"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Aries. Nandito na kami sa labas ng venue at hindi na kami babalik doon kahit hindi pa tapos ang event.
"Sobrang kapal ng mukha ng Tom na 'yon. Akala niya yata ay makukuha niya pa rin ako. Napaka-harsh ng mga pinagsasabi niya. Hayop talaga siya noon pa man," gigil kong sabi.
He suddenly hugged me. "'Wag kang magpapaapekto sa mga pinagsasabi ng gagong 'yon. Hindi nagbabago ang tingin ko sa'yo at hinding-hindi magbabago 'yon. I like all about you because you are Marley Taylor," mahinahon niyang sabi.
Napakagat labi ako dahil sa kaniyang mga sinabi. Hindi talaga siya nauubusan ng salita na pamanghain ako. Kumalas na siya sa pagkakayakap at iniharap ako sa kaniya.
"Umuwi na tayo," sabi niya at tumango lang ako.
ARIES
Matapos ko siyang ihatid sa kanto ng subdivision nila ay agad kong tinawagan sina Aki at Klay, pinapunta ko sila rito sa bahay para makipag-inuman sa kanila. Nabitin ako.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nag-message si Marley.
Thank you, Aries. Ingat ka!
I will. Good night
Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang malalakas nilang katok. Bahagya akong natawa nang makitang handang-handa na ang mga alak at pulutan namin. Nagsimula na rin kaming mag-inuman.
"Bukas Fourth Monthsary na namin ni Amber. Auto walwal na naman tayo nito, Nako po!" nakangiting sabi ni Aki.
"Sa four months na 'yon, p're imposibleng hindi mo pa nahalikan, oh," sabi ni Klay habang ngumingisi. Pati ako ay napangisi na rin.
"S'yempre p're papayag ba akong hindi gumagalaw? Bakit kayo ba ni Dasha, ano'ng ganap niyo?"
"Mag-fi-five months na kami. Papayag ba akong puro titigan lang kami."
Girlfriends nila ang naging topic namin sa inuman. Hindi ko inakalang kiss and tell pala ang mga tarantado. Wala na akong naiambag kundi ang tumawa lang nang tumawa.
"Tangina ka tawa ka lang nang tawa d'yan! Magkuwento ka naman sa amin tungkol sa inyo ni Marley. Alam naman nating ikaw ang pinaka-matinik dito,e." Akmang magsasalita na ako nang bigla na naman siyang magsalita. "Oh, gago imposibleng wala. Sino'ng tanga ang maniniwala na magtititigan lang kayong dalawa habang sabay na nalalasing?" Binalingan niya ng tingin si Aki. "'Di ba, P're, sino kayang maniniwala ro'n?" dagdag pa niya. Naghanap pa ng kakampi.
"Wala. Imposible. Basta kapag sumagot si Aries ng wala, automatic kasinungalingan 'yon," pahayag ni Aki at nagtawanan silang dalawa. Napailing na lang ako habang napapangiti.
"Sige, ayos lang 'yan. Alam naman namin na meron," anas ni Klay habang tinatapik-tapik ang balikat ko.
"Paano ba kayo nagkakilala ni Marley, 'ries? Nakakaintriga lang alam mo 'yon? Doon kasi nagsimula lahat. Nakilala namin 'yong mga aports niya. Paano ba, 'ries?"
Bahagya akong natigilan dahil 'yan ang pinakainiiwas-iwasan kong tanong nila. Maraming beses na nilang tinanong sa akin 'yan pero hindi sila nakakakuha ng sagot galing sa'kin.
"Pinagtagpo kami, e," natatawa kong tugon.
Mabilis naman silang nagtawanan at nag-apiran pa.
"Pinagtagpo, amputa. Ano'ng klaseng linya 'yon?"
Bahagya akong natigilan at inisip kung paano kami pinagtagpo ng mga karanasan namin.
"Pareho kaming zero. Pareho kaming naghahangad ng atensyon. Pareho naming gustong makalaya. Parehong-pareho kami ni Marley," seryoso kong sabi nang hindi sila tinatapunan ng tingin. Sa kawalan ako nakatingin at binabalikan ang panahong nagkakilala kami ni Marley.
Miss na miss ko nang tumambay sa rooftop. 'Yong kada-araw makikita ko siyang parating may hawak na yosi sa kanang kamay at maangas lang na ibinubuga sa kawalan.
"Boi, napapangiti ka diyan, ah!"
Ang solid lang kasi kitang-kita ko kung paano siya unti-unting nakabangon. Mula sa lungkot, sa sobrang lungkot at sa sobrang sakit. Pero bakit ako? Bakit hindi ko pa rin magawang bumangon? Bakit ang sakit sakit pa rin?
"Sige na, tol, huwag mo nang sagutin 'yong tanong namin. Iisipin na lang namin na nag-teleport si Marley dito kaya kayo nagkakilala. Shot ka na, mukha ka nang tanga, e. Mamaya-maya ngingiti ta's biglang malulungkot, amputa!"
Nakisabay na lang akong tumawa sa kanila at sumabay na ring tumagay. Wala rin silang alam tungkol sa amin ni Megan. Nakakakonsensya nga na sila 'yong tinuturing kong mga kapatid pero marami pa rin akong nililihim sa kanila. Patawad mga kuys. This is my own battle. Ito ang laban na hirap na hirap akong solusyunan at tanging ako lang din ang makakatulong sa labang 'to.
Pare-pareho na kaming ninakawan ng pagkatino. Mabilis na nakatulog ang dalawa habang ako'y nananatiling hawak ang basong may alak. Huling alak, na ayon sa sabi-sabi ay mas malakas ang tama.
Mabilis ko 'yong tinungga at padabog na ibinagsak ang baso. Tumingala ako nang maramdaman kong may umagos na mainit na likido galing sa aking mga mata.
Ang sakit ng buhay ko. Ang sakit. Bakit ako tinatalikuran ng mga mahal ko sa buhay? Wala na akong magulang. Tinalikuran na ako ng mga kapatid ko. Iniwan ako ni Megan. Gusto kong magmahal ulit pero parang hindi puwede. Gusto kong maramdaman ulit na may nagmamahal sa akin pero bakit parang hinahadlangan ako ng mundo? Parang lahat magulo. Lahat mali.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...