Chapter 9: Wall

28 8 0
                                    

MARLEY.

Pagkauwi ko ay nadatnan kong kumakain mag-isa si Jack Daniel. "Kumain ka na," He said without looking at me. Tumabi ako sa kaniya at sinabayan siyang kumain. Tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang maririnig na ingay. Nakatuon ang atensyon niya sa TV.

"M-magkakilala na kayo ni Aries 'di ba?" utal kong tanong.

"Oo, 'di ba nasabi ko na sa'yo na hinatid ka niya rito noong gabing lasing na lasing ka kaya ko siya nakilala?" Tumango lang ako at muling kumain. Natapos ang aming pagkain na iyon lang ang napag-usapan. Umakyat na rin agad ako sa kwarto. I stucked thinking of Aries' deal. Is it the first step to move?

Gamit ko ang aking motor papunta sa school. Maaga akong nakarating at agad na rin akong nagtungo sa room. Napahinto ako sa pinto dahil natahimik sila at ang iba'y nagsi-yukuan nang makita ako. Napangisi na lang ako nang maalalang nag-bida bida nga pala ako noong nakaraan. Umupo na rin ako sa pwesto ko.

"Hindi ka pumasok kahapon. Hinahanap ka ni Dean," bulong sa akin ni Iris.

"Pumasok ako," sambit ko.

"P-pero hindi sa room. May nakakita sa'yo. Alas kwatro ka na pumasok pero hindi ka niya isinumbong kasi baka banatan mo raw siya." Napayuko siya nang sabihin ang huling linya, napangisi naman ako. Mas ayos pala itong ganito.

"Taylor, go to your Dean's office," utos sa akin ni Ms. Gallardo. Sandali ko siyang tiningnan at saka tamad na tumayo para sundin ang iniutos niya.

Nagtungo ako sa aming Dean's office.
Nandoon sina Steph at iyong dalawang kaibigan niyang nagulpi ko pati na rin si Gabe.

"Kahapon ko pa dapat kayo ipapatawag pero.." Pinasadahan niya ako ng tingin. "You are not around yesterday, Ms. Taylor. I don't want to talk to them without you dahil ang gusto ko ay iyong lahat kayo ay makakapagpahayag ng paliwanag. Gusto ko malinaw lahat."

Sandali kaming natahimik. Paikot-ikot ang tingin sa amin ng Dean. Naghihintay sa aming sasabihin.

"Huwag niyo nang hintayin na akuin ko pa 'yong mga kasalanan ninyo," I said with a cold tone voice.

"Taylor that's not what I want to heard. Stop blaming. Lahat kayo ay may kasalanan!"

"So, ano'ng gusto niyong marinig, Dean?"

"My fault, Dean. Aminado po ako na binubully ko si Marley dahil lang sa ayaw ko sa kaniya. Masyado siyang maangas, naiirita po ako. Kinakaya- kaya ko po siya dahil ang buong akala ko hindi niya ako papatulan. Ang buong akala ko po ay maangas lang siya pero duwag siya. I really wanted to fight with her. Gusto ko siyang subukan kung matapang ba talaga siya. Malaki po ang galit ko sa kaniya dahil bukod sa maangas, siga, at magaling, nagawa niya pang makuha si Gabe sa akin."

Napangisi ako sa huling sinabi niya. He's already into you, don't worry freaking coward.

"My fault also, Dean. The first time I saw her, I knew she was a transferee. Maganda siya, napag-trip-an ko po siya. Nagpustahan po kami ng mga kaibigan ko na liligawan ko siya in just one month using my popularity pero nalaman niya po iyon. Nagalit po siya nang sobra sa akin. Deserved ko naman po iyon."

I sighed heavily as being satisfied for what I heard. Goods naman pala itong mga 'to, e.

"But still, Taylor may kasalanan ka pa rin," tugon ni Dean na ikinakunot ko ng noo. What the fuck? "Hindi ka dapat gumawa ng gulo lalong lalo na't nasa loob ka ng eskwelahan. You don't have the rights to hurt them physically," dagdag pa niya. Bandang huli ako pa naging masama?

"Nadala ako ng galit, Dean. Pinagpasensyahan ko sila ng ilang buwan. Nagpakaduwag ako para lang hindi na magkaroon ng gulo. 'Wag niyo namang ipamukha na parang kasalanan ko pa lahat ng 'to."

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon