Chapter 5: My heart

27 8 0
                                    

"May ibang nililigawan na pala si Gabe. Business Administration Student din daw at kaklase pa ni Steph."

"Oh My God! For real? Ang swerte niya, nakakainggit!"

"Sa true. E, ako nga ang tagal-tagal ko nang nagpapansin doon kay Gabe pero ni minsan ay hindi niya man lang ako napansin. Hays, that's unfair!"

Rinig kong kwentuhan ng mga babaeng nauunang maglakad sa akin. I guess mga HRM student sila dahil papunta sila sa building nito. Sikat talaga ang lalaking 'yon dito at nababadtrip ako kapag naiisip kong sinasamantala niya ang kasikatan niya para mang-urat ng babae. He doesn't deserve to be admired.

Kita ko ang matatalim na titig ni Steph sa akin. Ramdam kong gustong-gusto na niya akong lapitan or should I say sugurin, pero dahil nagdi-discuss ang professor namin ay hindi niya magawa. Inaano ko na naman kaya siya.

Nang matapos ang klase ay agad akong bumaba. Nakita ko ang grupo ni Steph sa quadrangle. Mukhang may inaabangan sila at sa tingin ko ay ako 'yon. Napapikit ako sa sobrang cringe. Damn, that's an immatured scene. Sobrang pang-high school ang datingan. Lalagpasan ko na sana sila pero biglang may humigit sa braso ko. Of course, My girl, Stephanie.

Sinampal niya ako at hindi ko naman ininda iyon. Masyadong mahina dahil masyado siyang pabebe. Nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa kaniya. "So, totoo nga ang landian ninyo ni Gabe?" gigil nitong tanong at nginisian ako. "How's your date with him? Isn't romantic? Of course it is! Kinilig ka ba? Of course you are!" Her eyes became teary now maybe because of too much anger and jealousy. "You really want to ruin everything just because of the plastic bottle na tumama sa iyo? Sinusubukan mo talaga ako, ha?!" Ngumiti siya nang mapait at kita ko ang galit sa kaniyang mata. Sinampal niya ulit ako at tinulak nang malakas dahilan upang mapaurong ako nang kaunti. Tsk. Mukhang baliw na baliw 'to kay Gabe.

Muli niya akong sinugod at akmang sasampalin ulit nang may pumigil sa kamay niya. "What are you doing, Steph?"

"Don't tell me kakampihan mo pa 'yang maharot na iyan. Gabe, nilalandi ka lang niyan. Sabihin mo sa kaniya na ako pa–"

"I'm already into her. Hindi na ikaw ang gusto ko."

Nalaglag ang panga ni Steph sa sinabi ni Gabe. Naniningkit naman ang mga mata ko dahil sa sobrang kahihiyan. Medyo maraming estudyante na rin kasi ang nakapalibot kaya nakakahiya talaga. Steph started to cry. She puts herself into this situation and so it's her own fault.

"Guess you're all late for growing up," naiiling kong bulong sa sarili. Inilagay ko ang magkabilaang kamay ko sa bulsa ng palda at nagsimula nang lumakad palayo sa kanila.

Paakyat na ako ng rooftop nang makita ko si Aries na nakaupo sa hagdan. Nagyoyosi. "Bakit hindi mo pinatulan?" tanong niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. So, nakita niya 'yon.

"Wasting of time kung papatulan ko pa 'yon."

"Hinayaan mong sampal-sampal–"

"That was just an easy one compared to yesterday. Hayaan mo kapag naubos ang pasensya ko, ikaw ang unang-una kong hahanapin para mapanood kung paano ako mambugbog ng estudyante," tuloy- tuloy kong sabi.

Muli na sana akong aakyat nang magsalita siya ulit "How's your date with Gabe?" Lumingon ako sa kaniya. Nakangiti nang nakakaloko ang gago. "Alam mo bang tuwang-tuwa siya kanina habang nagku-kwento tungkol sa date ninyo. Hindi ka nagsasabi dating na pala kayo no'n, ah." May halong pang-aasar ang pagkakasabi niya.

"He's a liar. Hindi natuloy ang date na iyon," walang gana kong sagot.

"Don't deny it. Natural lang naman iyon, e. Imagine, itinigil niya ang panliligaw kay Steph para lang sa iyo. Hindi ka ba kikiligin do'n?" nakangisi niyang pahayag.

Tinitigan ko siya nang masama. "Hindi, walang nakakakilig doon. Pareho silang may sakit sa pag-iisip kaya mas bagay sila."

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko. Tuluyan na rin akong umakyat sa rooftop at doon sumimsim ng hangin. Good shot, Gabe. That's a 1-1 situation, we're tied.

Linggo ngayon kaya walang pasok. Naabutan kong nanonood ng NBA si Jack Daniel. Tutok na tutok siya dahil Cavs at Warriors ang naglalaban.

"Yeeeess!" Napasigaw siya nang makabasket si Smith ng tres. Duh!

"Too early to be happy. The game is not yet done."

"It's alright. Basta lamang ang Cavs, masaya na ako ro'n," may halong pang-aasar niyang sabi.

"That's only a three point lead. You know what? Dapat nga ay tinatambakan na nila 'yan dahil homecourt advantage, oh."

Nanood muna ako bago umalis. Ang ganda ng laban at nakakainis dahil alam kong hindi ko matatapos ito.

"Nakausap ko sina Mom and Dad, kinakamusta ka nila. They missed you," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Tell them I'm good. Just focus on their business dahil 'yon naman ang mahalaga sa kanila. Iyon lang."

This time ay napalingon na siya sa akin. Kinuha ko na ang converse shoes ko at isinuot ito. Nawala na ako sa mood kaya aalis na ako.

"Saan ka pupunta?" Kunot noo niyang tanong.

"Ice-celebrate ko na agad ang pagkapanalo ng GS. Wala, e doon na rin naman papunta iyon," sagot ko at umalis na. Narinig ko pang tumawa siya nang malakas.

Dinala ako ng aking mga paa sa Kraka Bistro. Gabi na kaya marami-raming tao na ang nandirito lalo pa't linggo ngayon. Natigilan ako sa pagtungga ng alak nang may mahagip ang mga mata ko, pamilyar ang taong iyon.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata dahil baka namamalikmata lang ako. Nang muli ko itong imulat ay wala pa ring nagbago. Nakikita ko pa rin siya. Nandito siya. My heart.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at nang magtama ang paningin namin ay mabilis na nagbagsakan ang mga luha sa mata ko. Fuck! Nanghihina ang tuhod ko at nahihirapan akong huminga.

"Marley."

"I miss you so much." Basag na ang aking boses dahil sa pag-iyak.

Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking ito. Siya lang ang lalaking nakapag-papalambot ng puso ko. Sa kaniya lang ako nanghihina nang ganito. Sa kaniya lang. Sa'yo lang, mahal ko.

Hinawakan ko ang mukha niya. "I am still into you, Tom. Please. Please come back." Halos pabulong kong sabi sa kaniya. Nanghihina na ako at parang mahihimatay ako. Oh God! Ibang klase talaga ang tama ko sa lalaking ito.

"Baby?"

Mabilis niyang inalis ang aking mga kamay sa kaniyang mukha. Kumapit sa braso ni Tom ang babaeng kadarating lang. Nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Tom ngunit nananatiling nakatuon ang aking mga mata sa kaniya.

I want to slap her. I want to punch her. I want to kill her. I fucking want to erase her in Tom's life.

"Who is she? At bakit siya umiiyak?" tanong nito kay Tom.

"She's a friend here in Manila and she's drunk and broke kaya siya umiiyak," paliwanag nito sa babae. Babaeng ipinalit niya sa akin. Binalingan niya ako ng tingin. "Marley you should go home. Lasing ka na at baka kung mapaano ka pa rito," dugtong nito sa sinabi at saka hinila na ang babae niya palayo sa direksyon ko.

Hinabol ko siya at hinila sa braso pero mabilis niyang hinawi ang kamay ko at tiningnan ako nang masama dahilan upang hayaan ko na lang silang lumayo.

Bagsak ang aking balikat nang bumalik ako sa pwesto ko. Kasabay ng pagtungga sa bote ng alak ang sunud-sunod na pagbagsak ng mga luha sa mata ko. Lagi mong pinapatay ang puso ko, Tom. 

Marami na akong nainom. Dumodoble na ang paningin ko. Umiikot ang buong bistro. Bakit ganoon? Puro itim na lang ang nakikita ko.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon