyong nagawa namin but it is what it is, tapos na at hindi ko naman na maibabalik pa ang kung ano mang nawala sa akin. May kasalanan din naman ako sa nangyari.
"Salamat manong Jude!" Sabi ko sabay abot nang bayad sa kanya.
"Sige, ingat ka. Aral nang maigi." Aniya na ikinangiti ko. Kumakaway naman sa akin ang dalawang bubwit niya at umalis na.
Bumungad sa akin ang bestfriend kung may nakakalokong ngiti na inirapan ko na lang. Alam na alam ko ang tumatakbo sa isip nitong babaeng 'to ngayon.
Natawa sya at hindi na umimik na ikinagulat ko. "Oh, nakaka-panibago iyang katahimikan mo ngayon ahh. Baka may gusto kang sabihin dyan, ilabas mo lang iyan." Sabi ko.
"Wala. Ano ka ba? Ikaw? Baka ikaw yung may nais sabihin sakin. Alam mo namang good listener ako." Bungisngis nya.
"Hmm. Wala naman." Pagsisinungalung ko, sabay iwas ko nang tingin.
"Eysus, sige na nga. Bakit si "Sir" Rod ang sumagot sa tawag ko nung isang gabi ha? Ikaw babae ka, akala ko kung ano nang nangyari sayo." Sabi nya habang tinatahak Ang daan patungo na sa first class namin ngayon na sa kasamaang palad nga ay Rod pa ang instructor namin.
"Sasabihin ko sa'yo lahat mamaya." Sabi ko matapos naming makarating sa tapat nang silid namin.
Wala akong tinatagong sikreto sa babbaeng 'to atsaka kahit may pagka-kalog to ay maaasahan naman pagdating sa mga advices.
10 minutes pa bago magsimula ang klase and usually hindi pa dumadating ang mga instructor sa mga oras na ito pero nakakagulat na mas nauna pa sa SYA kaysa sa amin at pormang-pormang nakahilig sa kanyang lamesa.
Nakapolo sya ngayon, kulay itim at maong pants. Tucked-in and of course with his glasses on. I must say lahat naman sigurong damit ay babagay sa kanya. Real talk lang, hindi ako masinop sa compliments.
Enjoy syang nakipag-usap sa iba naming mga kaklaseng babae at binabae ngunit bigla syang tumingin sa kinaroroonan namin. Nagkatingin kami saglit, I was stunned for a sec pero ako na ang unang umiwas at ibinaling ang atensyon sa uupuan namin.
To be honest, kanina ko pa gustong umalis kasi madaming what if's ang nakatatak sa utak ko. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Paulit-ulit kong tinatatak sa utak ko na wala lang iyon.
Tumigil naman sya sa pakikipag-usap sa ibang mga kaklase ko at bumalik na sa kanyang pwesto. Malapit na rin naman kasi ang time.
Nung nag bell na ay binigyan na lamang nya kami nang gawain. Habang busy ang lahat sa ka-kasagot nakikita ko naman a gilid nang aking mga mata ang panaka-nakang tingin nya. Hindi talaga ako tumingin sa banda nya at umarte na parang focused ako sa ginagawa ko.
Kanina pa ako tapos ngunit hinihintay kong matapos itong kaibigan ko para maisabay na rin tong papel ko sa pagpasa niya.
Unti-unti nang nagsi-alisan ang mga estudyante kaya sinitsitan ko nang bahagya ang kaibigan ko.
"Pst. Huyy!" Bulong ko ngunit hindi nya yata narinig.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.