Chapter 20: Friends with benefits?

11 2 0
                                    

Halos kagat-kagatin ko na 'yong unan ko sa sobrang kilig na naramdaman ko kagabi. Hindi ako makamove-on. Grabe, ang sarap humalik ng isang Aries Evans.

"Bob, aalis na ako. Ingat ako, 'no?" tugon ni Jack Daniel matapos katukin ang pinto ko. Madalas talagang atakihin ng kabaliwan si JD tuwing umaga.

"Oo sige, ikaw bahala sa buhay mo," sagot ko.

"Sige, bye."

Wala kaming pasok ngayon. Mabuti na lang at maayos mag-isip ang President ng school namin. Pagod daw kasi kami kahapon kaya pinagpahinga kami ngayon. Nice one.

'Taylor you have a fight'

Napabangon agad ako dahil sa text ni Master Zen. Mabilis akong nag-gayak at ginamit ang motor ko upang makapunta agad doon.

Nang makarating ay nakita ko na agad si Crank. Medyo challenging sa part ko dahil alam kong isa na ito sa pinaka-mahuhusay na manlalaban dito sa TGroundz. Mukhang nag-iimprove na ako dahil ipinangma-match na ako sa mahuhusay. My pleasure!

"Fight!"

As I take off my jacket hood around my head, I immediately kick his stomach. He suffered from that so I take it as an advantage to come nearly to him and slug his head using my elbow. Man, I'll give you a minute to embrace dizziness.

Nginisian ko siya dahil sa hilong naramdaman niya. Sinuntok ko siya sa panga nang magkabilaan at doon bumulusok ang mga dugong kanina ko pa gustong makita.

I felt so inspired kaya ganito ako kalakas ngayon. Nakita kong umubo na siya ng dugo kaya't itinigil ko na ang pagsapak sa kaniya at saka idineklarang naipanalo ko ang laban.

"Started from being good and now one of the best. I am so proud of you, Taylor!" nakangising tugon ni Master Zen. Nginisian ko siya pabalik at kinuha na ang premyo. Malaki ang kita ngayon dahil maraming fans itong si Crank. Sorry, dude, I won. Hindi ko intensyong ipahiya ka, sadyang magaling lang ako. Magaling na.

"Mas magiging exciting ang mga susunod mong laban, Taylor. Humanda ka. Isa ka na sa pinaka-magagaling dito at asahan mong itatapat ka na rin sa mga magagaling," mahabang pahayag ni Master Zen habang patuloy na nakangisi. Kunot-noo akong lumakad palayo. Bakit parang iba ang iniaasta niya?

ARIES.

"Aries, kamusta?"

Agad akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Kita ko agad ang nakakalokong ngiti nito habang nakakuyom naman ang aking mga kamao. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kaniya para sana paulanan siya ng sapak ngunit mabilis niya akong tinutukan ng baril. Napatigil ako roon at tinitigan siya nang masama.

"Galawang duwag ka talaga, e 'no? Una, nagdala ka ng mga home boy na alalay. Ngayon.." Pinasadahan ko ng tingin ang baril na nakatutok sa akin at itinuro iyon. "Meron ka ng master weapon, hanggang kailan ka ba magiging duwag?" dagdag ko pa habang patuloy na nakangisi

"Kating kati ka nang patayin ako, alam ko iyon. Pareho lang naman tayo. Mauuna ka nga lang, at alam mo bang may iba akong paraan." Nginisian niya ako at iwinasiwas ang baril na nakatutok sa akin. "It's taylor time."

Nanlamig ang buo kong katawan habang nakasunod na lang ang tingin sa papalayong sasakyan ni Murderous. Napakademonyo mo. Napakademonyo ninyo. Hinding hindi ko hahayaang mangyari ang mga plano niyo, mga hayop!

MARLEY.

Mabilis akong umuwi sa bahay nang mabasa ang text ni Jack Daniel. Naghalf-day lang siya. Nakita kong nakaparada na ang kani-kanilang sasakyan kaya't ipinarada ko na rin ang motor ko at prenteng tumayo sa pintuan. Inayos ko ang sarili ko. Mabuti na lang at wala akong natamong galos galing kay Crank.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon