MARLEY.
"How does it feel na lumuhod at magmakaawa sa isang lalaki para lang manlimos ng pagmamahal?"
Nakayuko lang ako habang nakakuyom na ang mga kamao. Sobrang katangahan lang dahil nakita at narinig pala ni Steph ang ginawa ko noong araw na nagkita kami ni Tom sa likod ng eskwelahan na ito.
"Like what you've said, you are willing to give everything for him. So, pati ba virginity mo ay ibinigay mo na rin? Well of course, base kasi sa pagmamakaawa mo roon sa guy mukhang naisuko mo na lahat ng meron sa'yo!" natatawa niyang sabi. "Oh Gabe you're here." Humarap siya kay Gabe na kararating lang ngayon. Narinig kong may ibang mga estudyanteng naki-isyosyo ngunit hindi pa rin ako natinag na iangat ang aking ulo. "Iyan ba 'yong chic mo, Gabe? 'Yan 'yong ipinalit mo sa akin? Wala ka naman nang mapapala riyan, e. Walang wala na 'yan! Dirty! Bitch! Bagay silang magsama ng kinababaliwan niya. Mukhang wala ring kwenta, e." Humalakhak siya nang sarkastiko.
Narinig ko ang mumunting tawanan ng ibang mga estudyante at totoong nagpanting ang tenga ko roon. Iniangat ko na ang aking ulo at malamig na tinitigan ang isip batang nasa harapan ko ngayon.
"Paano mo nasasabi ang mga ganiyang bagay sa harap ng maraming tao?"
"Bak–"
"Alam mo ba na ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong pinapakialaman ang walang kwenta kong buhay?"
ARIES.
Walang mababakas na kahit na anong emosyon ang kaniyang itsura. Malamig lahat. Boses, mata, maging ang kaniyang kilos. Akmang hahawakan ni Steph si Marley pero mabilis niyang pinalipad ang kamay nito at kinwelyuhan. "Mahabang pasensya ang inipon ko bago ako pumasok sa eskwelahang 'to."
Some students are on shocked. Ito 'yong unang pagkakataon na pinatulan niya si Steph.
"But you know what gets me so proud of you, baby girl?" Nginisian niya muna ito bago muling magsalita. "Inubos mo 'yong mahabang pasensyang inipon ko. Ubos na ubos na pasensya ko sa'yo!"
Binigyan niya ito ng isang malakas na suntok na ikinasigaw ng lahat. Mabilis na dumaloy ang dugo sa bibig ni Steph. Isang malakas na suntok ulit ang ginawa niya rito at buong pwersang tinadyakan. Tumama ang likod ni Steph sa pader na ikinahagulgol niya sa pag iyak. Akmang susugod ang ilang kaibigan ni Steph pero mabilis na nadampot ni Marley ang dalawang nangunguna at salitan itong binigyan ng malalakas na sapak.
Fuck! That's not Marley! It's Taylor.
Mabilis na nag-urungan ang iba. Muli niyang binalikan si Steph at itinayo ito. Isang malakas na sampal ang ibinigay nya rito at hinayaan nang matumba. Wala nang nagawa ang mga kaibigan ni Steph kundi ang humiyaw at mapaiyak dahil sa kalagayan ng kaibigan. Walang gustong lumapit sa kanila. Lahat ay kasalukuyang gulat sa pangyayari.
Lahat ay nakatingin sa kaniya habang palapit dito sa direksyon namin. Napabulyaw ang karamihan nang bigyan niya ng isang suntok si Gabe. Matapos niyang gawin 'yon ay kinwelyuhan niya ito at pwersahang binigyan ng halik.
"Ayan! Puwede mo nang ipagmalaki sa mga tropa mo na nahalikan mo na ako." Nakita kong namuo ang kaniyang luha sa gilid ng kaniyang mata. "Sa susunod na pagpupustahan niyo ako ng mga barkada mo sisiguraduhin mong hindi ko malalaman, ah. Pasalamat ka at mabait ako kaya nagawa pa kitang sakyan," galit na galit nitong sabi. Akmang aalis na siya pero bigla niyang sinapak ulit nang mas malakas si Gabe dahilan ng pagdugo ng labi nito.
"THAT'S HOW I ENDED UP A GAME!"
MARLEY.
I already ate by anger but I controlled myself to mauled them. Naiiyak ako sa galit. Muli kong pinunasan ang luhang kumakawala sa aking mga mata. Nasasaktan talaga ako sa tuwing pinag-uusapan ang sa amin ni Tom.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...