Nanay Lucia
Nagsimula na ring tumugtog ang napaka-sensual na musika at nagsilabasan kaming mga entertainers nang dahan-dahan isa-isa. Ako ang panghuli. Bawat kanto may nakalaang stool. Samantalang sa akin sa gitna na elevated nang konti ay pole.
Nung nakapag-adjust na ang mata ko sa nakakasilaw na lights ay inilibot ko ang aking paningin sa lahat nang taong nandito.
Hinawakan ko ang pole. Inikot-ikotan ito at sumayaw nang parang GRO habang tinitingnan nang malagkit ang mga customer na nag iinuman habang kagat-kagat ang aking mga labi.
Kitang-kita mo ang pagnanasa sa kanilang mga mata habang tinitingan kaming mga entertainers sa aming ginagawa. Napangiti naman ako roon at ginanahan pa ang pagsayaw.
Nung unang taon ko dito'y naiilang pa ako. Nalilito kung tama pa ba itong ginagawa ko.
Naiiyak.
Alam ko kasing maaaring mapahamak ako dito at baka itakwil ako ni Nanay Lucia pag malaman nya to.
Sya ang dahilan kung bakit ako pumasok at nagkalakas loob na pumasok dito. Para sa babayarin namin sa hospital, sa doctor, sa mga gamot nya at sa pangkain namin araw-araw. Labag man sa loob ko pero sa paraang ganito natulungan ko si Nanay at masaya na ako roon.
Ehh si Nanay yung klase nang tao na hindi gusto ang pag gastusan sya. Sabi Pa nga niya noon 'pag ako namatay gusto ko iyong diretso na, yung hindi na isusugod Pa sa hospital. Dagdag gastos lang iyon!'
Eh sensitibo Pa naman ako pagdating sa mga ganyang bagay. Palihim ko nalang iyong iniiyak! Nagpakatatag ako para kay Nanay.
Tandang-tanda ko pa ang panahon na iyon.
*Flashback
Masayang-masaya ako ngayon araw. Naka-graduate na ako sa senior high school! Sa wakas at ilang hakbang nalang ay matutupad ko na ang mga pangarap ko.
"Oyyyy! Nandito na pala ang magandang Graduate natin mga kapitbahay!! Congrats Lexi!" Ani ni Aling Ailyn at niyakap nya ako. Niyakap rin ako ni Mang Winnie at may inabot syang isang regalo.
"Ohh, para sayo iyan. Secondhand lang iyan ahh, mura lang pero magagamit mo iyan. Buksan mo na dali."
"Nako, maraming salamat po! Nag-abala pa kayo ahh."
Pagkabukas ko bumungad sa aking ang isang bagong cellphone. Hindi sya halatang second hand dahil good as new talaga!
"Pooooo? Seryoso! Akin po talaga to aling Ailyn?" Hindi makapaniwalang sabi ko at gulat na gulat silang nilingon.
"Oo Lexie. Nakita kasi namin na basag-basag na ang Cellphone mo kaya nung nakita namin iyan ay binili agad namin para sayo. Congrats ulit!"
Niyakap ko ulit sa Aling Ailyn nang mahigpit at inakbayan naman ako ni Mang Winnie."Nako mag-aral kang mabuti! Wala munang boypren boypren ha. Tsaka na pagmakatapos na!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Mang Winnie. Para ko na talaga syang tatay eh noh?haha
"Oo po! Makaka-asa po kayo. Maraming maraming salamat po talaga dito ha! Yaan nyo po. Babawi ako soon!"
"Ayy nako huwag mo nang isipin iyan. Napakabuti mong bata kaya deserve mo iyan. Nako baka hinahanap ka na nang mga bisita mo roon! Uwi ka na sa bahay nyo."
Pamilya na talaga ang turing nang mag-asawa na to sa amin ni Nanay.
"Ahh basta, babawi po ako. Tara na po, sama na kayo sakin papunta sa bahay!" Anyaya ko sa kanila.
Marami ang bumati sa Akin na mga kapitbahay namin. Sa bahay na naipundar nila lolo at lola sa kakatrabaho.
Hindi naman sya bonggang bahay talaga pero malinis sya at maraming mga tanim na bulaklak. Naging past time ni Nanay eh.
Nagkaroon nang salu-salo sa bahay. Eh kasi itong si Nanay di ko mapigilan, sabi ko kahit huwag na.
Nagbihis muna ako sa kwarto at bumaba na.
"Bakit napakarami nang handa? Baka sa pambili mo nang gamot mo iyan kinuha ha!"
"Ano ka ba. Hindi. Atsaka kahit hindi tayo mayaman ay mag-c-celebrate tayo ano! Magka-college na ang apo kooo!" Proud nyang sabi saka niyakap nya ako nang mahigpit.
Ramdam ko ang galak nya at nung nakita kong namamasa ang kanyang mata ay naiyak na rin ako.
73 years old na itong si Nanay. Isang retired teacher at kahit papaano'y may natatanggap naman kami mula sa pagiging senior citizen nya at sa pension nya buwan-buwan. Iyon ang ginagamit namin pang maintenance nya.
"Huwag mo akong iwan 'Nay ha. Ikaw nalang ang natira sa akin. I love you so much po." Mahina Kong bulong sa kanya habang syay aking yakap yakap. Pinapahiran nya naman ang tumulong mga luha sa aking mga Mata at hinawi sa gilid nang making tenga ang ating buhok.
"Apo, hindi natin mapipigilan iyan. Dadating rin ang panahon na ako'y lilisan na rin sa mundong ito. Matanda na ako. Basta lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo at mahal na mahal rin kita." Makikita mo sa kanyang mga kulubot na mukha ang saya ngayong araw na ito.
At makita syang ganun ay labis rin akong natutuwa.
"Huwag ka namang magsalita nang ganyan 'Nay. Alam mo namang hindi ako komportable pag-usapan yan. Ang drama na natin! Hayyss, magsaya tayo ngayon kasi magka-college na ang apo mong maganda!" Change topic ko. Naduduwag akong pag-usapan.
"Syempre, saan ka pa ba magmamana kundi sa akin ha?" Aba, hindi rin magpapatalo si Nanay ha. Natawa nalang kami pareho.
I really did my best on everything that I do. I want her to see me successful because she's the main reason why I want to become one in the first place.
As much as possible, sabi ko sa sarili ko walang lugar ang 'failure' ngayon. I know it's part of our life. It's inevitable.. pero hanggat maari huwag muna dahil matanda na si Nanay. Ano mang oras pwede syang kunin sa akin. Oras ang kalaban ko kaya isi-set aside muna natin ang kabiguan hanggat maaari.
Pinuntahan na namin ang mga bisitang nagka-kantahan sa labas. May nirentahan kasing videoke si Nanay.
May mga nagsasayawan rin sa tugtog at nakisali kami ni Nanay sa pagsayaw.
"Nayy! May ibabalita pala ako sa'yo! Nakatanggap ako nang full-scholarship sa isang unibersidad!" Nilakasan ko boses ko upang marinig nya ako.
"Mabuti kung ganun apo! Proud na proud na proud ako sayo." Hingal nyang sabi. Napahinto sya napahawak sa dibdib nya.
"Nay? Okay lang po ba kayooo? Pahinga muna tayo! Gusto nyo tubig?"
Taranta Kong sabi."Okay lang ako, ako na ang kukuha nang tubig sa kusina. Napagod lang sa kakasayaw, alam mo na matanda na." Nag-aalangan akong tumango. Sasamahan ko na sana sya papuntang kusina nang may biglang bisitang dumating at agad ko namang pinakain at in-entertain sa may sala.
Nagulat ako nang makarinig ako nang may nabasag na kung-ano. At sigurado akong sa kusina iyon, agad kong tinakbo ang pupunta roon. Tumambad sa Akin ang nakahandusay na si Nanay.
"NAY! Tulong!! Tulong poooo! Tumawag kayo nang ambulasya maawa po kayoooo! Nayy! Nayyy!" Balisa Kong sigaw at niyugyog sya. Hindi ko alam gagawin ko. Nagsilapitan ang mga bisita at nataranta na rin.
Ang isa sanang masayang selebrasyon ay nauwi sa isang nakakagimbal na pangyayari.
Si Nanay Lucia.
________________________
Thanks for following me @
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.