Sariwang-sariwa ang hangin at tamang-tama lang ang liwanag na ibinibigay ng buwan upang magkakitaan kami ni Aries. Dumadagdag pa rito ang ganda ng tunog ng alon ng dagat. Hindi rin nagpapatalo ang mga puting buhangin na bumabalot sa mga paa namin. Napakasarap ng gabing ito lalo't kasama ko ang taong minamahal ko.
"How's your day?" tanong ko.
Ngumisi ito at mas lalong hinigpitan ang pagsalikop sa mga daliri namin. "Best day ever," sagot nito at hinalikan ang palad kong naka-intertwined sa kaniya.
I smiled a bit and shook my head. "Iba amatz ng alak," natatawa kong sabi. Huminto kami habang nakatanaw sa ganda ng alon ng dagat at buwan.
"Perfect," sambit niya at nakangiting tumingin sa akin. "Perfect view for the perfect human behind me," dugtong pa niya. Natawa ako.
"I love you, Marley."
Maraming beses na niyang sinasabi sa akin 'yan pero parang bago pa rin talaga sa pandinig ko. Tila isang magandang musika ang katagang iyon sa tuwing binabanggit niya.
"Patawad kung maraming beses kong ginulo ang utak at puso mo. Patawad kung maraming beses kong pinigilan ang nararamdaman ko para sa'yo."
Humigpit ang paghawak ko sa kaniyang kamay.
"Natakot ako na baka isipin niyang manloloko ako. Natakot ako na baka isipin niyang pinagsasabay ko kayo. Naduwag akong harapin kung ano 'yong isinisigaw ng puso ko kaya hinayaan kong maging magulo na lang. Hinayaan kong ikaw ang maging taya, at pinagsisihan ko 'yon, Marley."
Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking mukha.
"Mahal kita. Mahal na mahal. Inulit mo ako. Binuhay mo 'yong namatay kong damdamin. Hindi man ikaw ang nauna ngunit ipinapangako kong ikaw naman ang magiging huli."
Idinampi niya ang kaniyang labi sa akin ngunit agad niya ring binawi iyon. Hinaplos niya ang aking mukha habang patuloy na nakatitig sa akin.
"Lumuhod ako sa kaniya. Nagpaalam ako. Ibinalita ko na nahanap kita, na mahal kita. Sinabi ko na nagmamahal na ulit ako."
Yumuko siya at sa pagkakayukong iyon ay nakita ko ang pagbagsak ng luha niya. Pinanood ko siya sa ganoong kalagayan niya. Hinayaan kong ibuhos ang nararamdaman niya. Malakas na ang hikbi niya dulot ng pag-iyak at tila nasasaktan ako sa hikbing naririnig ko.
Muli ay humarap siya. Namumula ang mata at basa pa rin ng luha. "Humangin nang malakas hudyat na niyakap niya ako. At iyon ang senyales, Marley.."
Iparamdam mo sa akin, Megan. Yakapin mo ako hanggang sa maramdaman kong masaya ka na nagmamahal ulit ako.
"'Yon ang senyales na hiningi ko sa kaniya, kung magiging masaya siya para sa ating dalawa."
Sa pagkakataong 'yon ay biglaang bumuhos ang mga luha sa mata ko. Tila malaking tinik ang nawala sa dibdib ko. Tila wala na ang dudang yakap-yakap ko noon. Napaka-saya ng puso ko. Ramdam ko ang paglaya ng pag-ibig na tila nakulong sa mahabang panahon.
"Pinangako ko na paiiyakin kita ngunit dulot ng saya," sabi pa niya at siniil ako ng halik. Ipinalupot niya ang kaniyang mga kamay sa aking bewang habang ang mga braso ko'y nakapalupot rin sa kaniyang batok.
Mariin ang bawat halik. Ninanamnam ang malayang pag-iibigan na noo'y ipinagkait sa amin ng mundo. Ngayon ay masasabi kong sa akin na siya at sa kaniya lang ako.
"I love you," sambit ko habang hinahabol ang hininga ngunit ginantihan niya lamang ito ng halik.
--
Ngayon namin napagplanuhang lumangoy dahil sa sobrang init ng panahon. Well, ito naman talaga ang ipinunta namin at hindi ang uminom lang.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...