ARIES.
'Maru vs. Murderous'
Nang makita ko ang text na 'yan ay tila biglang nagkusang tumakbo ang aking mga paa papunta sa TGroundz. Mabilis na pumwesto sa pinakaunahan para kitang-kita at basang-basa ko ang kilos ng hayop na 'to.
"Fight!"
Parehong kumaripas nang takbo palapit sa isa't isa. Isang solid na sapak ang ipinarating ni Maru kay Murderous. Hindi nito ininda ang sapak sa halip ay binigyan niya ito ng isang ngisi at pinunasan ang dugong kumawala sa gilid ng labi.
Muling sumubok ng isang suntok si Maru ngunit sa pagkakataong 'yon ay nakaiwas si Murderous. Napangiwi ako nang marinig ang daing ni Maru dulot ng pagpilipit ni Murderous sa kaniyang mga kamay.
"Laban, Maru!" bulong ko habang nakasara ang mga kamao. Tinadyakan pailalim ni Maru ang paa nitong si Murderous dahilan upang mabitawan ni Murderous si Maru. Doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Maru na paulanan ng suntok si Murderous. Pumaibabaw siya rito at binigyan ng mga solid na sapak.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dinudukot si Murderous sa kaniyang bulsa. Nanginig ang laman ko sa senaryong 'yon kung kaya't nag-isip agad ako ng paraan upang matigil ang kaniyang plano.
Aligaga akong tumingin sa paligid. Maraming tao. Maraming nakatutok sa laban. Kinakailangan kong patigilin ang laban na 'to.
"May parak!" malakas kong hiyaw na ikinaalarma ng lahat upang sila'y magtakbuhan palabas ng TG. Mabilis kong hinatak si Maru palabas. Ngunit, ikinakilabot ko ang ngising ibinigay sa akin ni Master Zen.
"Salamat, Aries," hinihingal na sabi ni Maru. "Mag-qu-quit na ako lalo pa't alam na natin ang tunay na pakay nila sa mga lumalaban!" dagdag niya.
"Ako rin," sambit ko. Mabilis niyang itinuon ang mga mata sa akin habang ako'y nananatiling nakatingin sa kawalan.
"Bakit? Paano na 'yo–"
"Mukhang may alam na si Master Zen sa binabalak ko. Hayaan mo hindi pa naman dito nagtatapos ang lahat. Maaaring hindi ko maipagpapatuloy ang misyon ko sa loob." Tinapunan ko siya ng tingin. "P'wede namang dito na lang sa labas para mas malaya." Tumango tango siya sa akin.
"Dinagsa na naman ng manonood ang TG. Malamang ay malaki ang kita ng venue. Medyo sayang."
"Mas sayang 'yang buhay mo, bugok!" Nginisian niya lang ako at ini-start ang kaniyang motor.
"Tara, sakay!" sambit niya. Sasakay na sana ako nang may makita akong pamilyar na taong naglalakad at mukhang pupunta itong TG.
"Maru, mauna ka na."
"Ha? Bak–"
"Sige na! Mag-ingat ka!" sabi ko habang tinataboy siya. Sinunod naman niya ang sinabi ko. Patakbo kong hinabol ang taong nakita ko.
"Marley." Humarap siya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"TG, Nabalitaan ko kasing may pulis daw."
"Nabalitaan mo na nga pupunta ka pa? Para saan, para magpahuli?"
"Titingnan lang sana kita roon dahil baka nahuli ka na."
"Ano? Tatambay pa ako roon, eh may pulis na nga. Pinapahamak mo lang 'yong sarili mo, eh. Umuwi ka na nga!" Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
"Bakit ang sungit mo? Ikaw na nga itong walang paalam kung umalis kanina ta's ganiyan ka pa umasta! Wala ka namang laban! Bakit nagkaroon ka ng interes manood sa ibang figh–"
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AksiTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...