Chapter 4: Trouble

36 8 0
                                    

"Marley!" rinig kong tawag mula sa likuran ko. Hindi ako lumingon at binilisan na lang ang paglalakad dahil alam ko na kung sino 'yon. Naramdaman kong tumatakbo siya kaya't mas tinriple ko ang bilis ng paglalakad kaso naabutan niya pa rin ako. Inakbayan niya ako at saka siya tumigil. Naghahabol siya ng hininga. Sana hindi na niya mahabol. "Ang bilis mo namang maglakad," hinihingal niyang sabi habang nakahawak sa kaniyang dibdib. "May gusto lang akong sabihin sa'yo," dagdag pa nito.

"Ano 'yon?" tanong ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Nagkukunwari akong may hinahagilap sa bag ko.

Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko at iniharap ako sa kaniya. "I just want you to be with me tonight. Let's have a dinner date, 7 p.m. at Kraka's Restaurant."

Mag-wa-wave na sana siya pero hinila ko ang laylayan ng uniform niya. "Pumayag ba ako?"

Ngumisi siya sa akin. "That's my order at hindi mo 'yon pwedeng tanggihan. At isa pa, may kasalanan ka sa akin noong nakaraan, kinakausap kita pero sinabihan mo lang ako ng shit," paliwanag nito at saka nag-wave, kinindatan pa ako. Napailing na lang ako sa mga katarantaduhan niya.

Alas-sais nang mag-gayak ako para sa date na sinasabi niya. I guess, I should ride on their trip. Nagsuot ako ng t-shirt, pantalon at converse na sapatos. Oh 'di ba cool? Ginamit ko na rin ang motor ko para mabilis na makapunta sa Kraka's Restaurant.

Agad ko naman siyang nakita na nakatalikod. Gusto kong matawa dahil pormadong-pormado siya. He is wearing an american suit. Bumaba na ako sa motor at ipinarada sa gilid. "I'm here," sambit ko.

Agad siyang lumingon nang may ngiti ngunit nawala rin agad nang makita niya ang porma ko. "A-ano 'yan, Marley?" tanong niya, dismayado ang tono ng pananalita at kunot na kunot ang noo na tila naiirita sa kaniyang nakikita.

"Ano'ng ano? May mali ba?" Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko.

Napasapo siya sa kaniyang noo. "Nasa mamahaling restaurant tayo, look..." Iminuwestra niya sa akin ang loob ng restaurant. "Lahat ng babae ay nakasuot ng dress. You should be too," dagdag pa nito. Kita ko pa rin ang pagkadismaya sa kaniyang mukha, ganoon din ang kaniyang boses.

"Ikinakahiya mo ba ako?"

"Hindi naman sa ganoon."

"Feeling ko gano'n, e."

"Dapat man lang kasi ay ginandahan mo ang suot mo. Alam mong restaurant ang pupuntahan natin hindi.." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi, nevermind. Mas maganda kung huwag na lang natin itong ituloy. Umuwi ka na at uuwi na lang din ako, bye." Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot ito.

Napailing na lang ako habang natatawa. "One-Zero," bulong ko sa sarili habang pinapaikot sa daliri ang susi ng motor.

Pagkasakay ko sa motor ay may naramdaman akong umangkas sa likuran ko, dahilan upang mapalingon ako. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Pasabay lang. Galing ako sa Kraka Bistro. Good timing din ang pagkikita natin ngayon. Pauwi ka naman na yata, 'di ba? Ako rin kasi, e, tara na," tuluy-tuloy niyang sabi.

"Bumaba ka! Hindi pa ako uuwi kaya maglakad ka!"

"E 'di ihatid mo na lang ako. Ituturo ko 'yong way kung saan ako nakatira, dali na." Sa tingin ko ay may tama na ito dahil mapungay na ang kaniyang mga mata at tono ng lasing ang kaniyang pananalita.

"Ayoko! Bumaba ka! Hindi ko paaandarin 'to."

Naramdaman kong ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko kaya't para akong may stiffneck na hindi makalingon sa kaniya. "One wrong move, Marley," malambing nitong sabi. Ramdam ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking leeg.

"Hindi ako gagalaw."

"Drive or else kakagatin ko ang leeg mo."

What the fuck! Ganoon ba ang tama ng alak sa kaniya?

"Ah, ayaw mo."

Bago pa niya subukan ang kaniyang pakay ay mabilis ko nang naiandar ang motor. Itinuturo niya sa akin ang daan at ako namang uto-uto ay sumusunod lang dahil ganoon pa rin ang posisyon niya.

Bigla ay may malakas na bagay ang tumama sa helmet na suot ko. Hininto ko ang pagpapaandar at bumaba muna sa motor. "Nakita mo ba kung sino'ng bumato?" tanong ko kay Aries. Nagkibit balikat lang siya habang papikit-pikit ang mata. Wala talagang kwenta.

May nahagip ang mata ko na isang lalaki 'di kalayuan sa kinatatayuan ko, at sa tingin ko ay siya ang bumato sa helmet ko. "Ikaw ba ang bumato nito?" Ipinakita ko sa kaniya ang batong tumama sa helmet ko.

"Oo, bakit may reklamo ka?" maangas nitong sabi.

Ipinakita ko sa kaniya ang helmet kong nabasag. "Nabasag dahil natamaan ng batong ibinato mo. Bayaran mo!"

Tinawanan niya lang ako nang malakas. Ganoon din ang apat na lalaking nasa gilid. Batid kong kainuman niya ang mga ito. "Kaya ko nga binato 'yang helmet mo ay para makuha ang atensyon mo. Mukha ka kasing mayaman at ang gusto lang namin ay mabahagian kami kahit isang bote lang."

"Iinom inom kayo tapos wala kayong pera? E, mga gago pala kayo, e. Mga tambay na nga lang kayo ang lakas niyo pang manghuthut ng pera!"

"Aba matapang ang isang 'to, mga p're." Pinasadahan niya ng tingin ang mga kasama niya at tinawanan lang siya ng mga ito. "Sige huwag mo na kaming bigyan ng isang bote," sabi nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw na lang, kahit isang gabi lang," dagdag pa nito habang dumidila-dila.

Hindi na ako nakapagpigil kaya't sinapak ko na agad. Umamba siya ng suntok pero biglang humarang si Aries sa harapan ko at pinigilan niya ang suntok na 'yon.

"Nandito pala 'yong boypren, e." Tumatawa tawa pa ito habang nakatingin kay Aries. "Ang tapang ng gerlpren mo, e, 'no? Pwede bang ipahiram mo muna siya sa amin kahit ngayong gabi lang? Oh, baka naman magdadamot ka p–"

Nagulat ako nang sapakin niya ito nang sobrang lakas, nakahalik na ito ngayon sa semento. Agad namang sumugod 'yong apat na lalaki kaya't kumilos ako para tulungan siyang mapatumba ang mga ito. Ngunit agad din akong nasapak ng isa. Maya-maya pa ay naglabas ito ng patalim, bago pa niya maitarak sa akin ang kutsilyo ay malakas na suntok ang inabot niya kay Aries dahilan upang siya ay matumba.

Nakita kong may tumatakbo sa likuran ni Aries at may hawak rin itong patalim. Kinuha ko na agad ang kutsilyo ng lalaking pinatumba ni Aries at pinalipad ko roon sa lalaking tumatakbo. Sapul siya sa balikat. Nabugbog na namin ang lahat at kasalukuyan silang nakahandusay sa semento.

Naestatwa ako nang makita ang isang batalyong kalalakihan na may mga bitbit na patalim at tumatakbo patungo sa amin. Bigla kong naramdaman ang paghila ni Aries sa braso ko at saka kami tumakbo patungo sa motor ko.

"Humawak ka!"

Ipinulupot niya ang mga kamay ko sa kaniyang bewang. Damn! I am now hugging him. Halos subsob na ako sa kaniyang likuran dahil sobrang bilis ng pagpapaandar niya sa motor.

"Teka, bakit ba ikaw ang nagpapandar ng motor ko?"

Hindi nya ako sinagot. Ilang sandali lang ay huminto kami sa isang village at saka siya bumaba sa motor. Matalim niya akong tiningnan at saka siya nagsalita. "You we're in trouble just because of that fucking helmet! Dapat kasi hinayaan mo na lang, e."

"Bakit mo pa kasi pinatulan? Ako ang kaaway tapos bigla-bigla kang susulpot."

Bigla ay sinipa niya ang bato sa kaniyang gilid. "Binabastos ka nila at nag-init ang ulo ko roon!" Natigilan ako at napatitig sa kaniya na kasalukuyang nakatingin sa kawalan. "Sige na umuwi ka na," mahinahon niyang sabi at saka nagpatuloy nang maglakad papasok sa loob.

Umuwi na rin ako kaagad dahil inaantok na ako. Sana bukas ay maging maayos naman ang araw ko.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon