Mr. Smith
Naisugod agad sa hospital si Nanay. Sabi nang Doktor heart attack raw, kasalukuyan pa syang nasa ICU ngayon at may machine na nakasuporta upang makahinga sya nang maayos.
Mag-iisang linggo na ang nakakaraan at nanatiling unconscious parin si Nanay.
Lumobo nang lumobo ang bayarin namin sa ospital. Hindi ko alam saang kamay ko kukunin ang ilang daang libong bayarin dito sa hospital pero naghanap ako nang paraan. Hindi ako sumuko.Dumating pa sa puntong humingi ako nang mga donations sa kung sino-sino at kung saan saan.
"Ma'am, sir. Sana po ay matulungan nyo ako nasa hospital po ang Nanay ko ngayon at kailangan na kailangan po namin nang pera. Kahit anong halaga po ang ilagay nyo sa sobre okay lang po. Tatanggapin ko po iyon nang buong puso." Pagmamakaawa ko sa mga pasaherong nakasakay sa loob nang isang bus.
May ibang naawa at nagbigay, ang iba inismiran lang ako. Akala siguro nila scam.
Isa pala si Violet sa nakasakay sa bus na iyon. May inoffer sya aking trabaho sabi nya malaki daw ang sweldohan doon. Napagting ang aking tenga kaya sumama ako agad sa kanya.
Desperado na ako.
Nagulat ako kasi nasa harapan kami nang isang bar. Sarado pa ito, sabagay mag-a-alas singko palang naman.
Hinigit nya ako papasok pero agad kong binawi ang kamay ko.
"Ahh miss, pasensya na. Mukhang hindi ko matatanggap ang trabahong iaalok mo." Kahit suyurin ko Pa ang buong syudad dito upang manghingi nang donations wag lang dito sa trabahong ganito.
"Hindi. Mali ang iniisip mo, hindi tayo magbebenta nang katawan. Well, sort off. Pero basta! Trust me okay, matutulungan ka dito." Hindi ko alam kung paano nya ako nakumbinsi pero kaharap na namin ang isang baklang manager raw.
"Hmm. Talikod nga Miss." Tumalikod naman ako.
"Makinis, check. Maganda, check.
Height, check na check. Pinagpala sa laki nang harap at likod, check. Ayy perpekto tong dala mo Violet ha. Sakto at kulang tayo nang isa ngayon." Nais ko na sanang umatras nung mga panahon na iyon pero nung ipinaliwanag nila sa akin lahat at sinigurado na ligtas ito'y tinanggap ko na. Bahala na.I'm 19 years old kaya sakto naman na ako sa edad.
Mas nahikayat pa ako nung pinag-cash advance ako nang malaki-laking halaga nang may-ari kapalit ang pagta-trabaho ko roon nang ilang taon. Walang magpapautang sa'akin nang ganung kalaking halaga kaya no choice na ako't pinirmahan ko na agad ang kontratang iniabot sa Akin.
Tatlong linggo na at hindi parin stable si Nanay. Mabuti nalang at nandito sila aling Ailyn at Mang Winnie na magbabantay kay Lola. Salit-salitan sila habang akoy naghahanap nang paraan.
Nagsimula narin akong magtrabaho sa bar bilang Entertainer at malaki-laking pera ang nakuha ko sa kakatrabaho doon. Nagtataka na nga sila Aling Ailyn kung saan ko daw ba kinukuha ang pera, pero sabi ko naman may nagpautang sa Akin kaya ganun.
Sobrang nahirapan ako sa unang linggo ko sa trabaho.
Hindi ako sanay makahalubilo sa mga lasing pero pinilit ko ang sarili ko. Para to kay nanay, palagi ko tatak sa making utak.
"Miss, come here and sit here in my lap! I will give you anything you want. Anything.....basta ba paliligayahin mo ako mamaya." sabi nang isang singkit customer na medyo may katandaan na pilit akong hinila paupo sa kanyang kandungan.
Nitrain ako nang maayos kung paano pakitunguhan ang ganitong sitwasyon ngunit iba pa rin talaga pag actual na ang pangyayari.
"Ahh, hehe sir pasensya na ha hindi ako available ehh, if you really insist we have girls right there who can satisfy your night sir." kumbinsi ko sabay kindat sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Mistress' Affair
RomanceWARNING: |SPG| |R+18| This happens when you let someone takes you for granted. You're going to be WASTED.