Chapter 27: Ano ba tayo?

14 2 0
                                    

MARLEY

"Next week na ang sembreak. Excited na ako! Marley, siguraduhin mong isasama mo si JD, ha! 'Di bale nang hindi ka kasama, huwag lang ang bebe ko!" napangiwi ako sa kalandian ni Iris. Patay na patay kay Kuya akala mo talaga papatulan siya.

"Kung umasta ka naman akala mo papatulan ka nung tao!" banat sa kaniya ni Amber. Boom! Hardcore.

"Truth! Kaya kung ako sa'yo, Iris, humanap ka na lang ng iba kasi mukhang olats ka kay Kuya JD. Ako ang nangangamba sa'yo kapag nasaktan ka dahil sa pagiging ilusyunada mo," pahayag naman sa kaniya ni Dasha. Natatawa kong pinagmasdan ang pagmumukha niyang namumula na dahil sa inis.

"Ang yayabang ninyo! Kung makapagsalita naman kayo sa akin ay parang hindi niyo ako kaibigan. Ang sama ng mga pinagsasabi niyo sa akin! Nakakainis kayo! Pati ikaw, Marley!"

"Oh, ba't nadamay ako?" natatawa kong angal. Inirapan niya lang kami at padabog na pumwesto sa kaniyang upuan.

Matapos ang pangalawang subject namin ay nagkayayaan nang bumaba upang kumain. Pinauna ko na sila dahil may aayusin pa ako. Wala na rin naman kaming susunod na klase dahil absent ang professor namin sa Franchising.

Nag-open ako ng messenger at nakita kong galing iyon kay Kuya. I opened it.

Umuwi ka kaagad. Nag-halfday lang ako dahil masyadong masama ang pakiramdam ko.

Inayos ko na ang gamit ko at bumaba na. Medyo malayo pa lang sa canteen ay rinig na rinig ko na ang halakhak ni Steph. Nakakairita.

Nang makapasok ay nasa akin ang kanilang mga mata na animo'y gulat na gulat sa pagpasok ko.

"Easy-han mo lang, Marley. 'Wag ka magdabog," natatawang sabi ni Klay.

Mukhang napalakas yata kasi ang pagbukas ko sa pinto. Inis kong binalingan ng tingin ang magkasamang grupo nina Steph at Gabe. Nasa iisang mesa sila ngayon na kung saa'y ipinagtabi lang nila ito.

"Malayo pa lang rinig ko na 'yong nakakairitang halakhak mo, Steph!" nangingiwi kong sabi rito. Inirapan niya lang ako at muling binalingan ang mga kaharutan.

Bigla namang tumayo si Gabe at hinarangan ako. "Uh, kumain ka na ba?" tanong nito. Agad naman kaming kinantyawan ng mga barkada niya at mukhang nahiya siya bigla dahil napagtanto niyang nasa amin ang atensyon nila. Napatingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko at lahat talaga sila ay nakangiwi na parang hindi gusto ang mga naririnig.

"Marley, We already bought you a food. Ikaw na lang talaga ang hinihintay namin. Let's eat."

Hinila na ako ni Dasha papunta sa puwesto namin. Nginitian ko na lang nang pilit si Gabe, napahimas na lang siya sa kaniyang batok at muling bumalik sa puwesto.

"Uhhhhh!" pang-aasar ng mga barkada niya. Muli ko siyang sinipat at nakatingin rin siya sa akin. Nag-ok sign na lang siya at ngumiti. I do the same.

"Hirap na hirap ka talagang hindi pansinin ang Gabe na 'yan, e 'no?" sabi ni Aries habang magkasalubong ang mga kilay.

"I just want to comfort his feeling dahil parang napahiya siya kanina."

"E 'di sana doon ka pumwesto sa kanila para hindi siya napahiya."

Napatingin ako sa paligid dahil medyo tumaas ang kaniyang boses. Natigil sa pagkain ang mga kaibigan namin.

"Uh, puwede ba mamaya na kayo mag-away kasi kumakain tayo, e."

"We're not fighting," sabi ko at sumubo na ng pagkain.

Matapos naming kumain ay bumalik na ang mga IT Boys sa kanilang building. Naiwan kaming mga BA rito kasama sina Steph ngunit wala kaming pakialam sa kanila.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon