Chapter 29: Dating gawi

8 2 0
                                    

Tatlong araw na akong hindi pumapasok. Parati lang akong nasa inuman. I deactivated all my account para walang communication sa mga tropa.

I'm on my way to TGroundz. Pakiramdam ko ang plastic ko na sa TG dahil dumadalaw lang ako roon sa tuwing namomroblema ako. TG ang sandalan ko sa tuwing nilalamon ako ng galit at lungkot.

"Oh! Taylor, it's nice to see you again here. Ang buong akala namin ay tinalikuran mo na ang lugar na 'to," nakangiting bungad sa akin ni Master Zen.

Ngumisi ako sa kaniya at bumuga ng usok ng sigarilyo. "P'wede ba 'yon, Master? Nagpahinga lang ako."

"Good to hear, Taylor!" sabi nito habang tinatapik-tapik ang aking balikat.

"Masyado na akong naiinip dahil ilang buwan niyo na akong hindi binibigyan ng laban. Master, ano ba'ng problema?" nakasimangot kong tugon sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako at muling tinapik ang balikat ko. "Kapag ba binigyan kita ng laban ay susunggaban mo?" tanong nito na ikinangisi ko.

"Natural! Naiinip na nga ako kakahintay, e."

"Ang buong akala ko kasi ay magqu-quit ka na rin katulad ng iba. Ang tagal mo kasing hindi bumisita rito. Mabuti naman at hindi ka nila katulad na hindi marunong tumanaw ng utang na loob."

"Marami ng umalis?"

"Napakarami na, Taylor. Pero huwag kang mag-alala, nadadagdagan naman tayo." Tumango ako at itinapon na ang yosi. "I'll give you a fight, Taylor. Pang-malakasan ang ibibigay ko sa'yo para naman hindi ka madismaya."

"I'll wait, Master!" Nakangisi itong lumakad palayo sa akin.

Matapos kong manood ng laban ay kung saan-saan naman ako dinala ng aking mga paa. Hanggang sa makita ko na lang ang sarili na nakatunganga sa isang lapida. Umupo ako sa harap nito at nagtirik ng kandila.

"Kung buhay ka lang baka nasakal na kita nang walang bitaw," natatawa kong bulong dito. Matagal na pagtitig ang ipinukol ko sa kaniyang lapida. Dali-daling lumandas ang mga luha sa aking pisngi. "Sorry kung nagiging hadlang ako sa inyo. I knew that you always have a place into Aries' heart. Actually, Megan, You're irreplaceable. Ang hirap mong karibal. Nakakainggit ka. Ang sarap mahalin ng jowa mo pero sa'yo siya, e. Ikaw ang mahal niya. Ikaw lang. You're a winner."

I wiped my tears but another bunch of tears fall again. Napayuko ako at hinawakan ang kaniyang lapida.

"Patawarin mo ako, Megan kung sa paningin mo noon ay inagaw ko siya sa'yo. I'll stop being the antagonist to your love story. Thank you for letting me borrow whats yours. I'll returning him again to you."

Nagtungo ako sa isang mamahaling bar para doon lumaklak ng alak. Malapit lang siya sa school namin. It's already 6pm at medyo madilim na. Pumwesto ako sa roof deck na kung saa'y ako lang ang natatanging tao rito.

Wow. This is stress free. The nice view added to its aesthetic ambiance. I really love it.

Um-order ako ng isang bucket ng Redhorse Stallion at Pork Sisig. Agad naman iyong sinerve ng waiter kaya't mabilis akong nagsimula. I wanna get drunk.

You gave me a shoulder when I needed it
You showed me love when I wasn't feeling it
You helped me fight when I was giving in
And you made me laugh when I was losing it

What the hell is that song?! Bakit pakiramdam ko ay para sa akin 'yon?

'Cause you are, you are the reason why I'm still hanging on
'Cause you are, you are the reason why my head is still above water
And if I could I'd get you the moon
And give it to you
And if death was coming for you
I'd give my life for you

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon