Chapter 2: Taylor vs. Jax

42 8 0
                                    

Ilang weeks na rin ang lumipas magmula nang mag-transfer ako rito sa OLFU. Maayos naman pero hindi ko masasabing masaya. Medyo cringe kasi ang mga nakasalamuha ko ng ilang linggo katulad na lang ng mga grupo nina Steph at Gabe.

"Hey, Marley!" Napabuntong hininga na lang ako nang humarang si Gabe sa harapan ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito, napapakamot pa sa ulo.

Biglang nag-vibrate ang phone ko at nakita kong may nag-message. Mabilis ko itong binuksan.

Taylor, prepare, you have a fight!

"Shit," bulong ko sa sarili.

"Who's shit?"

Hindi ko na siya pinansin. Nag-dire-diretso na akong umalis at nagtungo na sa rooftop. Mabuti na lang at handa ako ngayong araw.

ARIES.
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa rooftop. Inaasahan kong nandoon si Marley at hindi nga ako nagkamali. She's here.

Lumapit ako at tumabi sa kaniya pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Busy siya sa paghithit ng–Damn! Paano niya naipasok ang weed dito? Napangiwi ako nang makita kung paano niya ginagawa ang adik niyang operasyon.

"Addict," bulong ko habang napapailing at napapangiwi.

"No, I'm not," singit niya sa kalagitnaan ng paghipak.

Humarap ako sa kaniya dahil sa wakas ay napansin na niyang nandito ako. Mukhang may tama na talaga siya dulot ng ginagawa niyang ilegal na operasyon.

"Ngayon lang naman 'to dahil may laban ako sa TGroundz. Mahirap lumaban nang normal. Mas kargado, mas lumalakas ang pwersa." Muli siyang humipak.

"May laban ka pala, 'di ba dapat nagpapakondisyon ka?"

Ngumisi siya sa kawalan. "That's my way to get myself in condition," she answered while curving a bit smile on her face.

Ako naman ang ngumisi sa kawalan at saka humarap sa kaniya na nananatiling nakatingin pa rin sa kawalan. "Why won't you simply said na kaya mo ginagawa 'yan ay para manghiram ng tapang sa weed?" pahayag ko habang pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.

Napansin kong biglang nagbago ang kaniyang awra. Her cold personality became coldest. Hinithit niya sa huling pagkakataon ang kaniyang weeds at itinapon sa direksyon ko. Hindi na ako nagulat nang bigla niya akong kwelyuhan dahil alam kong nainsulto siya sa sinabi ko. Nangingiti kong pinagmasdan ang mukha niyang walang emosyon at mga mata niyang mas malamig pa sa yelo. 

"Don't you ever underestimate my strength. If you want to see how strong I am.." Inilapit niya ang kaniyang mukha sa tainga ko.  "Watch me," pagpapatuloy niya sa sinabi at muli akong nginisian. "By the way, I'm leaving, nasa kondisyon na ako."

Umalis na siya at naiwan akong nakasunod pa rin ang tingin sa kaniya. She really reminds me of someone. Para talaga siyang si Megan. The way she move, smile at 'yong angas. Ang pinagkaiba lang nila, si Marley ay parating walang emosyon, bakas ang pagiging villain. Pero si Megan, My Megan, napaka-sweet at napakabait.

MARLEY.
Nang makarating ako sa TGroundz ay agad akong nagbihis ng damit para komportable kapag lumaban. Nagsuot ako ng jacket na may hood, pants at sapatos na kulay black lahat. Perfect.

"Taylor vs. Jax," saad ni Master Zen, ang namumuno ng TGroundz. Pumwesto na kami ni Jax sa gitna. Nakasuot ang hood sa ulo ko habang nakayuko. "You guys are ready?" tanong niya sa amin at sinagot ko lang ng thumbs up.

Nararamdaman kong mananalo ako sa laban na ito, dahil bukod sa nasa kondisyon ang katawan ko, dinagdagan pa ni Aries ang motibasyon ko para ipanalo ang laban na ito. Nainsulto ako sa sinabi niya kaya ipapakita kong malakas ako.

"Taylor and Jax." Nakahawak na sa mga balikat namin si Master Zen hudyat na malapit na kaming maglaban. "FIGHT!"

Pagkatanggal ko ng hood sa ulo ay may sumalubong agad na hard punch sa panga ko dahilan upang ako ay bumagsak. Nginisian ko lang siya at pinunasan ang dugong kumawala sa bibig ko. Nanatili akong nakaupo sa sahig. Tumakbo siya para sugurin ako pero mabilis kong naiangat ang aking paa at saka ko tinadyakan ang kaniyang sikmura na siya namang ikinatumba niya.

Ako naman ngayon ang tumayo upang samantalahin ang pagkakataong nakahiga siya, pero nagulat ako nang mabilis siyang tumayo at nagmistulang may pakpak. Ngayon ay nakalutang na ito sa ere at ang kaniyang mga paa ay nakatutok sa aking mukha na kahit anong segundo ay posibleng tumama.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman akong bumagsak. Itinayo niya ako at agad ding sinalubungan ng solid na sapak dahilan upang ako'y muli na namang bumagsak. Damn.

Iniangat ko ang aking ulo at nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakatitig sa akin habang naka-crossed arms. Nang magtama ang paningin namin ay saka niya ako nginisian, iyong ngisi na nagsasabing tama ang sinabi niya kanina. Iniisip niyang mahina talaga ako kahit pa nasa kondisyon na ako. Nagwawala na naman ang mga ugat sa ulo ko, nanggigigil ako.

Naramdaman kong palapit na si Jax para muli na naman akong sugurin kaya't nagkunwari akong nakayuko. Nang mapagtanto kong maaabot na niya ako ay agad kong ikinilos ang aking mga paa at ibinaon iyon sa kaniyang sikmura.

Bumagsak siya sa sahig at ininda ang sakit. Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para matapos na ang laban na ito. Inupuan ko ang iniinda niyang sikmura at saka ako nagpakawala ng mga solid na suntok. Ipinatigil na ako nang marami ng dugo ang kumawala sa bibig ni Jax.

"Taylor won!"

Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa direksyon ni Aries. Nginisian niya lang ako at lumakad na siya palayo. See, hindi ako mahina.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon