Paano ako nakauwi sa bahay? Ang alam ko ay lasing na lasing ako kagabi at sa bistro na ako nakatulog. Paanong nangyari 'yon?
"Well I guess, you're thinking about yesterday kung paano ka nakauwi at dahil sa akin lang naman 'yon. Hinatid kita dahil lasing na lasing ka na and you have to thank me for being concerned pero dahil hindi ka marunong magpasalamat, hindi mo gagawin iyon," tuluy-tuloy niyang sabi nang hindi ako tinatapunan ng tingin. Nakakagulat ang bigla bigla niyang pagsasalita.
"Paano mo naman nalaman ang bahay ko?"
"May address ka sa Philhealth ID mo," He answered and sighed deeply. "Bakit nga pala umiiyak ka sa harap ng isang lalaki? Alam mo bang mukha kang tanga no'n? Iyak ka nang iyak habang nakatitig sa kaniya," dagdag pa nito. Kunot noo ko siyang tiningnan at mukhang nakuha niya naman kung bakit ganoon ang reaksyon ko.
"Galing ako sa TG kahapon dahil nagkaroon ako ng laban. Nanalo ako kaya dumiretso ako ro'n."
Hindi na ako umimik. Ayaw kong pag-usapan 'yon. That was a freaking heartbreaking scene.
"Saan ka pupunta?"
"Gym. I'll support B.A."
Pagkarating ko sa gym ay wala pa masyadong tao, tanging mga players na nag-wa-warm-up pa lang ang mga nandirito. Pumwesto ako sa bench ng B.A.
"Are you going to support me?" tanong ni Iris na ikinangiwi ko.
Nagulat ako nang ibato niya sa akin ang bola. Mabuti na lang ay mabilis ko itong nasalo. Inginuso niya sa akin ang ring kaya't pumwesto ako sa three-point line at umaktong magsho-shoot. Pagkabitaw ko ng bola ay agad akong tumalikod at bumalik sa pwesto. Napangisi ako nang makitang lahat sila ay nakatingin sa pagbagsak ng bola.
As I expected. I hitted.
Nagpalakpakan ang iba sa kanila habang sina Steph at ang kaniyang mga kaibigan ay inirapan lang ako. Ilang minuto ang lumipas at nagsimula na rin ang laban.
Hindi ako natutuwa sa nilalaro ngayon ng B.A. Tambak sila dahil bukod sa maganda ang laro ng HRM ay napakaraming turn-overs ng B.A at iyon ang dahilan kung bakit sila natatambakan.
"Girls tambak na tayo," mangiyak-ngiyak na sabi ni Iris.
"Don't give up, girls. We will make it. We'll get the win!" Napangiwi ako nang mapagtantong nagpapalakasan lang sila ng loob.
"Walang mangyayari kung magpapalakasan lang kayo ng loob diyan." Agad naman silang nagsipaglingunan sa akin. Hindi ko maiwasang hindi magsalita. "You should talk about 'what and how' you will gonna make a play inside the court," paliwanag ko pa. Nagsipagtanguhan naman ang ibang players. Tumingin ako kay Steph at nahuli kong nakatingin rin siya sa akin. "Captain ball, Torres, you have a lot of errors. As much as possible avoid it! Kapag alam mong wala ka namang shooting, huwag kang tira nang tira. Another thing I noticed kapag maglalabas ka ng bola at alam mong mas matangkad sa'yo ang bumabantay, huwag na huwag mong ipapasa paitaas dahil may posibilidad na mahuli ng kalaban ang bola. Sa baba, Steph. Sa baba mo ipasa," paliwanag ko sa kaniya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.
"At bakit naman ako makikinig sa'yo?"
"Dahil magaling ako at ikaw tanga ka!" diretsahan kong sabi. Bahagyang natawa ang ilang mga players.
"That's foul!"
"No! That's a real talk!"
Bumalik na sila sa laro pero wala pa ring pagbabago. Talagang nagbibida-bida itong si Steph dahil kapag hindi pinapasa sa kaniya ang bola ay sinasamaan niya ng tingin ang player na may hawak nito. Ang kulit!
"Masyado na tayong tambak at kinakailangan nating makahabol."
"Paano tayo makakahabol kung ganiyan ang ginagawa ni Steph."
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
ActionTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...