Chapter 21: Quitting

11 3 0
                                    

"Hindi ako nagbibiro, Marley. Huwag mo akong tawanan, nakaka-offend," seryosong tugon ni Gabe habang ako ay pigil na pigil ang tawa ngunit halata pa rin.

Nandito kami sa sports thing room which is nasa IT Building. Hinila niya kasi ako papunta rito kaya wala na akong nagawa, since medyo tinatamad din naman akong pumasok sa first subject.

"Gustong-gusto kita. Gusto ko maging akin ka kaya ko ginagawa ito. Please, Marley hayaan mo akong ipakita 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Hindi na ito laro," malumanay niyang tugon at isinandal ako sa pader. Ipinagdikit niya ang mga noo namin at ikinulong ako sa kaniyang mga bisig. "Habambuhay kitang seseryosohin, Marley hanggang sa bumigay ka," malambing niyang tugon. Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya nang husto ang kaniyang mukha sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang tatlong magkakaibigan na naghaharutan. Mabilis kong tinulak si Gabe palayo sa akin at gulat na tumingin kay Aries na ngayo'y nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Gabe. Ganoon rin sina Aki at Klay.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" kunot noong tanong ni Klay.

"Nag-uusap lang," sagot ni Gabe.

"Mag-uusap na lang kayo dito pa. Weird niyo naman," dagdag ni Aki habang napapakamot sa kaniyang ulo.

"Tuloy niyo lang pag-uusap ninyo. Kukuha lang naman kami ng bola, e. Mukhang importante pinag-uusapan ninyo," pahayag ni Aries habang kumukuha ng isang bola. Matapos kumuha ay lumabas na ang mga ito. Malakas na isinara ni Aries ang pinto at muli kaming naiwan dito ni Gabe.

Napapikit ako at naihilamos ang dalawang palad sa mukha ko. Lalabas na sana ako nang higitin ni Gabe ang braso ko at iharap ako sa kaniya. "Mag-usap na tayo," sambit nito.

Inalis ko ang braso ko sa kaniyang pagkakahawak. "Gabe, stop it. Wala kang mapapala sa akin," diretsahan kong sabi.

"Bakit? Dahil ba kay Aries? Dahil mas gusto mo siya?" diretsahan niyang tanong na ikinatigil ko. Siguro nga masyado akong obvious sa nararamdaman ko kay Aries kung kaya't pati siya ay nakikita 'yon. "Tama ako, 'di ba?" dagdag pa nito at halatadong dismayado dahil sa tono ng pananalita.

"You better go with Steph instead of me. Kayo naman ang ori–"

"Stop including her to our conversation? May malabo ba sa sinabi ko para ipagtulakan mo ako sa iba? Sabi ko ikaw, Marley, Ikaw ang gusto ko so stop referring me to other." Napanganga ako dahil sa sobrang seryoso niya. Wala akong masabi. Gusto ko lang makaalis. "Sabihin mo kung ano'ng meron si Aries na wala ako."

Umiling lang ako sa kaniya at tuluyan nang lumabas. Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko si Aries. Lumilinga-linga ako sa paligid ko kahit pa alam kong sa gym ko lang naman siya makikita dahil malamang ay nag-ba-basketball sila roon.

Pagkapasok ko sa gym ay tila na-amaze ako dahil ang daming tao. Mukhang may pustahan yata. Napansin kong may kumakaway sa akin at hindi nga ako nagkakamali. Sina Iris, Amber at  Dasha ay mga nakaupo na sa bench. Nagtungo ako roon at umupo sa tabi ni Iris.

Sobrang naiirita ako sa hiyawan nitong mga babae sa iba't ibang department. Ang gugulo nila at isa pa alam ko namang si Aries ang tinitilian nila dahil kada makaka-basket ito ay nagiging wild sila.

Si Aries ang may hawak ng bola ngayon kaya't todo hiyawan pa rin ang ilan sa mga kababaihan. Bago pa niya itira sa tres ang bola ay tumingin muna siya sa direksyon ko at ibinato na. Shoot! Psh. Bida bida.

"Oh My God, tumingin siya sa akin!"

"Duh, sa akin kaya!"

"Hoy! Mga assumera, kitang kita naman na sa akin siya tumingin."

BORROWED LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon