Chapter 39: JD and Iris

6 2 0
                                    

"Pa-hits naman." Akmang kukunin ko na ang yosi pero mabilis niya 'yong naitapon at saka tinapak-tapakan. Napanguso na lang ako.

"Wala ka nang ibang kaaadikan kundi ang halik ko lang, Marley."

Bigla ay isinandal niya ako sa railings ng rooftop. Mabilis niyang hinawakan ang mukha ko palapit sa kaniya at agresibo akong hinalikan. Napahawak pa ako sa railings dahil masyadong mariin ang kaniyang halik.

Siksikan kami ngayon dito sa hallway na pinaglalagyan ng Bulletin Board. Sinisipat namin ang mga pangalan ng Dean's Lister kahit pa alam kong wala ako roon.

"Evans, Aries! OMG," hiyaw ni Iris kaya't mabilis kaming tumingin sa kaniyang direksyon at sinipat ang kaniyang itinuturo.

"Whoa. 6th Place, Aries. Congrats!" galak na sabi ni Aki at hinimas-himas pa ang balikat nito.

"Overall Top 6 Dean's Lister. Ebarg naman yon! Aries lang sakalam!" pagmamayabang ni Klay at finlex pa ang muscle nito at saka nakipag-apiran kay Aries.

"I am top 10!" sabi ni Dasha at tinuktukan pa ang board. Naitaas pa nito ang dalawang kamay sa sobrang tuwa. Dinamayan naman siya ng boyfriend niya na magsaya.

"Sana all nandiyan ang pangalan," tugon ni Amber na ikinatawa ko nang bahagya.

"Top 12 and I am so proud," sabi naman ni Steph at nag-selfie pa kasama ang bulletin board. "Ikaw, Marls? nahanap mo ba ang name mo diyan?" sarkastiko nitong tanong.

"Hindi, pero meron akong natanggap na best award."

"At ano naman 'yon?" tanong nito habang nakairap.

"Pinaka-mahusay na nambugbog sa'yo."

Agad namang umalingawngaw ang halakhakan ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Napairap na lang siya at umalis na.

Sabay-sabay pa rin kaming kumakain sa cafeteria pero wala pa sina Aries. Apat pa lang kami sa pwesto.

"I am just so excited to get my reward from Dad," ani Dasha na nakapangalumbaba pa habang kumakain ng fries.

"Baka naman pasabit sa reward mo na 'yan."

"'Matic naman 'yan."

Maya-maya'y bumukas ang pinto at bumungad roon ang grupo ni Gabe at Aries. Nangunot ang noo ko nang makita kong may kausap siyang babae at mukhang kasama niya ito papunta rito sa pwesto. Hindi nga ako nagkamali.

"Guys, si Abi," pagpapakilala ni Aries. "Bago lang siya rito, kaklase namin. Simula ngayon sa atin na siya sasabay kumain."

Isa-isa niya ring pinakilala sina Iris, Amber at Dasha kay Abi. Sumunod naman ay ako.

"She's Marley. Girlfriend ko."

Nakita ko naman kung paano siya nagulat mula sa pagkakasabi ni Aries.

"M-may girlfriend ka na pala?"

Tumango si Aries at ngumiti. Umupo na siya sa tabi ko habang si Abi naman ay humugot ng isang upuan sa kabila at itinabi ito kay Aries.

Nagsimula na kaming kumain ngunit itong Abi na 'to ubod ng daldal. Sobrang daming ebas. Panay kwento kay Aries kahit hindi naman interesado 'yong tao. Panay na lang ang kain ko dahil mukhang makakaistorbo ako sa kuwentuhan ng dalawa kung makikisali ako.

Padabog kong ibinagsak ang basong pinag-inuman ko at saka tumayo. "Balik na ako sa room," paalam ko at saka umalis ng canteen.

Tahimik lang ang tatlo dahil alam nilang wala ako sa mood. Gusto kong matawa dahil lagi silang rumerespeto kapag tinatamaan ako ng bad mood.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon