MARLEY.
I was about to drink the alcohol on a shot glass when JD immediately caught and throw it. "Isang taon na ang lumipas, Marley. Bakit ba nagkakaganiyan ka pa rin, ha?!" sigaw niya sa akin.
"Ano ba'ng pakialam mo kung nagkakaganito ako, Jack?"
"Ano'ng pakialam ko?" naguguluhan niyang tanong. "Look at yourself. Araw-araw kang naglalasing at nag-aadik nang dahil lang sa lalaking iyon! Marley, because of that too much fucking love!" Sinuntok niya ang lamesang nasa harapan niya.
Ramdam ko kung gaano ka-lamig ang tingin ko sa kaniya ngayon. Masyadong pasmado ang bibig niya. "And that too much fucking love is the reason why I became happy. Masaya ako sa ginagawa ko, Jack, and I don't need your concerns," malamig kong tugon sa kaniya at saka pumanhik na paitaas.
Madalas na kaming mag-away. Lagi niya kasing ipinapamukha sa akin na magmula noong maghiwalay kami ni Tom ay wala na akong nagawang tama.
Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang sunud-sunod na pagbagsak ng aking mga luha. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin. Sariwang-sariwa pa rin ang pag-iwan niya sa akin.
I'm on my way to school. Sa OLFU na ako nag aaral. Pinalipat ako nina Mom and Dad without my confirmation at inuwi na rin dito sa Manila dahil gusto na nila akong ilayo kay Tom lalo pa't same school lang kami sa Cebu dati.
Wala akong kaalam-alam na ibabalik na nila ako rito sa Manila dahil ang buong akala ko ay dinala lang nila ako rito upang ipagamot. Sinubukan ko kasing magpakamatay noong iniwan ako ni Tom. Almost one-month akong na-confine dahil Fifty-fifty ang naging lagay ko. Naapektuhan ang pag-aaral ko kaya hininto ko na muna iyon. Imbis na graduate na ako ng college ay nadagdagan na naman ng isang taon.
But, I guess I'm already used to be here. It's been three-months since my parents sent me here. They're busy handling our business in Cebu. JD accompanied me, he much prefer to work here because of his comrades.
So, this is my first day of being a fourth-year college student. Bumili ako ng yosi bago tuluyang maglakad. Nagtungo na ako sa building ng Business Administration dahil iyon ang napili kong course noong nag-enroll ako rito.
Naging maayos naman ang unang araw ko sa eskwelahang ito. After school ay nagtungo ako sa isang Bar na lagi kong pinagtatambayan. Kasalukuyan kong ine-enjoy ang paglagok ng alak at paghithit ng suba nang biglang may lumapit sa akin na tatlong lalaki, iyong nasa gitna ang lumapit nang husto. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong. "Bibigyan kita ng malaking halagang pera basta ba pasasayahin mo ako ngayong gabi."
Awtomatikong nagsara ang magkabilaang palad ko. Binasa ko ang ibabang labi ko hudyat na napikon ako sa sinabi nito. Luminga-linga muna ako kunwari at saka ko siya binigyan ng isang malakas na sapak sa panga. Napaupo siya sa sahig at iniinda ang sakit. Agad naman siyang inalalayan ng mga kasama niya.
"I've got a messy life but I am not a bitch, man." Hinithit ko sa huling pagkakataon ang yosi ko at itinapon ito sa direksyon nila.
Mabilis naman akong nakauwi sa bahay. Naabutan kong nanonood si Jack. "Uwi pa ba ng estudyante ang alas onse ng gabi?" sarkastiko niyang tanong.
"Oo kapag na-traffic," walang gana kong sagot.
"Marley hindi na namin alam kung ano'ng gaga-"
I halted him. "Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa inyo na hindi niyo naman kailangang mag-alala dahil alam ko naman kung ano ang ginagawa ko. Huwag kayong magpaka-OA na parang may pakialam talaga kayo," pahayag ko at umakyat na sa kwarto.
Alas-nuwebe ng umaga ang pasok ko at alas-nuwebe y trenta na ako nakarating dito sa school kaya't hindi na ako um-attend sa first class. Naglakad-lakad na lang ako sa loob ng school. Ngayon ko lang na-realize na medyo malaki rin pala ito at may kagandahan kahit papaano.
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AksiyonTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...