Matapos ko siyang bugbugin dahil sa kamanyakan niya ay nagpaalam na siyang uuwi na. I asked him about the college night later if he'll attend pero mukhang hindi naman siya pupunta. Matik na kasi kapag ang sagot ay ewan.
It's already 4:30 PM. Nakagayak naman na ako. Hinihintay ko na lang si Jack magreply kung uuwi muna ba siya rito o susunod na lang siya sa school.
I am satisfied for today's look of mine. Bumabalik na 'yong sipag ko sa fashion at hotness dahil wala na akong iniindang sakit ng nakaraan.
Grabe pala talaga ang naging epekto sa akin ni Tom. Naging manang ako nang dahil sa kaniya. Napakaganda kong nilalang para maging manang. Ekis, nakakadiring pangyayari.
Panay ang sipat ko sa cellphone kung nag-reply na ba si Jack. My God, Jack, pagrereply na lang hindi mo pa magawa nang tama.
Bigla ay naging dismayado ako nang maalalang walang balak magpunta si Aries. I want to see him wearing a decent suit dahil uniform pa nga lang ang suot niya, sobrang pogi na, paano pa kaya kung nakapang-american suit na siya? Agh. Bakit ako ngumingiti mag-isa.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at nang tingnan ko 'yon ay tumatawag si Jack. Agad ko 'yong sinagot.
"Bob, susunod na lang ako," sabi niya sa kabilang linya. Pinatay ko rin agad dahil 'yon lang naman ang inaantay ko sa kaniya. Nag-grab na lang ako dahil hindi ko naman magagamit ang motor ko gayong naka-dress at heels ako. Napakasagwa namang tingnan no'n 'di ba?
"Napakaganda niyo naman ho, madam," sabi ni manong driver habang sinusulyapan ako ng tingin sa rear-view mirror.
"Alam ko po 'yon hehe," sagot ko at nag-peace sign sa kaniya.
"Ano ba'ng ganap ang pupuntahan mo, madam?"
"Wala naman po. Trip ko lang magmukhang tao ngayon."
"At masasabi kong hindi ka lang basta tao ngayon. Diwatang-diwata ka sa ganda at suot mo ngayon, madam." Boom. Panis kayo sa driver ko ngayon.
"May tip ka sa akin mamaya, sir," sabi ko at nag-thumbs up pa sa kaniya. Nang makarating sa kanto ng school ay agad kong iniabot ang bayad sa cool driver ko. "Oh, 'yan, sir. May bente pesos na tip na 'yan, ah para sa pambobola mo," maangas kong sabi habang nakangiti.
"Salamat, madam. Napakaganda mo talaga."
Kumaway na ako sa kaniya at nagsimulang maglakad patungo sa gate ng school.
Natigilan ako nang marinig ko na ang malakas na tugtog. Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko ngayon. Naka-off shoulder black knitted dress with slit ako ngayon. Four-inches heels. Naka-bun ang hair ko at may ilang buhok akong inilaglag sa magkabilaang gilid ng aking mukha. And lastly, ang girly kong tingnan ngayon dahil sa ganda ng mukha ko. Dumadagdag sa ganda ko ang three earrings na kumikinang sa kanang tainga ko.
Bigla akong nakaramdam ng hiya. Sa loob ng eskwelahan ay wala akong ipinapakitang kahit na anong feminine side. Maangas lang ang galaw ko at ayaw na ayaw kong may mababakas na pagkababae sa aking itsura. Hindi ako nagme-make up. Bihira lang ako maglipstick. Hindi rin ako nagsusuot ng heels dahil usually rubber shoes ang itineterno ko sa uniform namin. Oh God. Itutuloy ko pa ba 'to? Nakakahiya.
"Hey."
Natauhan ako nang may magsalita sa likuran ko. Hindi ko siya nililingon dahil hiyang hiya talaga ako sa outfit ko ngayon.
"Why are you just staring right here? Go inside. This is our night."
Hindi ko mapagdesisyunan kung haharap ba ako sa kaniya. Pamilyar ang boses ng taong 'to.
"Hey girl."
Hinawi niya ang kaliwang balikat ko paharap sa kaniya at kitang kita ko ang paglaki ng kaniyang mata.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...