MARLEY
"Sa'n punta, Bob?" Kunot-noong tanong ni Kuya JD nang maabutan akong nakabihis.
"Uhm.."
Hindi ko puwedeng sabihin na pupunta ako sa birthday ng anak ni Tom dahil paniguradong magagalit ito sa akin.
"Marley?"
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Doon ay bumungad sa akin ang poging-pogi na si Aries. He's wearing an american suit and his piercing that keeps shining makes him coolest.
Nang makita ni Kuya JD ay napahawak ito sa kaniyang baba habang hinihimas ito. "Ah, may date?" pang-aasar nito.
"Hindi, pupu-"
"Oo, magde-date kami. Mauuna na kami, Kuya," sabi ko at hinila na si Aries palabas.
"Ingat kayo!" sigaw pa ni Kuya JD.
"Teka, Marley. Akala ko ba pupunta ta-"
"Kapag nalaman ni kuya 'yon hindi ako papayagan no'n. Iisipin na naman niya na baka baliw pa rin ako kay Tom. Baka 'yon na naman ang maging dahilan para magkagalit kami ulit."
Tumango-tango lang siya. "Ba't ganiyan 'yang suot mo?" Kunot-noo nitong tanong habang pinapasadahan ng tingin ang outfit ko.
"Why not?"
I am wearing a Knitted sleeveless dress na kulay Maroon. Perfect for my skin tone dahil mas lalong nakakalinis tingnan.
"Masyadong bukas na bukas!" inis niyang sabi, magkasalubong na ang mga kilay.
Napayuko na lang ako. Maya-maya ay kinuha niya ang kamay ko at ipinagsalikop ang mga daliri namin. Palihim akong napangiti.
Nakarating kami sa venue ng 7:30 PM. Agad kong kinawayan si Shein nang madaanan kami nito.
"Oh, Marley, right?" sabi nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako roon. "Napakaganda mo naman. Parang bigla akong nahiya," sabi niya habang nakangiti.
She's pretty too. Nagbeso kami at pinaalam ko rin sa kaniya na kasama ko si Aries. Binigyan niya kami ni Aries ng mauupuan.
Napaka-bongga ng celebration. Ang daming tao at ang ganda ng venue. May mini stage sa gitna at may sofa na pag-uupuan ng celebrant and her parents also.
"And now... let us all welcome the celebrant and her parents. Mrs. Shein and Mr. Tom Corpuz with their birthday daughter... Amara Corpuz!"
Nagpalakpakan ang lahat nang lumabas na ang isang pamilya. They really have a beautiful genes.
"I am so happy for them," mahina kong sambit habang mabagal na pumapalakpak.
"I am so happy for you," sambit ni Aries. Nilingon ko siya at nakita kong mukhang kanina pa siya titig na titig sa akin habang suot ang pinakatotoong ngiti nito. Ang gwapo.
"W-why for me?" utal kong tanong.
"I totally saw the acceptance. You're now you, Marley," He said. I smiled genuinely and hold his hand.
"It is all because of you. Wala na siya rito," sabi ko at tinuro ang puso. "You replace him. Ikaw na ang sinisigaw nito, Aries."
Finally, nasabi ko na. Wala nang tinik sa dibdib ko. Naamin ko na at masayang masaya ako.
He hold my hand and kissed it while his eyes are closed. "You're mine, Marley. Just be mine no matter what happens."
"I am yours already. Always be yours!"
Should I consider it as we're finally on? Finally in a relationship? Tama ba 'yong ganito? No magical words? Just a sweet words?
"Ayos lang ba kayo diyan?" tanong ni Tom na ngayo'y kasama ang kaniyang asawa. Tumabi sa akin si Shein habang si Tom ay tumabi kay Aries.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...