Row
Lihim kong pinagdarasal na sana hindi magpakita ang lalaking iyon sa bar kinabukasan.
Nabahala talaga ako nang sobra. Paano kong namumukhaan nya ako?
I don't know why, but I'm so paranoid when he's around.Dininig naman yata ang dasal ko.
"Good evening Janus. How's your day?" Bungad ko sa kanya matapos naming mag-perform.
Mukhang wala sa mood to at marami na rin ang nainom.
"Uhh. I'm so exhausted Lexi! May problema lang sa kompanya." Namumungay nyang sabi at iniwas ang tingin sa akin.
Ayaw nyang pag-usapan. Alam kong iba 'to. Hindi big deal sa kanya kapag may problema sa kanyang kompanya noon pa man, sya na nga ang may sabi na maso-solusyonan nya naman raw ito kaagad.
"Ganun ba. Naku, relax ka lang. Baka mabawasan kagwapuhan mo nyan." Pampulubag-loob ko.
He just chuckled. A fake one.
"Duty ka raw kagabi ahh?" Pag-iiba nya sa usapan.
"Oo pinag-duty ako ni Madam kasi absent yung isang kasamahan namin. Late na ngang ipinaalam sa akin, sorry if I haven't informed you."
"Ohh, no! Don't be sorry tho. Besides, busy rin ako sa trabaho lately hindi rin ako makakapunta if nasabihan mo ko kagabi." Akala ko galit sya. Tumango nalang ako at sumimsim narin sa inuming inorder nya para sa akin.
Walang nagsalita sa amin. Nakakapanibago kasi ang tahimik niya ngayon.
Ayaw ko namang pilitin syang i-share sa akin kung ano ang problema nya.
I want him to willingly share it to me.Lumalim na ang gabi pero walang nangyari. Nakakalungkot. Maybe he don't trust me enough. Well, sino nga ba ako para pagkatiwalaan nya. Hamak na bayarang babae lang naman ako.
Mapait akong ngumiti.
"Mabuti pa'y umuwi na tayo Janus. Lasing ka na, 'wag ka nang mag-drive. Hatid na kita sa condo mo."
"Kaya ko pang magdrive pauwi, okay."
Pilit ko naman syang inalalayang tumayo.
"Hindi ko kailangan nang tulong!" Bahagya akong napalayo sakanya nang ako'y iwinaksi nya.
Natulala ako sa ginawa nya. Ang sakit pala ipagtabuyan.
"Sorry." Sabi nya at agad tumayo na. Alam kong sya mismo nagulat rin sa kanyang nagawa.
Hindi nalang ako umimik at sinundan syang pagewang-gewang na lumakad palabas nang bar.
Ang parking lot nitong bar ay nasa gilid lamang nito.
Nang makita kong nasa pintuan na sya nang kanyang sasakyan ay pumara na kaagad ako nang taxi.
Ayaw ko nang magpahatid.
Humarap ako sa kanya nang bahagya. Kanina ko pa pinipigilan ang luhang tumulo sa aking mata.
Ano ba naman yan Lexi!
"Ingat ka." Mahinang sabi ko at sumakay na kaagad. Hindi ko alam kung narinig ba nya iyon.
**
Bakas sa aking mukha ang puyat pagkagising. Bandang alas dos nang madaling araw na ako nakauwi kagabi... Err kanina.
At may klase ako ngayon!
Kahit pagod ay pinilit ko pa ring bumangon at naghanda papasok sa eskwelahan.
Suot ko na rin ang uniform ko. Simpleng black skirt and white long sleeves at black coat na may logo nang aming school at department sa may bandang dibdib at isang pares nang black sandals.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.