"Oh, badtrip ka?" tanong ni Aries na ngayo'y nakangisi na sa harapan ko.
"Bakit ba parati mo akong ipinipilit kay Gabe?!" inis kong tanong.
Ngumisi siya. "Come on, Marley halata namang pinopormahan ka ng tao. May gusto siya sa'yo."
Nagsindi siya ng yosi, inabutan niya ako ng isa pero tinanggihan ko lang 'yon at seryosong tumingin sa kaniya. "Akala ko ba tutulungan mo akong mag move-on?"
"Tinutulungan naman kita, ah. Actually, I'm glad na nakikita ko nang ngumi–"
"Ayokong ma-attach sa isang tao. Ayoko munang pumasok sa isang relasyon. The more na pinagtutulakan niyo siya sa akin, the more na nabibigyan siya ng pag-asa to approach me."
"Natatakot ka ba na baka one day mahulog ka? Gano'n ba 'yon, Marley?"
"No! Ayoko lang na pinagtutulakan ako sa isang tao. Sounds like a hopeless romantic!" gigil kong tugon at saka sumibat na.
Malayo pa lang ay rinig ko nang may nag-ra-rap sa bahay. Napaisip ako kung ano ba'ng okasyon ang meron ngayon at nag-gagaganyan si Jack Daniel. Yes, its him. Alam ko ang boses niya sa tuwing nag-ra-rap. I let myself in to our house at nadatnan ko ang mga tropa roon ni Jack na nag-iinuman.
"Asan si Aries?" Kunot noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko siya magets.
"Bakit sa akin mo 'yon hinahanap?"
"Ang sabi ko sa kaniya magsabay kayo umuwi dahil in-invite ko siya rito."
"Bakit ano ba'ng meron, Jack, ha? Hindi ko talaga maintindihan, e, bakit nagdala ka ng mga barkada dito? Can you pl–"
"Talaga bang binura mo na ako sa buhay mo? My God, Bob, It's my birthday!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya habang siya'y umiiling iling. "Shit, I'm sorry," sambit ko habang niyuyugyog ang kaniyang braso dahil mukhang nagtampo. Umupo ako sa tabi niya at pinaulanan siya ng bati. Mukhang nakumbinsi ko naman na siya dahil pinahiran na niya ako ng cake sa pisngi.
"Thank you, Bob!" I hug him. Fuck ang corny ko ba? Namiss ko 'to sobra.
"Marley? Ikaw na ba ulit 'yan? Are you okay now?" Pinasadahan ko ng tingin ang apat na lalaking tropa ni Jack. Sina Tyler, Ash, Matt at Bryle. Mga naging kuya ko sa pag-ra-rap. Sobrang namiss ko ito. Lumapit ako sa kanila at nag-group hug kami.
"I miss you all mga kuys!" hiyaw ko sa kanila habang nakayakap.
They knew about me, na baliw ako dati sa isang lalaki. Hindi nila ako pinakialaman dahil si Jack nga na kapatid ko ay hindi ako napigilan sa kagaguhan ko. They always respect my own decision whether it is good or bad for me.
"Let's rap!"
Nagsimula kaming kantahin ang unang piyesa na ginawa namin. Magkakagrupo kami dati sa pag-ra-rap. Damn, I missed this. I still love to do this thing. This is a genuine happiness. Nararamdaman ko nang muli ang totoong saya.
Natigilan kaming lahat nang may biglang pumasok sa loob ng bahay. It's him.
"Akala ko hindi ka na pupunta, e." Sinalubong siya ni Jack at iniharap sa mga tropa niya. "Si Aries. Kaibigan namin ni Marley," pagpapakilala ni Kuya JD sa mga tropa. Matapos niyang ipakilala ay pinaupo na niya ito sa tabi ko.
"Sabi ko magsabay kayo ni Marley, e," wika ni Kuya JD at saka tumungga ng alak.
"Iniwan ako ng kapatid mo, e," sagot ni Aries. Tiningnan ko siya nang masama at umirap. Sumbungero yarn?
"That's good, Marley meron ka ng kaibigang lalaki," nakangising tugon ni Ash.
"Is that really a friend, only?" nakangisi ring tanong ni Bryle. Napakagat labi ako dahil nagsisimula na naman akong mahiya.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...