"Will you please stop doing bad habits, Marley," maarteng saway sa akin ni Iris nang makitang muli na nagyoyosi ako.
"Accept me fo–"
"Fuck that mentality! Kaibigan kita, oo, pero tama ba 'yang pinaggagagawa mo? Masama sa katawan 'yan! Tama na 'yong nag-iiinom ka lang araw-araw!"
"Wow!" sabi ko at itinapon na lang ang yosi kesa makipagtalo pa sa kaniya. Nakakairita pa naman ang boses niyang ala chipmunks.
We are on the way to Dasha's house. Inaantay na lang namin si Amber. Kahit kailan talaga makupad 'yong animal na 'yon, e.
Makalipas ang halos kwarenta minutos na pag-aantay ay nakarating na rin siya. Binigyan ko siya ng iritableng titig. "Hindi ako kahit kailan nag-antay ng ganito katagal na oras, sa'yo lang na wala pang kwentang tao."
"Ohh! What a hardcore!" pang-aasar ni Iris kay Amber habang natatawa.
"Oks lang dahil wala naman akong pake. Hinintay niyo pa rin naman ako so there's nothing to worry about. Arat na!" nakangiti nitong sabi na ikinainit ng anit ko. Fuck you, Amber.
Agad naman kaming nakarating sa bahay nina Dasha dahil malapit lang naman ito sa St. Jude court na pinag-antayan namin kay Amber kanina.
"So, ano'ng klaseng hang-out ba ang gagawin natin for the first day of our sembreak?" tanong ko habang dahan-dahang umuupo sa sofa nina Dasha.
"Shot?" sabay-sabay nilang tugon na ikinatawa ko habang naiiling.
"Good girls are starting to love doing bad habit," tugon ko habang patuloy na umiiling.
Tumabi sa akin si Iris at saka bumulong. "Well, tama ka naman kasi. Nakakaadik nga ang tama. Ang maling tama."
"I already texted Klay na bumili na ng maiinom natin," sabi ni Dasha habang nakatingin sa kaniyang phone.
Mabilis akong napatayo at sininghalan siya. "What the fuck are you doing, Dash? Isasama niya 'yong demonyong Aries na 'yon!"
"Nothing to worry, Marls, sinabihan ko siyang 'wag isama si Aries dahil wala ka naman dito, kunwari. Ma-o-op lang siya."
"'Pag 'yang kabugukan mo hindi umubra basag 'yang mukha mo!" sabi ko habang nakaporma ng suntok.
"Chill, wala ka sa TG, siz!"
Habang inaantay si Klay ay nanood muna kami ng Wrong Turn. Damn! Walang kupas ang movie na 'to. Exciting pa rin kahit paulit-ulit ko nang napapanood. Habang 'yong tatlo ay todo takip sa kanilang mga mata, ako naman ay tawang-tawa sa kanila. Bet ko talaga 'yong mga ganitong cannibal movie, e. Ewan ko ba, psychopath yata ako.
Bumukas na ang pinto hudyat na nandito na si Klay. Patuloy ako sa panonood habang sina Iris, Dasha at Amber ay sinalubong ang kadarating lang na si Klay. Kumunot ang noo ko dahil biglang tumahimik ang paligid na parang nawala sila.
Mabilis ko silang nilingon at tila naestatwa ako sa nakita ko. Damn, Dasha!
"Akala ko ba wala si Marley? Buti na lang sumama si Aries," sabi ni Klay habang inilalapag ang biniling alak.
"Ah, sumunod kasi siya dahil wala raw siyang magawa sa bahay nila," palusot ni Dasha habang kinakagat-kagat ang kuko ng daliri at nakangiting aso sa akin.
"What an early reunion for our squad, let's get it on!" sabi ko at tiningnan nang masama si Dasha, hudyat na palpak ang diskarte niya.
Kumuha ako ng isang bote at binuksan ito gamit ang aking ngipin. Isinalin ko ito sa basong nilagyan ko ng ice cube at itinungga na. That was so freaking cold, ang sarap!
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...