Pagbaba na pagbaba ko sa Business Administration Building ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakatayo sa gilid habang nakapamulsa at mukhang may hinihintay.
Dire-diretso akong naglakad at nilampasan siya. Ngunit ramdam ko rin agad ang kaniyang pagtakbo palapit sa akin. Biglaan niyang hinatak ang braso ko dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
"Ano'ng problema mo?" galit kong tanong kaya't agad niyang binitawan ang braso ko.
"Sabay sana tayong kumain," wika niya habang nakangiti. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad ngunit sinusundan niya pa rin ako. Nang makarating sa pinto ng canteen ay nagmadali siyang buksan ito at inilahad sa akin ang loob.
"Salamat," sambit ko at nagpatuloy sa pagpasok habang siya ay nakasunod lang.
Nakita ko ang Tres Marias na kasalukuyang kumakaway sa akin at pinauupo ako sa kanilang pwesto. Magtutungo na sana ako roon ngunit mabilis na nahigit ni Gabe ang kamay ko at pinaupo ako sa parati nilang pinupwestuhan. Wala naman ang mga barkada niya kaya't umupo na ako. Nilingon ko ang Tres Marias pero inirapan lang nila ako na ikinatawa ko nang mahina.
Binilhan niya ako ng isang box ng pizza. My God! "Sa'yo lahat 'yan," galak niyang sabi habang nilalantakan ko ang isang slice.
"Salamat."
"No, I should be the one who says that. Thank you," sinsero niyang sambit habang seryosong nakatingin sa aking mga mata.
"For what?," walang gana kong tanong habang patuloy pa ring kumakain.
"For accepting me again kahit nakagawa ako ng kasalanan sa'yo. Alam kong malaking insulto 'yon para sa'yo pero tinanggap mo pa rin ang sorry ko, Ako. Salamat, Marley," paliwanag nito. Tumango tango na lang ako.
Gulat akong napatingin sa pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang titig na titig na si Aries. Nakatitig siya sa akin. Napabitaw ako sa pizza na kinakain ko nang maalalang may pinag-usapan nga pala kami kagabi. Oh My God. Sabay pala dapat kami. Tumayo ako upang salubungin siya pero mabilis niya akong nilampasan. Ouch!
"Babalik ka na sa room?" tanong ni Gabe pero tinanguhan ko lang siya para wala ng tanong.
"Bye, ikaw na ang umubos niyan," paalam ko sa kaniya. Muli akong lumingon sa pwesto nina Aries na ngayo'y kasama ang Tres Marias. Tahimik lang si Aries habang 'yong iba ay naghaharutan. Dali-dali na lang akong lumabas at muling bumalik sa room.
"Magkaaway kayo ni Aries?" tanong ni Iris na kakabalik lang.
"Wala siya sa mood kanina. Wala ka kasi," sambit ni Dasha na nakanguso ngayon.
"Hindi naman kasi kami ganoon ka-close," pagkukunwari ko upang manahimik na.
Matapos ang klase ay nagmadali akong umakyat sa rooftop ngunit napasapo lang ako sa noo nang makitang walang katao-tao roon.
"Bakit naman siya magagalit? Ah, magtatampo?" tanong ko sa sarili. Tumambay na lang ako roon ng ilang minuto at saka sumibat na. Nagtungo ako sa TGroundz dahil wala akong magawa kaya't naisip kong manood na lang muna ng laban.
"Taylor," tawag ng lalaking nasa gilid ko. "Wala ka yatang laban?" dagdag pa niya. "Wala matumal, e," sagot ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin, nanatiling nakatuon ang atensyon sa pinapanood kong laban.
Natapos ang laban at nanalo si Knoxx. Nakalaban ko na dati 'yon pero natalo ko siya. Lalabas na sana ako nang mahagip ng mata ko ang titig na titig na si Aries. Bigla siyang umiwas ng tingin at nagsimulang maglakad. Tumakbo ako para sundan siya at naabutan ko naman.
"Huy," tawag ko habang hinihila ang laylayan ng damit niya. Kunot noo siyang humarap sa akin. "Ano'ng problema mo?" tanong ko sa kaniya.
"Wala akong problema. Ikaw lang naman itong marami." Napairap ako sa sinabi niya. Akmang tatalikod na siya pero mabilis kong nahigit ang kamay niya paharap sa akin.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AcciónTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...