Chapter 37: Make Love

7 2 0
                                    

R - 18
SPG CONTENT

Ito na ang huling araw namin sa magandang isla na ito. Kasalukuyan kaming nasa balcony ng room ng Girls, nag-aasaran.

"Sulitin na natin 'tong araw na 'to," sabi ni Kuya habang nagpapaypay ng iniihaw niyang tilapia.

"Sige, mamaya wala ng gender basis sa room, ah. Kung sino ang mag-jowa, sila dapat ang magkasama sa kwarto."

"Maganda 'yang pagsusulit na naiisip mo, Klay," pagsang-ayon ni Aki.

"Dalawa lang room natin, boi."

"Sakto naman p're, e. Sa isang room ay apat na tao. Sa sala at sa kwarto," sabi pa ni Klay at ngumisi. Nagpalakpakan naman ang mga gunggong na lalaki.

"Mukhang pinag-isipan talaga. Magaling ka, Klay. Magaling ka!" manghang sabi ni Aries habang patuloy na pumapalakpak. Binatukan ko naman ang tanga.

"Pa'no si JD saka Iris?" tanong ni Aki pero nakangiting asong papalit-palit ang tingin sa dalawa. "Mukhang may makaka-score kahit hindi jowa," dagdag pa nito at humagalpak ng tawa. Pinakyu lang siya ni JD at nagpatuloy sa pagpapaypay.

"Puwede namang cuddle lang," sagot naman ni Iris na ikinatawa naming lahat. Joker. Marupokpok.

"Sige, puwede naman 'yon, pero 'di kami maniniwalang cuddle lang, ah."

Pagkatapos mag-asaran ay muli kaming lumangoy sa isla. Napagpasyahan pa naming maglaro na kung saa'y nakapasan ang mga binti naming mga babae sa balikat ng lalaki tapos ay maglalaban-laban kaming mga babae kung sino ang unang mahuhulog.

Nag-video kami para may memories. Gamit ang cellphone ni Dasha na nakadikit sa kaniyang noo at may waterproof sealed.

Ako at si Aries ang mag-partner. Si Klay at Dasha. Aki at Amber at Kuya JD at Iris. Kami ni Dasha ang naglaban at ilang minuto lang ay nahulog siya agad. Habang sina Amber at Iris ay matagal na naglaban.

Inaantay ko kung sino ang mananalo sa kanila, 'yon ang matatalo ko. Natawa kami nang sampalin na ni Iris si Amber. Kita ko ang inis ni Amber kaya't sinabubutan niya si Iris na ikinahulog nito.

"Bakit kasi nananabunot ka, Amber?" gigil na tanong ni Iris nang makaahon sa tubig.

"Sino ba ang unang nanakit? Sinampal mo ako, e."

"Madaya ka! Dahil lang diyan sa laro, mananakit ka!"

Biglang nagpababa si Amber at hinarap nito si Iris. Nakatunganga naman ang mga lalaki. Habang kami ni Dasha ay palihim na natatawa.

"Aba! Ikaw ang unang nanakit, Iris. Kung hindi mo ako sinampal, hindi kita sasabunutan," inis na sabi ni Amber habang nakataas na ang kilay.

"Bakit? Bumakat ba ang kamay ko diyan sa mukha mo, ha? Patingin nga. Ipa-check-up natin," sarkastikong sabi ni Iris. Magsasalita pa sana si Amber pero agad na um-ekstra si Aki.

"Tama na nga 'yan. Parang mga tanga 'to. Laro lang 'yan, e."

"Hindi, nakakapikon kasi 'to si Iris, e. Siya na nga 'tong nanguna, siya pa ang may ganang magalit!" sabi pa ni Amber at dinuro-duro si Iris.

Bumaba na rin ako at tumabi kay Dasha. Sina Aries, Klay, Kuya at Aki naman ay nakatunganga pa rin sa kanila.

Nagulat sila nang sabuyan ni Iris si Amber ng tubig galing sa isla.

"Iris, ano ba?!" gigil na sabi ni Kuya JD. Ginantihan rin siya ni Amber at mas maraming tubig ang sinaboy sa kaniya.

"Tama na nga 'yan para kayong mga bata, ah! Sisirain niyo pa 'yong magandang moment dito sa isla dahil lang sa walang kwentang laro na 'yan!" maawtoridad na sabi ni Kuya JD.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon