Goodbye
Naabutan ko si papa na nag-i impake para sa lakad nya bukas papuntang Bohol. Isang bag lang naman ang dala niya kasi tatlong araw lang naman iyon eh.
"Oh, anong nangyari sayo? May problema ba?" Hindi pa nga nakakatayo ay agad ko syang niyakap ng mahigpit.
Humagulgol ako sa kanyang mga bisig. Hinagod hagod nya ang likod ko.
Wala akong lakas na magsalita. Batid yun ni Papa kaya hindi na muna sya nagtanong.Makaraan ang ilang minutong iyak ko ay bahagya ng gumaan ang loob ko. Bumitaw si papa sa pagkayakap sa akin at ikinuha nya ako ng tubig.
Ibinigay niya ito sa akin at agad ko naman itong ininom.
"Sasama ako sayo Pa. Gusto kong magpakalayo-layo at mamuhay nang mapayapa kasama ang anak ko. Doon na muna ako mananatili ng pansamantala." Panimula ko. At agad kinwento sa kanya lahat lahat kabilang na ang pakikipag-relasyon ko noon sa may asawa na hanggang sa malaman kong ang ama ng dinadala ko ngayon ay sya ring anak ng lalakeng iyon.
Syempre alam kong hindi nagustuhan ni Papa iyon. Bayolente syang napasinghap at umiigting na ang panga niya sa mga isinalaysay ko. Lalo na yung sa nangyaring engkwentro kanina.
"Sinaktan ka ba nila ng pisikal?" Kinuyom ni Papa ang kanyang kamao.
Natakot ako ng bahagya doon, given na ang history ni Papa."Pa, h-indi naman po. Nakapag-usap na rin po kami ni Rod ng masinsinan. Gusto ko lang po talagang lumayo nalang kasi baka madamay pa ang anak ko sa galit ng nanay niya." Tumango si Papa. Mukhang naintindihan nya rin iyon.
Hindi natin alam kong hanggang saan ang galit niya sa akin. Kahit gaano pa kabuti ang isang tao, kung sagad na sagad na ito'y mahihirapan ka nang kontrolin ang emosyon mo.
"Ako na ang bahalang mag-impake para saiyo. Paano na ang pag-aaral mo?" Nagpatigil sa akin bigla ang tanong na iyon. Hindi ko man lang naisip ang pag-aaral ko.
Pero mas priority ko ngayon ang kaligtasan ni baby. Saka na yung ibang bagay.
Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. "May paaralan naman siguro doon pa. Sa ngayon, hihinto na muna po ako upang pagtuonan ng pansin itong pagbubuntis ko. May kunting ipon pa naman ako dito. Pwede namang ikaw nalang muna dito Papa." Sabi ko.
"Hindi anak sasamahan kita. Doon na tayo manirahan."
"Po? Paano ang trabaho niyo po?" Gulat kong tanong. Sayang naman kasi ang pagkatanggap ni Papa sa kanyang trabaho. Hindi pa nga sya nakapag-simula ay titigil na agad sya.
"Makakahanap naman siguro ako ng pagkaka-kitaan doon. Ang mahalaga masasamahan kita. Napag-isip isip ko na rin ito noong mga nakaraang araw na doon na tayo manirahan kaso ikaw ang inaalala ko. Kaya ngayon, mas pabor sa akin to anak." Aniya. Naiiyak na naman ako sa mga pinagsasabi ni papa. Sanay naman na akong mag-isa sa buhay, pero hindi ibig sabihin nun, ginusto ko iyon. Kaya bakit pa ako mag-iisa kung nandyan na si Papa?
Niyakap niya ako ulit. "Wag ka nang mag-alala tungkol sa mga gastusin. Ako na ang bahala. Atsaka may makukuha naman ako doon sa lupang ibebenta ng mga kamag-anak natin, pandagdag na rin iyon sa atin."
Salamat lord at binigyan mo ako ng mapagmahal na ama.
Buong araw naming inasikaso ang lahat. Nasabi ko na rin kay Karen ang
lahat sa pamamagitan ng tawag at another iyakan section na naman ang nangyari.Hindi pa sya nakontento at bibisitahin nya raw ako sa huling pagkakataon dito sa aking BH.
Pagkarating nya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Nakakainis ka! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin lahat ng 'to ha?"
Umiiyak niyang sabi. Hindi naman sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan. Of all people, I trust Karen the most pero sa isip ko nun gusto ko na si Rod muna ang makakaalam kasi karapatan niya iyon eh.
Pero ngayon nagsisi na ako. Sana pala di ko nalang sinabi
"Hindi ka na ba talaga babalik?" Aniya pagkatapos ng ilang minutong paliwanagan. Nire respeto nya naman ang naging desisyon ko.
"Syempre babalik pero baka matatagalan pa. Alam mo naman na ang sitwasyon diba?" Buntong hininga ko.
"Hayyy, napaka complicated naman kasi ng sitwasyon nyo."
Yes it is. Only that I know better now. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko doon pero sisiguraduhin kong magiging maayos ito para sa anak ko.
Shortly after, Mang Winnie, Aling Ailyn and Dodong arrived.. They said that they want to bid their goodbyes at us. Of course they knew already the situation but only Karen knows where we are heading.
Wala kaide-ideya and iba na sa Bohol kami mananatili. Ang akala nila sa Luzon lang.
Nag-iingat lang naman ako at maayos ko naman iyong napaliwanag sa kanila. They respect that. Kinuha ko nalang ang mga numero nila kasi itatapon ko na itong lumang sim ko pagkadating roon.
My school records can't be processed in just a day. Karen volunteered to help me about that matter and I didn't declined. Malaking bagay na iyon.
Tapos na ang lahat. Isang tingin ang ipinukol ko sa munting tahanan ko, ilang taon na ang nakalipas habang pinapasok ni Papa ang gamit namin sa inarkila nyang sasakyan.
Kakaunti lang naman ang pinagsamang gamit namin ni Papa kaya dalawang maleta lang nakalaan para sa mga gamit namin. Habang iilang karton para sa iba't-ibang mga gamit tulad ng mga plato atbp.
Nangingilid ang luha kong tiningnan ang mga taong naging sandalan ko nung wala pa si papa. Namumula narin ang mga mata ni Aling Ailyn kaya isa-isa ko silang niyakap ulit. Laking pasasalamat ko sa mag-asawang 'to at hindi nila ako kailanman pinabayaan. Sila ang naging pamilya ko rito.
Maraming mga bilin si Aling tungkol sa panganganak ko at hindi ko mapigilang matawa sa kanya.
Huli kong niyakap si Karen."K-ontakin mo ako lage ahh."
Tumango ako.
"Syempre naman. Basta kung sakali mang hanapin ako ni Rod sa'yo, wag na wag mong sasabihin kung nasaan kami ha?" Sabi ko.
Hindi naman sa ini-expect kong hahanapin nya talaga kami. Sadyang kung sakali man ay mas mabuti nang wala syang ideya. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya ang anak namin pagdating ng araw pero hindi na muna sa ngayon.
Atsaka sigurado naman akong hetong anak lang namin ang habol nya. I heaved a sighed at that thought.
Pagka-sakay namin sa lumang pick-up na inarkila ni Papa ay doon na nag-sink in sa akin ang lahat. Habang papalayo ito, tanaw ko ang mukha nang mga taong naging parte ng buhay ko. Babalik ako, pangako yan. Better and stronger.
I realized that there are really some things that meant to be over no matter how good and perfect it seems. And that includes us.
Pumikit ako at mapait na ngumiti. Goodbye, Rod.
________________________________
Maraming salamat sa suporta!
Unedited.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.