Epilogue: Graduation Day

31 2 0
                                    

ARIES

"Picture naman tayong pito," tugon ni Amber sa amin. Humilera ang apat na babae sa unahan namin habang kami nina Klay at Aki ay nasa likuran nila. Si JD ang magpi-picture sa amin.

"Congratulations, graduates!" sabi pa ni JD at clinick na ang DSLR.

Hindi pa man nag-uumpisa ang seremonya ay kaniya-kaniya nang papicturan ang lahat. Siyempre nga naman mahalagang araw ito. Medyo nakakalungkot dahil bukod-tanging ako lang ang walang kasamang parent.

"Love, may problema?"

Umiling ako sa kaniya at ngumiti nang matamis. Masayang-masaya ako na sabay kaming nakapag-tapos ng pag-aaral ng babaeng pangarap kong makasama sa buhay.

"Let's have a picture," sabi pa nito at naglabas ng camera. Iba't-ibang pose ang ginawa namin. Isinama niya rin ako sa Family Picture nila, parte na rin daw kasi ako ng Pamilya dahil sure na raw sila sa akin. Panis!

"Congratulations, Aries. Nakakamangha ka! Halika mag-picture tayo," masayang tugon ni Tita Karen. Mommy ni Klay. Nabalitaan niya kasing isa ako sa candidates of Cumlaude. Mukhang nag-iba na ang tingin sa akin. Ganoon din ang Mommy ni Aki.

Pagkatapos naming mag-picture ay muli siyang humarap sa akin at nagtanong. "May napili ka na bang magsasabit ng medalya mo?"

"Wala, tita. Ako na lang po ang magsusuot," sagot ko.

Umiling-iling si Tita at saka tumugon. "Ako na, Hijo. Sigurado akong masayang-masaya ang magulang mo sa iyong pagtatapos na may bitbit na honor."

"Salamat, Tita."

Tinawag niya si Klay at nagpakuha kami ng litrato. Habang nag-iisip ng puwedeng i-pose ay bigla akong naestatwa sa nahagip ng mga mata ko.

Parang nag-slomo ang lahat at naging malabo ang paningin ko, tanging nasa kanila lang ang malinaw na parte. Unti-unti silang lumalapit patungo sa direksyon ko. Pare-pareho ng ngiti.

"Congratulations, Aries!" sabay-sabay nilang bati at niyakap ako.

I just found myself crying while hugging them back. Tears of joy.

MARLEY

Nangingiti ko silang pinagmasdan habang magkakayakap. Kita ko kung gaano kasaya si Aries ngayong nandito na sa tabi niya ang kaniyang mga kapatid.

I can see the joy behind his tears, also in mine.

"It's priceless."

I wiped my tears and turn the gaze into Kuya JD.

"He's really happy seeing his siblings on his memorable day," said Mom while looking at them.

"I am very proud to my soon son-in-law," said Dad and we laugh. I am still in tears. My heart really melts in an extreme joyous.

Pumila na kami nang maayos upang makapag-martsa na. Unang tinawag ang BS-Education sumunod ay ang Business Administration which is kami.

Each of us should have one parent na kasamang mag-martsa, si Mommy ang kasama ko.

"Taylor, Marley Cariño," pagtawag ni Mrs. Amethyst Avila, Our Dean. Nag-martsa kami ni Mommy at iniabot ko na ang aking diploma.

"Telan, Iris Dy," pagtawag kay Iris habang kami ni Mommy ay naglalakad na sa aisle pabalik sa pwesto.

"Tercias, Amber Sevilla."

"Teredaño, Dasha Castro."

Napangiti ako nang sunud-sunod tawagin ang mga aports ko. Friendship Goals talaga 'to.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon