His eyes pointed to mine. Hindi ako makatingin nang maayos dahil sa titig niyang 'yon.
"Oh," sambit nito at iniabot ang tagay ko. Mabilis ko 'yong nilagok. Ilang minuto kaming binalutan ng katahimikan at tanging paglalagok lang ng alak ang nagiging ingay. Nakakaramdam na rin ako ng tama lalo na't kanina pa ako umiinom.
Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya nang lumipat siya sa tabi ko. "Ang hirap kapag magkalayo tayo," sabi niya at muli na namang umatake ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko 'yong dukutin at tapak-tapakan dahil ang rupok rupok. Ang bilis bilis magbago ng mood ko kapag ganiyang bumabanat siya ng double meaning. "Masaya ako na bago umalis ang Mommy at Daddy mo ay maayos na kayo. 'Wag ka nang malungkot, ah. Nandito lang kaming mga kaibigan mo."
Shit. It hurts. Sa tuwing sinasabi niya na kaibigan ko siya. Kaibigan ko lang siya ay parang nagpipira-piraso 'tong puso ko.
Lumagok siya ng alak at muling nakipagtitigan sa akin. Ako na ang umiwas at akmang kukuha ng tagay nang bigla niyang pigilan ang kamay ko. Hinawakan niya 'yon at ipinagsalikop ang mga daliri namin. Nakanganga akong tumingin roon.
Nakorner ako sa dulo ng sofa. Ang lapit ng mukha niya sa akin at mas lumalapit pa siya nang husto. Nang maglalapat na ang mga labi namin ay mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kaniya. Bahagya siyang lumayo at saka ko siya hinarap na ngayo'y nakakunot na ang noo.
"Napakaselfish mo! Gagawin mo lang kung ano 'yong gusto mong gawin sa akin at kung kailan mo gustong gawin, and then the other day hindi mo na ako papansinin. Magiging palaisipan na naman sa akin kung ano ba'ng nagawa kong mali para iwasan mo ako. Tapos kapag dalawa na lang tayo you're acting like there's nothing happened. Nakakainis, Aries, e, sa totoo lang nakakainis na!" Biglang bumuhos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
Sandali niya akong tinitigan at bigla akong itinulak pasandal sa sofa. Ikinulong ako sa kaniyang mga bisig at niyapos ako ng halik. Bakit? Bakit hindi ko magawang tanggihan ang halik niyang 'yon? Bakit ang rupok ko pagdating sa kaniya?
Sandali siyang tumigil at tiningnan ako. Namumungay ang kaniyang mga mata. "I am really sorry, Marley. Sorry kung naiparamdam ko sa'yo 'yon. Gusto ko kasi sa'yo ko lang ipinapakita 'yong ganito. Besides, it's all because of jealousy. Aaminin ko sa'yong nagseselos ako sa tuwing magkasama kayo ni Gabe. Naaasar ako. Napipikon ako kaya umiiwas ako. Sorry," paliwanag nito at binigyan ako ng mabilis na halik. We stucked staring to each other. May amatz na ako at patuloy akong nilalasing ng kaniyang mga titig.
Ipinalupot ko ang aking kamay sa kaniyang batok at siniil siya ng halik. I love kissing you, Aries.
Bumaba ang kaniyang halik sa aking panga hanggang umabot ito sa leeg. I bit my lower lip when I suddenly felt his tongue through my neck. Nakalmot ko pa ang kaniyang likuran dahil sa kiliting nararamdaman ko sa ginagawa niya.
Nagising ako dahil sa mga ilaw na nagkikislapan sa harapan ko. Nang maliwanagan ay agad akong napabalikwas dahil ang mga demonyo kong tropa ay pinipicturan kami ni Aries.
"Ang sweet niyo naman, Marls, magkayakap kayo buong gabi. Ayiieeee," saad ng gagong Aki habang pinapakita sa akin ang na-picturan. Sinubukan kong agawin ang kaniyang cellphone pero mabilis siyang tumakbo at binelatan pa ako.
"Iba talaga ang nagagawa ng alak," sabi ni Klay habang nagkakalikot sa kaniyang cp. Sinubukan ko ring agawin ang kaniya pero agad siyang nakaiwas. Tiningnan ko si Jack na nakapameywang at nakangiwi ngayon sa akin.
"Walang nangyari. Alam ko ang ginagawa ko, duh!"
"Luh, may sinabi ba akong meron?" sabi niya habang napapakamot sa ulo. Nagtawanan naman ang dalawang tubol.
"Defensive!"
"Paranoid!"
"Umagang-umaga pinagti-trip-an niyo ako, ah. Tandaan niyo 'tong araw na 'to!" giit ko. Bago ko sila tinalikuran ay binigyan ko sila ng magkabilaang middle finger.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AcciónTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...