Chapter 17: Quit

23 4 0
                                    

MARLEY.

"Marley, a-attend ka bukas?" tanong ni Gabe. Nakakagulat ang biglaang pagsulpot niya sa harapan ko.

"Not sure. Why?"

"Wala lang, uh, pero you should attend. Sayang 'yon. Masaya parati ang college night dito." Tumango- tango na lang ako. Muli siyang nagtanong habang kakamot-kamot sa ulo. "P'wede ka bang makasabay kumain mamaya?"

"May mga kasabay ako pero nasa iisang canteen lang naman tayo mamaya. Hindi ako mawawala sa paningin mo," sarkastiko kong sabi dahil para siyang sabik na sabik sa akin ngayon.

Napakamot siya sa kahihiyan. "Ah, e, oo nga. Sige, bye. See you later." Lumakad na siya palayo habang kumakaway.

"Marley, may susuotin ka na ba para bukas? I'm so excited!" Akmang yayakapin ako ni Iris nang umamba ako ng suntok. Napanguso siya't bumalik sa kaniyang kinauupuan. Walang gana akong nakikinig sa mga kwentuhan nila para sa mangyayaring college night bukas.

Maya-maya'y unti-unting lumapit sa akin si Iris at bumulong. "Na-inform mo na ba 'yong kuya mo tungkol dito?" Napakamot ako dahil sa isiping obligasyon ko pa lang paglapitin silang dalawa. "Ayaw niya sumama," sagot ko. "Marley, don't do this to me. Iiyak ako rito. Minsan lang tumibok ang puso ko, pagbigyan mo na ako," sabi niya habang umiiyak-iyak kuno.

"Ano'ng magagawa ko, e ayaw niya," inis kong sabi.

"Pilitin mo siya!" inis niyang tugon.

Nakuha namin ang atensyon ng ibang kaklase namin dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya no'n. Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil baka humaba pa 'tong usapan at mabadtrip ako.

Nagpahuli akong bumaba dahil nangopya pa ako ng assignment namin sa Franchising. Mabuti na lang at matalino itong si Steph

"Ano ba 'to, Steph, ayusin mo nga muna itong sulat mo." Hinagis ko sa kaniya ang notebook niya.

"Napakabobo naman kasing umintindi," ganti niya.

"Napakapangit naman kasi ng sulat mo, e. Ikaw na nga magsulat, kakain lang muna ako. Thanks, bye." Hindi ko na siya hinintay pang magreklamo. Mabilis kong tinahak ang hallway papuntang canteen.

Ayos na ayos na kami niyan ni Steph. One time kasi ay pinakopya niya ako ng assignment. Namihasa ako kaya ayun, obligasyon niyang ituloy 'yon. Matalino siya at bugok naman ako kaya kailangan ko siya.

Nang makarating sa canteen ay tanaw kong magkakasama na kaagad ang mga kasama kong kumain pero wala pa rin si Aries sa hanay. Ilang araw na siyang wala. Ang huling pagkikita namin ay noong dumalaw ako sa bahay niya.

"Sabay na tayo," saad ni Gabe habang nakangiti sa akin. Tiningnan ko ang direksyon nina Iris, nakatingin din sila sa akin at mukhang hinihintay akong pumwesto roon. At dahil nag-iisa lang naman itong si Gabe, sa kaniya na ako tumabi.

"Akala ko tatanggihan mo ako, e," sabi niya habang nakangiti.

"Bakit wala kang kasamang tropa ngayon?" tanong ko.

"It's better to be with you," diretsahan niyang tugon at kumagat ng sandwich.

"Porma," sambit ko at kumagat din ng sandwich.

"Punta ka bukas, ah. May sasabihin ako," sabi niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Tell it now," sambit ko ngunit umiling lang siya at ngumiti nang matamis.

Napatingin kami sa entrance ng canteen at gulat akong makita si Aries na kasalukuyang nakatingin sa amin. "Paupo, ah," sambit niya at umupo sa harap namin ni Gabe.

"Bakit wala ka ng five meetings, 'ries?" tanong sa kaniya ni Gabe.

"May inasikaso ako, e. Wala bang importanteng ginawa?"

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon