Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa kwarto ako ni Aries at magkatabi kami ngayon. Nakasubsob ako sa kaniyang dibdib habang nakayakap sa kaniyang katawan. Wala siyang pang-itaas na damit. Ang kaniyang braso ang nagsisilbi kong unan at nakayakap rin siya sa akin. Nakauniporme pa rin ako. Sa ganitong posisyon ay para kaming mag-jowa. Shit.
Inalis ko ang kaniyang braso mula sa pagkakayakap sa akin at tumayo na. Muntik na akong matumba nang maramdaman ko ang hilo or should I say hang-over.
Mabilis akong naligo upang kahit papano ay mawala ang hang-over ko. Napasapo ako sa ulo nang mapagtantong wala akong gagamiting damit. Ipinangtakip ko ang tuwalya sa katawan ko at mabilis na pumasok sa kwarto ni Aries upang kumuha roon ng damit. Mabuti na lang at tulog na tulog pa rin siya.
Kumuha ako ng Jersey. Umabot pa ito hanggang sa ibabaw ng tuhod ko. Mabuti na lang at may parati akong may baon na underwear in case of emergency, at ang cycling na suot ko kahapon ay sinuot ko ulit. Damn.
"Marley..." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko siyang magsalita. Humarap ako sa kaniya na ngayo'y nakaupo na. "Ano 'yang suot mo?" tanong niya habang naka-kunot ang noo.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. "Ah, d-damit mo. Wala kasi akong baon na damit, e. Bakit kasi hindi mo ako inuwi kagabi." Napanguso ako sa nasabi.
"Ano'ng oras na rin kasi at may tama na ako. Mas malapit ang bahay ko kaya dito na kita diniretso. 'Wag kang mag-alala, wala naman akong ginawang masama sa'yo," pahayag niya at tumango-tango na lang ako.
Tumayo ako at humarap sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang bakas ng halik sa leeg ko. What the fuck, Aries. Pinagbabato ko siya ng unan.
"Aray, Marley, ano ba? Ano'ng nangyayari sa'yo?" giit niya habang sinasalag ang mga unan na binabato ko sa kaniya.
"Aaahh! Bakit mo ako nilagyan nito?" Ipinakita ko sa kaniya ang leeg kong may hickey. Nakakahiya.
Lumapit siya sa akin. "Ano 'yan? Patingin." Itinagilid ko ang aking ulo at inilapit ang leeg ko. Pwersahan ko siyang tinulak nang halikan niya lang iyon. Habang ako ay inis na inis, siya naman ay tawa lang nang tawa. Paano ko ito itatago?
"Napakahayop mo talaga!" singhal ko sa kaniya habang tawa nang tawa ang gago. "Uuwi na ako, ihatid mo ako!"
"Maliligo muna ako," sabi niya at agad na nagtungo sa banyo. Nilagyan ko na lang ng makapal na cream ang hickey na nasa leeg ko. Hindi na siya ganoon kahalata.
Hinatid niya lang ako sa labas ng bahay at umalis na rin kaagad. May aasikasuhin pa raw kasi siya, hindi rin sinabi kung ano dahil nagmamadali. Bubuksan ko na sana ang gate nang biglang may humigit sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito.
"Sshh," sambit nito habang nakalagay ang hintuturo sa labi. "Take it," dagdag pa niya at kusang inilagay sa palad ko ang isang papel. Not just a typical paper. Parang invitation card.
Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa invitation card na ibinigay niya. "Para saan ito, Tom?"
"First birthday ni Amara, My daughter. I want you to be there and I'll expect you to come," nakangiti niyang tugon.
Tumango-tango na lang ako. I smiled also. "Okay." Papasok na sana ako nang muli siyang magsalita.
"Marley, I miss you," diretsahan niyang sabi na ikinagulat ko.
"Teka, nasaan nga pala si Shein?"
"She's busy right now dahil sa nalalapit na birthday ni Amara."
I smiled for the last time and waved at him. "Pasok na ako. Bye."
BINABASA MO ANG
BORROWED LOVE (COMPLETED)
AcciónTwo different person both left behind with different cause of heartbreak stories. These such gave them a huge impact to change theirselves, one for the better and another for the worse. Aries Evans loves a woman who are no longer exists in the worl...