Nakalabas na ako sa ospital. One week lang akong na-confine, at sa one week na 'yon ay walang palya ang pag-aalaga sa akin nina Jack at Aries. Solid talaga dahil natutunan ko na ang ngumiti nang totoo dahil sa kanila. It's getting fine to be with them each and every day.
Pagpasok sa room ay agad na pinalibutan ako nina Iris, Amber at Dasha.
"Bakit isang linggo kang wala?" tanong ni Dasha.
"Namiss ka namin. Ano ba'ng nangyari sa'yo?" tanong naman ni Amber.
"Nagkasakit ka ba?" tanong ni Iris. Napabuntong hininga ako sa sunud- sunod nilang tanong. They're really acting like a friends of mine.
"Napasarap kasi ang tulog ko kaya ayon inabot ng isang linggo," tamad kong sagot. Gulat silang nagtinginang tatlo at muling ibinaling ang tingin sa akin.
"Talaga? Siguro masarap matulog sa kwarto mo," manghang sabi ni Iris. "Dalhin mo naman kami minsan doon. Gusto ko ring matulog ng isang linggo," dagdag niya pa.
"Ako rin!" sambit ni Dasha habang tumatalon-talon pa. Napangiwi na lang ako dahil talagang naniwala sila. Utak nitong mga ito siguro pahalang.
Walang gana akong nagpapahila sa tatlo papunta sa canteen. Gusto raw nila akong makasabay kumain. Ililibre daw nila ako basta sumabay lang ako. Artista ba ako sa part na 'yan?
Pinag-gigitnaan kami ngayon ng table ng grupo nina Steph at Gabe. Sa kanang bahagi ang table nina Gabe at sa kaliwang bahagi naman ang table nina Steph. Kita ko sa aking peripheral vision ang tingin sa akin ni Gabe, ganoon din si Steph pero hindi ko na lang pinansin.
Napatingin ako sa entrance ng canteen at nagtama ang paningin namin ni Aries. May kasama siyang dalawang lalaki. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo upang um-order ng isa pang box ng pizza. Hindi ako kuntento sa isa.
Pabalik na ako sa table nang bigla akong bulungan ni Aries. "So, may mga kaibigan ka na pala," tugon niya habang nakangiti nang nakakaloko. Hinihimas himas pa ang baba. Kita ko ang tingin nina Gabe at Steph sa amin maging 'yong tatlong kasama ko.
"Magkakilala pala kayo," sabi ng isang lalaking kasama niya. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtungo sa pwesto upang ipagpatuloy ang pagkain kaso 'yong tatlo ay kinukulit din ako.
"Close ba kayo no'n? Ang gwapo no'n. Ipakilala mo naman kami, Marley."
"Siya ang MVP noong nag-champion ang IT 'di ba? Paano kayo nagkakilala?"
"Noong natumba kayong pareho, akala namin ay hindi kayo magkakilala pero kinilig ako ro'n, Marley."
Hindi ko sila pinapansin. Patuloy lang ako sa pagkain ng pizza. Wala silang alam na magkakilala kami ni Aries dahil sa rooftop lang kami laging nagkakakitaan. First time kong kumain sa canteen na ito at hindi ko naman inaasahang magkikita kami ni Aries.
"Pwede ba kaming makiupo?"
Nanliit ang mga mata ko nang makitang isa sa mga kasama ni Aries ang nagsalita.
"Sure," sabay-sabay na sabi ng tatlo.
Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Muli akong tumayo para bumili ng tubig. Nakasabay ko pa sa counter si Gabe.
"Here. Take it." Inabot niya ang isang bote ng tubig sa akin. "Kanina pa kita pinagmamasdan. Grabe ka pala kumain ng pizza. Bayad na 'yan," dagdag pa niya. Inabot ko na lang at saka lumabas na ng canteen. Narinig ko pang tinawag ako ng tatlo pero hindi ko na lang sila pinansin.
Fresh na fresh ang hanging sumasalpok sa mukha ko. Wala na talagang ibang masarap pagtambayan kundi sa rooftop. Totoong nakakaganda ng mood. Ngunit biglang pumangit ang ihip ng hangin nang bigla akong makarinig ng yabag paakyat dito.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AzioneTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...