Kabanata 42

2.4K 63 16
                                    

Pain

Pagkarating namin sa kanyang condo ay antok akong umupo sa sofa. Gusto kong matulog pero nakaramdam ako ng gutom. I can't sleep with an empty stomach.

Bigla tuloy akong nagki-crave ng Pasta! Hinaplos-haplos ko ang tiyan ko. Tiningnan ako ni Rod gamit ang kanyang mapupungay na mga mata.

"Nagugutom kami."

"What do you want to eat? I can cook."

"Gusto namin ng Pasta."

"Okay. Pasta it is." Aniya. We immediately changed our clothes with comfortable ones. Isang simpleng sando at boxer shorts sa kanya habang naka pajama at sweaters naman ako.

Agad nyang sinimulan ang kanyang pagluluto. Nakatalikod sya sa akin ngayon at hindi ko maiwasang suriin ang kanyang katawan.

Napakagat ako ng labi. Look at those muscles, baby. He's really hot I admit. Oh la la, likod pa lang ulam na.

Jusko po, ano ba itong pinag-iisip ko.  Bigla syang humarap sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Madali lang 'to but you can take a nap if you want. Gigisingin nalang kita pagkatapos nito." Suhestyon niya.

Umiling ako. "Hindi na."

"Alright."

Madali lang naman iyong maluto kaya agad kaming nakakain. He served me and everything like I was his queen. He look so determined and stoic kaya hindi na ako nag atubiling umangal pa.

Sa amoy palang masarap na. Damn, he's really good at everything huh.

Naubos ko lahat ng nilagay nya sa aking plato. Nagdagdag pa nga ako eh kaya obvious naman ng nagustuhan ko yung niluto nya.

Nagpresinta akong maghugas ng pinagkainan namin ngunit ayaw nya. Baka mapano daw kami ni baby.

Like seriously? He wouldn't even allow me to wander around.

I shrugged at that thought.

"Napaka-OA mo. Hindi naman ako baldado, atsaka need ko talagang gumalaw-galaw no para mas healthy si baby."

He only rolled his eye at me. "Yes I know. Pero kailangan mo nang magpahinga, lagpas 12 midnight na oh. Wag nang matigas ang ulo."

I sighed in defeat. "Okay."

Tatayo na sana ako ng lumapit sya sa akin at binuhat ako. Napatili ako sa kaba.

"Ibaba mo ako! Kaya kong maglakad. Rod!" Natatawa kong sabi pero hindi sya nakinig.

Nilapag nya ako roon sa aming malambot na kama ng dahan dahan. Namula ako sa klase ng titig na pinupukol nya. He look so in love with me and I can't help myself to be overwhelmed.

"Matulog ka na. Susunod ako agad." He said as he kissed my forehead.

"Thank you. I love you." Madamdaming sabi ko. 'Cause I really love him. Balewala na sa akin yung mga narinig ko last time but still I have to ask him about that.

Hinihintay ko lang na sya ang magsabi sa akin.

He nodded. After a long minute of silence he sighed. "Bakit? May problema ba?"

"W-wala.. wala naman. May sasabihin sana ako ehh pero makakapaghintay pa naman yun bukas."

"Ehh sabihin mo na. Paano ako makakatulog niyan."

The Mistress' AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon