ARIES.
Naramdaman ko na may nakadantay at nakayakap sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at sinilip kung sino 'yong taong 'yon. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumayo.
"Ang sweet niyo ni Jack, ah infairness," natatawang sabi ni Marley habang nakatutok ang cellphone sa aming dalawa ni JD. Mukhang kanina pa 'yon nakatutok.
"Marley, itigil mo 'yan!" pagbabanta ko sa kaniya habang nakaduro pero patuloy lang siyang tumatawa. "Bakit ba katabi ako ng taong 'yan?" kunot noo kong tanong habang nakaturo kay JD.
"Lasing nga 'to. Pinapapwesto kita sa kabilang sofa pero pilit kang humiga diyan sa tabi ni Jack. Bading mode ka rin, e 'no!"
"Tarantado! Uuwi na ako. Nakakadiri 'yang kapatid mo. Kalalaking tao hilig mang-yakap!" Aalis na sana ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ko.
"Dito ka na muna. Wala ka bang hang-over?"
Tinitigan ko siya at tila biglang gumuhit ang isang ngisi sa aking labi. "Bakit ayaw mo 'kong paalisin?" tanong ko habang nakangisi pa rin.
"Edi umalis ka na! Bumili pa naman ako ng mami!" gigil niyang sabi habang tinutulak ako palayo.
"Teka! Eto na nga, e."
Tumigil kaming pareho at diretso akong tumingin sa mga mata niya ngunit napaiwas naman siya.
"Bakit ang sweet mo? Kagabi saka ngayon?" Automatic na yatang napapangisi ako kapag inaasar ko 'tong si Marley.
"Pakyu!" gigil niya pa ring sabi at nag walk-out na sa sobrang inis habang tawa naman ako nang tawa.
Nagdesisyon akong 'wag na munang umuwi dahil gusto kong tikman ang binili niyang mami. Sinundan ko siya sa kusina. Nakasimangot na kumakain ng mami.
"I'm back!"
Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Tumabi ako sa kaniya at inilagay ang isang supot ng mami sa mangkok.
"Napakakapal naman ng mukha mo!" sigaw niya sa akin.
"'Di ba binili mo 'to para sa ating tatlo nina JD?"
"Hinde!"
"Kanino? Para sa bebe mo? Kay Gabe? Mapapanis 'to kung sa monday mo pa ibibigay. Walang pasok ngayon," pang- aasar ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin at patuloy lang sa pagkain.
"Nakakaasar ka na, ah, Aries! Ano baaaaa? Hindi mo ako tatantanan do'n?"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at talagang humagalpak na ako ng tawa. Basta't si Gabe ang asarin mo talagang ang bilis maging kulay green, e.
"Okay, I'll stop. Kakain na ako rito nang matino."
"'Pag in-upload ko 'tong picture niyo ni Jack na magkayakap. Nako!"
Napabitaw ako sa kutsara at humarap sa kaniya. "Asaran tayo? Sige ikaw bahala, kaklase ko si Gabe. Nasa iisang school lang tayo. Sige Marley magdesisyon kang mabuti."
Bigla niya akong tinapunan ng tingin na nagmamakaawa na huwag kong gawin ang naiisip ko.
"Uuwi na talaga ako," sabi ko at tumayo na.
"Oks," walang gana niyang sagot.
"Salamat sa mami saka kagabi. Pakisabi na rin kay JD ang bading niya."
Nag hand-gesture lang siya ng OK habang kumakain.
"See you, bukas!"
Wala siyang sagot kaya nagpatuloy na akong lumabas. Ang moody, kagabi lang ay napakasweet sa akin.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...