Napatulala ako nang makitang nakahandusay na si Kuya JD sa sahig at punong-puno na ng dugo sa katawan.
Parang inangkin na ako ng lupa dahil hindi ako makagalaw sa nakikita ko ngayon. Sumusuka na siya ng dugo habang papikit-pikit ang mga mata.
Si Aries ay nakikipagpalitan ng pagputok ng baril. Bakit parang hindi ko alam ang gagawin ko?
"Damn, Marley, asikasuhin mo si JD at pumasok kayo sa loob!" hiyaw ni Aries habang bumabaril sa kung saan-saan. Inaasahang matatamaan niya ang gumawa nito. Mabilis kong inakay si Kuya JD sa loob at pinakalma ito. Nanginginig ang buong laman ko dahil sa kalagayan niya. Dalawang bala ang tumama kay Kuya JD, parehong sa tiyan ang tama.
Walang pasubali kong ini-start ang engine ng sasakyan niya at isinakay siya rito upang madala na siya sa ospital. I really need to go bago pa siya mabawian ng buhay at habambuhay ko 'yong pagsisisihan.
Pinasakay ko na rin si Aries sa likod at pinaandar ang sasakyan nang mabilis. Mukhang nakatakas kaagad ang demonyong gumawa nito sa amin. We are the target, Kuya JD just saved us at mukhang alam ko na kung sino ang may pakana nito.
Mabilis kaming nakarating sa ospital. Agaran kong pinadala si Kuya sa Emergency Room upang maasikaso na siya. I didn't know how to calm. Paikot-ikot lang ako sa waiting area at hindi ko magawang umupo.
"Marley, maupo ka nga!"
"Aries, kapag nawala si Kuya JD hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Magpapaka-kriminal na lang ako mapatay ko lang 'yang hudas na si Zen! Demonyo siya!" galit na galit kong sabi sa kaniya habang lumuluha.
Bigla ay iniharap niya ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilaan kong kamay. "Hindi mawawala si JD, malakas 'yon parang ikaw," malambing niyang sabi sa akin. "Huwag ka nang umiyak. Nandito ako," He said while wiping my tears. Doon ay parang nanlambot ang puso kong kanina lang ay punong-puno ng paghihiganti. Niyakap niya ako nang mahigpit at ibinaon ko na lamang sa kaniyang dibdib ang aking mukha.
Nagising na lang ako na nasa tabi na ni Kuya JD. Nakapatong ang aking ulo sa hinihigaan niyang kama.
"God is great for finally awakening you. Kanina pa kita hinihintay magising, kahit kelan talaga tulog mantika ka, e," iritable nitong tugon.
"Okay ka na ba?" tanong ko pero agad ko ring binawi 'yon. "Ay oks ka na. Pagka ganiyang iritable ka na, matik normal ka na no'n, e," sarkastiko kong sabi sa kaniya. "Si Aries?" tanong ko habang iniikot ang paningin sa loob.
"Umalis na muna. Iniwan ka lang dito."
Tila parang bigla akong nadismaya nang sabihin 'yon ni Kuya JD. Saan kaya siya pupunta? Fuck. What if kay Master Zen?
"Aries, bobo ka talaga kahit kailan! Ang dami dami nila," bulong ko habang nakapatong ang kamay sa aking noo dulot ng sobrang inis.
"Ano?" tanong ni Kuya JD ngunit umiling lang ako at pilit na ngumiti. "H'wag mo na akong paglihiman, Bob. Nakita mo naman na 'yong nangyari sa akin 'di ba? Kayo sana ni Aries ang papaputukan kung 'di ko sinalo ang balang tatama sa inyo," sabi niya habang nakatingin lang sa kisame. Bigla ay humarap siya sa akin. "Bakit may mga taong gustong pumatay sa inyo? Bakit, Bob, ha? Sabihin mo sa akin. Makikinig ako."
I saw the sincerity through his eyes. Nadala ako kaya't kinwento ko na ang lahat sa kaniya but not include about Megan.
"But, it's not yet clear as fine. Si Aries ang may alam ng lahat kung bakit sila naggagantihan. Dinamay lang ako ni Master Zen dahil alam niyang isa rin ako sa malapit na kaibigan ni Aries."
"Ipakilala mo sa akin 'yang Master Zen at ako na ang papatay diyan!" galit na galit niyang tugon ngunit ngisi lang ang iginanti ko sa kaniya.
"Mahina ka pa at puwede bang huwag ka nang magpresinta dahil kayang-kaya na namin ni Aries 'yon."
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AçãoTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...