"Dylannnn. Let's wait for Lolo before swimming okay!?" Sigaw ko sa limang taong gulang kong anak na kasalukuyang nasa dalampasigan ngayon.
"Yes po mama!" Sagot nito habang naka-salampak sa may buhanginan habang gumagawa ng Tore.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang ginawa niya. "Mama, look oh. I made us a big house! You are the Queen and I am the King." I got teary-eyed kaya agad akong tumalikod at pinunasan ang luha king nagbabadyang tumulo. His innocence is flattering me, sana manatili syang ganyan.
He's five years old and I know that he already have lots of questions in his mind. But he opted not to ask.
"Pano ba iyan, okay lang ba sayo na maging King ko? You could still be Prince you know, then Mama will be the Queen and King in that castle at the same time." Pagpapaliwanag ko. Bahagya naman syang natahimik, na tila may iniisip.
"It's okay mama. I don't want you to be tired. I can't make Lolo as our King kasi may may sarili din silang bahay ni Mami Margs dito sa tabi. I'm too big naman na mama to become a prince."
"Ahw. Ang sweet naman ng King ko. Can you give your queen a kiss nga!" Agad naman syang tumayo at binigyan ako ng matamis na halik. Di ko naman maiwasang maiyak sa mga pinagsasabi ng anak ko, idinaan ko nalang ito sa tawa ng hindi nya mahalata.
Parang kasing malaking tao na kung makapag-salita. "I love you." Sabi ko.
"I love you Mama."
"Sige na, tapusin mo na muna yang house natin baka maaabutin na yan ng alon mamaya."
Kinuha ko ang cellphone ko at ni-press ang pulang button upang i record sya. "Look at the camera baby. Smile ka, dali!"
"Mama. Stop calling me baby, I'm big boy na." Busangot niya. Natawa naman ako sa kanyang sinabi habang nakatutok pa rin ang camera sa kanya.
Napaka-enhlishero pa! Saan kaya to nagmana. Sabagay palagi kasi tong nanood ng kung ano-ano sa cellphone ko ehh. Hilig nyang manood ng mga bagay tungkol sa science, lalo na kapag tungkol sa mga planeta.
"Ahhh. Baby ka pa rin ni Mama kahit big boy ka na!"
Balak ko kasing i-send to sa Mommy Karen niya. Sabik na siyang makita itong inaanak niya ulit. Nung kabuwanan ko kasi ay agad syang bumisita at sinamahan ako hanggang sa pagkapanganak ko. Huling punta niya rito ay nung birthday nitong inaanak niya, magnula nun ay hindi na sya nakabalik pa ulit dahil busy sa trabaho.
Mas lalo na sina Mang Winnie at Aling Ailyn na hindi pa nakita 'tong si Dylan sa personal. Madalas naman kaming nagvi-video call pero iba pa rin daw talaga sa pakiramdam kung mahahawakan mo. Medyo magastos kasi ang pamasahe at medyo nagka-edad na.
Tuwang-tuwa nga sila dito kay Dylan eh kasi parang matanda na kung magsalita. Siguro nakatulong yung palagi ko syang kinakausap nung baby pa sya. Nawi-weirduhan nga siguro tong anak ko sa akin noon eh. Sabi kasi nila nakakatulong daw iyon upang mas mabilis ang learning development ng bata. And I think it works.
Saksi ako sa lahat nang milestones ni baby. Mula sa unang pag gapang nya, pag bigkas, first day of school at maraming pang iba. What could I ask for? I am contented and happy with my life right now.
Hindi man marangya ang pamumuhay namin dito sa Isla ay masaya naman lalo na't magkakasama kaming pamilya.
Suma-sideline si Papa bilang mekaniko at pangingisda na rin habang ako nama'y nagta-trabaho sa isang Milk tea shop. Patok tong negosyo ngayon ehh. Nung una, ayaw pa sana akong payagan ni Papa na magtrabaho kasi nga pokus daw muna dapat ako kay Dylan pero batid kong pilit nyang pinagka-kasya ang kakarampot nyang kita minsan sa mga gastusin namin. Hindi naman kasi palaging swertehan at maraming huli sa pangingisda. Pana-panahon lang rin yan.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.