Chapter 19: Dance and Kiss

13 3 0
                                    

Habang papalapit siya ay tila biglang nag-slomo ang lahat ng nakikita ko. Parang blurred ang nasa paligid ko at tanging sa kaniya lamang nakatuon ang malinaw na parte ng mga mata ko. Nang magtama mga paningin namin ay hindi magkandaugaga ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. I am truly inlove to that man.

Napansin kong lumihis ang tingin niya sa katabi ko. Natigil ang kahibangan ko nang umupo siya sa tabi ng bakanteng upuan. Tatlo kasi ang bakante roon at doon siya sa may gitna. Tiningnan ko ang pwesto ko at doon ko napagtanto na wala naman siyang mauupuan para magkatabi kami.

"Damn, Aries, you look so cool. Ang gwapo mo," namamanghang tugon ni Amber. Nginitian lang siya ni Aries.

"Akala ko hindi ka na pupunta," natatawang sabi ni Klay.

"Naboring ako sa bahay," natatawa niyang sagot sa pinsan. Agad niyang binalingan ng tingin si Kuya JD. "Jack, buti naligaw ka rito? Chix na chix ka na ba?" natatawa niyang tanong kay Kuya.

"Gago! Isinama ako ni Marley. Uuwi na sana ako buti dumating ka." Natawa na lang si Aries sa sinabi niya.

"Your boy is so handsome, girl. I love his style," pabulong na sabi sa akin ni Iris. Muli kong pinasadahan ng tingin si Aries na ngayo'y nakatuon ang atensyon sa kausap na si Jack.

I love his style, too. Mas lalo siyang umangas dahil sa kumikinang na hikaw niya sa kanang tainga. He should have a title as the most handsome for this night.

Umubo ang taong nasa kanang bahagi ko. Oh shii! Nakalimutan kong nasa tabi ko nga pala siya. Nakakahiyang nakita niya kung paano ko titigan ang gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon at hindi man lang ako matapon-tapunan ng tingin.

"I'll talk to you again, later. Pupuntahan ko lang ang mga barkada ko, ah." Mabilis akong tumango dahil pabor naman sa akin 'yon. Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong umupo na siya roon sa pwesto ng mga barkada niya. Natawa naman ako nang makitang nasa dance floor na si Ty at may kasayawan ito.

"Bob, pinopormahan ka ba ng pinsan ni Tyler?" kunot-noong tanong ni Jack sa akin.

"Hindi, ah. Pinagsasabi mo!" nakangiwi kong sagot.

"Mamatey, teh? E, kung makadikit nga sa'yo 'yon kala mo kaniyang-kaniya ka na!" pangingialam ni Dasha.

"Trot, sis. Feeling boyfie ang dating, ganern," saad naman ni Amber.

"Hindi na ako magugulat kung isang araw ligawan ka no'n," dagdag pa ni Iris habang umiiling iling.

"May pag-asa naman ba?" tanong ni Jack na ngayo'y nag-aabang sa sagot ko. Awtomatiko akong napatingin sa direksyon ni Aries at nakita kong nakatitig siya sa akin pero malamig ang titig na 'yon. Actually, halos lahat sila ay nag-aabang sa isasagot ko.

"Here's your food, Ma'am and Sir!" Holy Shit. I wanna praise that waiter for saving me. Isa isa niyang sinerve sa amin ang mga platong may pagkain.

Matapos kumain ay pinakilala ko sina Klay, Aki, Dasha at Amber kay Jack. Napagtanto ko kasing kanina pa kami magkakasama sa isang table pero hindi niya pa kilala 'yong apat.

"Nice to meet you all. Nakakahiya na ako 'yong pinakamatanda rito," nahihiya niyang tugon. Pakaarte.

"Ikaw naman ang pinakapogi, e," pabebeng sabi ni Iris. Haynako obvious na obvious.

"Kuya JD, ano ba'ng gusto mo sa isang babae? Paniguradong wala lahat kay Iris ang hinahanap mo," tanong ni Dasha kay Kuya. Inaasar talaga si Iris.

"Magmumukha ka lang sugar daddy sa sobrang isip bata ng utak niyan, Kuya Jack," dagdag naman ni Amber. Itong si Iris ay umuusok na ang ilong sa sobrang pikon.

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon