ARIES.
Bago pumasok ay nagyosi muna ako. Bigla ay napansin ko ang isang pamilyar na babaeng naglalakad habang humihithit din ng yosi. Nakangisi akong humarang sa dinaraanan niya. "Congrats!" bati ko sa kaniya. Imbis na sagutin ay nginisian niya rin ako at binugahan ng usok, tapos ay nilampasan ako. Sumunod lang ako sa kaniyang likuran. "Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan?" tanong ko na nakapagpatigil sa kaniya."Bakit naman? Para saan?" Nakakunot na ang kaniyang noo hudyat na naiinis na ito.
Hinithit ko sa huling pagkakataon ang yosi ko at itinapon na ito. "Come on Marley, stop being pretentious. You won because I motivated you!" nakangisi kong sabi.
"Talaga ba?" sarkastiko niyang tanong at muli na naman akong tinalikuran pero hindi ko siya tinigilan sa pagsunod.
"Oo! Hindi lalabas 'yang lakas mo kung hindi kita binigyan ng motibo para lumakas. Marley, you have to accept that you won because I mot–"
"I won because I am strong!" ma-awtoridad niyang sabi. Nakakagulat ang biglaan niyang paglingon. Tinitigan niya ako nang matalim at binugahan ng usok tapos ay itinapon niya sa direksyon ko. Pumasok na siya sa loob, sumunod na lang din ako habang umiiling-iling.
MARLEY.
Pagkatapos ng klase ay nagtungo muna ako sa kung saan-saan. Tumambay ako sa Gym kahit boring. Kumain ako kahit hindi ako nagugutom. Ayaw ko muna kasing magpunta sa rooftop dahil malamang ay nandoon si Aries.Nang maghapon ay napagpasyahan ko nang magpunta sa rooftop dahil baka wala na roon si Aries, pero nandito siya. Anak ng tupa nandito pa rin pala siya.
"Kanina pa kita hinihintay. Bakit ba ang tagal mo? Siguro iniisip mong makikipagtalo pa rin ako sa iyo, 'no?" Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang kausap niya. Nagyoyosi siya.
"Kung ganoon, ano'ng rason kung bakit mo ako hinihintay?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya't napaurong ako nang kaunti. "Wala lang. Hindi na kasi ako sanay na nag-iisa ako rito. Gusto mo ba ng yosi? Oh."
Hindi pa man ako sumasagot ay agad na niya akong inabutan ng isang stick, tinanggap ko na lang. Sandali kaming natahimik. Tanging paghithit at pagbuga lang ng yosi ang naging ingay sa pagitan naming dalawa.
"Bakit ka nga pala nasa TGroundz? Mukha ka namang mayaman, so, I guess hindi dahil sa pera."
Napangisi ako sa sinabi niya. A bitter smirk. "Mayaman ako sa sama ng loob. Doon ko inilalabas sa TGroundz, sa kalaban, kaya madalas ang panalo," mahinahon kong sabi at muling humithit ng yosi.
Narinig ko ang bahagya niyang tawa. "Mukha ka ngang maraming hinanakit," he commented.
"Ikaw ba? Mukhang mas marami ang iyo dahil dalawang taon ka nang nakikipag-banatan."
"Labasan lang din ng sama ng loob. Ang lala ng pag-ikot ng mundo, 'no? Sa atin yata binagsak 'yong masakit na parte." Humarap siya sa akin nang nakangiti ngunit bakas pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Naglalabanan kami ng tingin ngayon na tila inaalam ang nararamdaman ng bawat isa. Una na akong nagpaalam na uuwi na. Gabi na rin kasi at gusto ko nang magpahinga.
ARIES.
Wala pa ang Professor namin kaya't itong si Gabe ay panay ang sermon sa mga ka-team niya sa Basketball. Captain Ball sya ng I.T Department. Next week na ang Intrams. Hindi ko maikakailang magaling siyang mag-basketball pero mas magaling pa rin ako. Kinalimutan ko na ang lahat. Nawalan na ako ng gana sa lahat ng dati kong ginagawa kaya't hindi ko na maibalik ngayon."Madi-disqualified tayo nito. Kinakailangan nating makahanap pa ng two-players para makumpleto ang line up natin."
Yuyuko na sana ako para matulog nang bigla akong siniko ni Klay, pinsan ko. "Sali tayo, ries," pag-aaya niya.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...