It's our last day of semester at papasok na ulit ako ngayon. Papunta pa lang ako sa school at alam kong late na ako kahit anong bilis ng pagpapatakbo ko sa motor.
Chill lang akong naglalakad patungo sa building ng Business Administration. Ayaw ko nang magmadali dahil ganoon din naman. Late na late na.
Tila naestatwa ako nang makita kong nakatambay si Aries sa Main Entrance ng building namin. Parang ayaw ko nang tumuloy papunta roon. Biglang nagtama ang paningin namin kaya't dali-dali akong naglakad patungo sa rooftop.
Ilang minuto lang ang lumipas nang maramdaman ko ang kaniyang presensya. Tila bumalik sa akin lahat ng sakit magmula noong una. Noong hindi pa siya ang dahilan at ngayong siya na ang dahilan.
"Naguguluhan na ako kung bakit ka nagkakaganiyan," malambing niyang tugon.
Halos manginig ako nang yakapin niya ako mula sa likod. Kasabay nito ay ang balde-baldeng luhang kumawala sa aking mga mata. Parang gripo na ayaw tumigil. Nag-uumapaw sa sakit. Pinararamdam na naman niya sa akin ang gulo.
"Tell me kung ano'ng problema mo. Kung bakit mo ako biglang iniwasan. Bakit bigla kang nanla–"
"Mahal kita, Aries. Mahal na mahal na kita!" I confessed. Finally! But the tears still falling as if it's a waterfalls. Humarap ako sa kaniya kahit basang basa na ng luha ang aking mukha. "Now, tell me. Pareho naman tayo ng nararamdaman sa isa't-isa 'di ba? Mahal mo rin naman ako 'di ba?" Thanks God for giving me guts to confessed.
Matagal. Sobrang tagal. Nakayuko na lang siya dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Naghihintay ako sa magandang isasagot niya ngunit mukhang wala siyang gustong sabihin.
"Finally, you answered it well," basag na basag na ang boses ko.
Tumango-tango na lang ako habang patuloy na nagsisibagsakan ang aking mga luha. It was the moment that being silent means no.
Unti-unti ko siyang pinalayo sa akin at nang magkaroon na kami ng distansya sa isa't isa ay biglaan na akong humagulgol sa pag-iyak.
I can't accept though I'm ready. Ang sakit pala talaga kapag pinaramdam na niya mismo. I cry and cry and fucking cry. Gusto kong ubusin ang lahat ng luha ko para lang iparamdam sa kaniya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
"Marl–"
"Sshhh!"
I halted him. I'm still crying habang nakatitig sa kaniya. Gusto kong magwala. Gusto kong ipakita sa kaniya 'yong sakit na nararamdaman ko.
"All this time, laro lang lahat 'to? Pinaglalaruan mo lang din ako katulad ng pinaggagagawa nila?" mahinahon ngunit may diin kong sabi sa kaniya. Lumapit ako nang husto sa kaniya. "Akala ko ba iba ka, Aries, ha? Akala ko ba iba ka sa kanila?!" hiyaw ko at tinulak siya't pinagsasampal, dinamba sa dibdib at kung anu-ano pang pananakit. I want to mauled him. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sakit, Physically! Galit na galit ako!
"Umaasa ako araw-araw na pareho tayo ng nararamdaman dahil 'yon ang pinaparamdam mo sa 'kin, na kahit hindi mo sinasabing mahal mo ako, alam ko, alam namin na ganoon ang nararamdaman mo!" I exclaimed while tears continue to burst out.
Luminga-linga ako sa paligid at buong pwersa ko siyang tinulak but then napigilan niya pa ring ma-out of balance.
"Pinaikot mo ako, e. Pinaniwala mo ako sa mga kilos mo. Ang hilig mo akong angkinin sa lahat. Ang hilig mong umasta na iyong-iyo ako, na hindi ako puwede sa iba kasi sa'yo lang dapat ako."
I wiped my tears at tumingala sa itaas upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang bumagsak ngunit traydor pa rin ang mga ito.
"Ang galing galing mo, e 'no? Kaya mong iparamdam sa akin na mahal mo ako and at the same time kaya mo ring iparamdam na bandang huli hindi ako ang pipiliin mo," pahayag ko gamit ang namamaos na boses. Tumigil ako sa pagsasalita at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...