Chapter 23: Circle of Friends

12 2 0
                                    

MARLEY

"Mag-iingat kayo parati, ha. Alagaan ninyo ang isa't isa," pahayag ni Mommy habang lumuluha.

"Basta't araw-araw kayong mangungumusta, mga anak. Mahal na mahal namin kayo ng Mommy ninyo kaya namin ginagawa ito. Parati ninyong tatandaan 'yon, ah," dagdag naman ni Daddy. Tumango kami ni Jack at niyakap na silang dalawa.

We waved to each other at nagsimula na silang maglakad. Mabilis akong tumalikod at doon nagbagsakan ang mga luhang kaninang kanina pa gustong lumabas.

"Bob," sambit ni Jack.

Mabilis kong iniangat ang ulo ko upang mapigilan sa pagbagsak ang mga luha. "Matagal na naman bago sila makauwi 'no?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Sa halip ay binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Ang mahalaga babalik sila, Marley. Mahal tayo nina Mommy at Daddy, ha?" Ngumiti siya sa akin habang tinatapik ang balikat ko.

Three days lang naming nakasama sina Mom at Dad. Masayang masaya ako sa panahong iyon. Naramdaman ko ang kumpletong pamilya at mangyayari ulit 'yon. Hihintayin kong muli ang pagbabalik ninyo, Mom and Dad.

"We're here," nakangiting tugon ni Jack sa akin.

Tinanggal ko na ang seatbelt at binuksan ang pinto. "Ingat, kuya!" sambit ko at sinara na ang pinto.

"Don't cry, Bob!" sigaw nito habang nakadungaw sa kaniyang windshield. Ngumiti ako sa kaniya at tumango tango. Pumasok na rin ako sa loob.

"Bakit ngayon lang ang magandang binibini na 'yan? Tatlong araw ka na ngang wala tapos ngayon late ka pa."

Napabuntong hininga ako nang makita ko na naman sa harapan ko ang lalaking patay na patay sa akin. Charot.

"None of your business, Gabe," walang gana kong sabi at muling naglakad ngunit humarang siya sa dinaraanan ko.

"Saktong sakto ang pasok mo, lunch na. Kain muna tayo, tara!" Hinila niya ako papunta sa canteen at um-order siya ng pagkain. Iniikot-ikot ko lang sa tinidor ang in-order niyang carbonara para sa akin.

"Himala yata, wala kang gana kumain," pang-aasar ni Gabe. Inirapan ko lang siya at isinubo na ang carbonarang nakapulupot sa tinidor. Mabilis kong naubos iyon. "Joke lang pala 'yong wala kang gana," sabi ni Gabe na ikinatawa ko nang mahina.

Napatingin ako sa entrance nang sabay-sabay na pumasok ang grupo nina Gabe, Steph at Aries? Or should I say, grupo namin?

"Oh My God, Marley!" hiyaw ni Iris at saka niyakap ang ulo ko. "Bakit wala ka ng tatlong araw? Tapos ngayon late ka pa! Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Nakakainis ka naman, e. Miss na miss ka na kaya namin," dagdag pa niya na ikinangiwi ko. Napakasarap tapalan ng bibig nito. Ubod ng ingay.

Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil nakakahiya naman sa mga tropa ni Gabe. Lumipat ako sa mismong pwesto namin. Nahuli kong napatingin si Gabe sa ginawa ko kaya't ngumiti na lang siya nang pilit. Nakakaawa nilibre na nga ako inalisan ko pa.

"Marley, alam mo bang napakatahimik ng buhay ko noong wala ka. Sana always," malanding tugon ni Steph.

"Hayaan mo guguluhin ulit natin 'yan," nakangiti kong sabi na ikinairap nito. Um-order naman na ang mga kasama ko ng kani-kanilang pagkain.

"Hindi ka kakain?" tanong ni Dasha.

Umiling ako. "Kumain na kami kanina ni Gabe," sagot ko.

"Yiee, ikaw ah!" Napaurong ako nang sundutin ni Amber ang tagiliran ko.

"So, bakit ka nga wala ng tatlong araw?" tanong ni Klay habang sumusubo ng palabok. Lahat sila ay inaabangan ang sagot ko. Ganoon ba ako ka-importante sa kanila?

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon